Chapter 22

55 4 0
                                    

Casanova's Heart 22

**

/Hillary/

**

Kanina pa ako nakabusangot dito sa loob ng kwarto, hindi muna ako lumabas,kung kakain man ako papahatid ko na lang dito, Sinindi ko rin ang TV ko sa kwarto kaya lang hindi ako makapagfocus dahil sa sinabi ni mama.

Bakit ba kailangan kong magmodel? Bakit ba pinakekealaman niya ang gusto kong course? Bakit halos lahat ng magulang ganito? Pag mayaman talaga laging business ang iniisip.

Nawala ang atensyon ko sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko, padabog ko 'tong kinuha at nakita ko na si cedrick ang tumatawag kaya literal akong napangiti.

"Hello?" Pagsagot ko, narinig ko ang ingay sa kabilang linya at narinig ko mga boses ng mga kaibigan nya. Hays.

"Shut the fvck up! May kausap ako!" Sigaw ni cedrick kaya medyo nanahimik sa kabilang linya.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya, omg! Dapat ko bang sabihin ang tungkol sa 'model thingy' na 'yun? Hays. No.

"Nakahiga medyo masakit ulo ko. Ikaw? Nasan ka? Ang ingay kanina e." Sunod sunod kong tanong, huminga ako ng malalim dahil nakapagsinungaling ako sa kanya.

"Nasa bar kami." Napatango na lang ako, bar? Paano kung may babae na naman ang dumikit sakanya? Paano kung landiin na naman sya? Paano ako?

"Hillary? Still there?" Napanguso ako sa naiisip ko. Hindi ako makasagot kasi naiinis ako.

"Ah.. yes.." Narinig ko ang paglayo nya sa ingay ngayon ay wala na akong naririnig na ingay galing sa kabilang linya.

"Don't worry, wala akong pinapalapit na babae sakin..." Bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib, wala syang pinapalapit?

"O-ok lang naman kahit may lumapit sayo.. diba.. mahirap iwasan ang nakasanayan..." Malumay kong sabi. Naalala ko na naman ang sinabi nya noon.

I heard him sighed, "Hillary, dati oo, mahirap.. pero ngayon may rason nako para masanay na wala sila..." Hindi ko alam kung totoo 'to, natatakot akong sumugal ulit.

"I miss you..." Mahinang sabi nya na kinapula ng mukha ko.. "Kailan balik mo?" Dagdag nya.

"Ah--" Biglang may kumatok sa pinto. "Wait lang ced.." Saad ko at binuksan ang pinto, nakita ko si manang na nakangiti sa'akin kaya ngumiti din ako sakanya.

"Ikaw pala manang, tuloy ka po.." Kahit na ako ang señyora dito marunong pa rin akong gumalang.

"Hindi na young lady, amo kita.." Napailing na lang ako isa ito sa ayaw ko sa mga mayayaman e.

"Ano ka ba naman manang, hindi ka naman iba sakin! At isa pa wag mo kong tawagin young lady at señyora, Hillary will do." Hinila ko sya at dinala sa loob ng kwarto dahil pag di mo pinilit hindi naman sasama.

Napansin ko na kausap ko pa pala si cedrick kaya kinuha ko ang phone, "Mamaya na lang ah. May kausap ako. Bye!" At binaba ko na ang tawag.

Umupo kami ni manang sa sofa dito sa kwarto ko, nakatingin lang sya sakin.

"Ikaw at si Hannah lang talaga ang naiiba dito sa mansion, napakagalang kahit sila ang mataas parang ordinaryo lang..." Napangiti naman ako sa sinabi ni manang.

"Kaya nga po mas gusto ko na sa manila na lang ako nag e'stay. Ayoko po kasi ang ginagalang ako ng mas matanda sakin... at ayoko din po ang nag uutos..." Nakangiti sakin si manang pero napawi din agad.

 

"Paumanhin young--hillary pero narinig ko po ang usapan nyo kanina ni señyora..." Napaiwas sya ng tingin, ako naman ay napayuko.



"Mali ang gusto ng mama mo, maling mali hillary..." Mahina nyang sabi kaya napatingin ako sakanya, nanggigilid ang luha ko na any seconds ay babagsak 'to.



"Hindi ka dapat pinipilit sa hindi mo gusto... pero dahil sa napakabuti mong bata ay sinunod mo ang gusto ng mama, diba?"



Tumango ako,"Opo manang..." Napapaos kong sabi. Tumingin sakin ng diretso si manang at hinawakan ang kamay ko.



"Hanga ako sayo... kaya mong tanggapin ang kagustuhan ng mama mo para wag lang mawala sayo ang taong minamahal mo..." Napangiti naman ako pero napansin ko ang paglungkot ng mukha nya kaya kumunot ang noo ko.



"Bakit manang? Bat bigla po kayong nabahala?" Umiling sya at saktong may kumatok kaya napatayo si manang.


"Baka si señyora 'yan, lagot ako nito pag nakita ako dito..." Nag aalalang sabi ni manang.


"Don't worry manang nandito ako." Mabilis din akong tumayo at binuksan ang pinto at nakita kong isa sa mga maid dito sa bahay.



Tinignan ko muna si manang, "Sige na young lady, aalis na po ako.." Ngumiti lang ako kay manang at tumango.



Tumingin ako kay sabel, "Señyora, pinapatawag po kayo ng iyong ina.." Nagbow pa sya sa harap ko. Hays.



"Osige.. Sandali kamo." Umalis na sya at ako kumunot ang noo ko, ano na naman bang gusto ni mama?



Bumaba ako at naabutan ko syang nakatalikod at hawak hawak ang baba.

 

"Ma, bakit?" Napalingon sya at hinalikan ko sya sa pisngi ng makita ko.


 
"Dahil pumayag kana, tignan mo ang nasa mesa.." Maawtoridad nyang sabi. Tumingin ako sa may mesa at nakita kong may envelope dun.



Nilapitan ko at binuksan, Binasa ko ang nakasulat at kontrata pala ng pagiging model at kailangan pang mag fill up.



"Gawin mo ang nakasulat dyan.." Umupo sya at tinignan ako, kinuha ko ang ballpen at mabilis na finill up lahat ng nakasulat don at pumirma.



"Done happy?" Tanong ko, at umirap ako sa kawalan.



"Very happy... gusto ko lang naman na ipagpatuloy mo ang hindi ko nagawa dati.." Ngumiti sya sakin kaya bigla akong naguilty, model pala dati si mama. Diko alam wala kasi sya dito sa pinas.

 

"Uuwi na ako bukas.." Saad ko. Tumango lang sya. Tumayo sya at niyakap ako.


"Pag naging successful ka sa pagmomodel, isa na ako sa pinakamasayang tao sa mundo..." Ngumiti na lang ako kay mama. Ayoko syang biguin.



"Katapos nitong school year mo ay dumiretso kana sa isang modeling company okay?" Tumango na lang ako.

 

"Sige makakauwi kana bukas, pahatid na kita?" Tanong ni mama.



Umiling ako, "Hindi na mom, mas gusto ko pa ang mag bus." Tumango sya kaya nilagpasan ko na at umakyat sa kwarto.



*


Maaga akong nakabalik ng manila, bukod sa walang masyadong traffic ay inagahan ko ang pag gising ko.



Walang tao sa bahay dahil may pasok ngayon, nag ayos ako at kahit late na ay papasok pa rin ako. Wala naman akong kasama dito at isa pa simula pa lang ang oras ng klase ng STG.



Kababa ko ng kotse ko ay tahimik ang paligid malamang ay nasa mga kwarto nila. Umakyat ako papuntang kwarto pero nagulat ako ng biglang may humigit sakin.



Napatingin ako at nakita kong nakangiti sya at niyakap ako bigla kaya napayakap din ako sakanya.

 

"I miss you..." Bulong nya sa tainga ko. Kita ko ang saya sa mga mata nya.


"Ced naman..." Nakanguso kong sabi, "Isang araw lang akong nawala..." Nakatingin lang sya sakin ng diretso.


"Yun nga e, isang araw pa lang namimiss na kita paano pa kaya tumagal ka don, edi mababaliw nako?" Sasagot pa sana ako kaya lang biglang lumapat ang labi nya sa labi ko kaya tumugon na lang ako.



"I love you..." Napahinto ako sa pagtugon, tama ba ang narinig ko? Tumigil din sya at tumingin sakin ng diretso.

 
 

"Mahal kita hillary, mahal na mahal kita.." At hinalikan nya ako sa noo.





OW EM JI.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon