Casanova's Heart 4
***
/Hillary/
***
Yumuko akong naglakad ng makasalubong namin sila, hindi ko din kung bakit yumuko ako dapat hindi pero hindi ko maiangat ang ulo ko nagulat ako ng hinawakan ni kyle ang kamay ko at alam kong kitang kita 'yun ni cedrick, nakita kong kumunot ang noo nya at napayukom ang kamao nya.
"Let's go, baby?" Tanong nya, nagulat ako, 'baby' tumingin ako sakanya at parang sinasabing makiride ako, sabagay hindi dapat ako naaapektuhan kay cedrick.
"Alright, baby." Sagot ko at umalis na, hindi ko na tinignan pa ang magiging reaksyon ni cedrick, wala naman syang pake na kahit makipag halikan ako sa harap nya sa sampung lalaki, accept the reality na wala talaga siyang pakealam sakin.
Pumunta kami sa sasakyan ni kyle sa may parking lot, nakita kong pinatunog nya ang sasakyan kaya nagulat ako, nagulat ako kung bakit nya pinatunog 'yon.
"Let's go somewhere?" Tanong nya, nag isip muna ako ng mabuti, ibig sabihin ay mag cu'cutting classes kami? Sabagay wala naman masyadong ginagawa and kaya ko naman mag sketch.
"Then let's go." Sagot ko, binuksan nya ang pintuan ng front seat at pinasok ako don.
Pumasok na din sa driver' seat at bago kami makaalis ay nakita ko ang isang babaeng nakatingin samin habang nakangisi alam kong nakita 'yun ni kyle pero walang emosyon si kyle sigurado akong hindi nya na lang pinansin 'yun, bigla akong kinutuban, anong ibig sabihin ng ngisi na 'yun?
Hindi ko na lang pinansin ang babaeng nakita ko kanina, bagkus pinakinggan ko na lang ang mga kantang lumabas sa stereo ng sasakyan, medyo rak 'yung song kaya kinuha ko 'yung remote at hininaan 'yon.
"Why did you do that?!" Pasigaw na sabi ni Kyle, nabigla ako sa ginawa niyang pag sigaw pero napansin ko bigla ang paglambot ng expression nya, "Sorry.. hmm.."
"Its okay." Sagot ko at tumingin na lang ako sa bintana pero ramdam ko ang bawat sulyap niya sa'akin pero hindi ko sya ginantihan ng tingin.
Hininto nya ang sasakyan sa tapat ng parking lot at pinagbuksanan ako ng pinto, lumabas ako at tinignan ko kung nasa kami, di familiar sakin 'yung lugar na 'to.
"Lovely hillary," tawag niya ng pangalan ko kaya napatingin ako sakanya, "Hm.. yes?"
"Sorry kanina, nabigla--"
"Its okay, I understand, don't worry I'm not mad." Ngumiti ako sakanya para hindi siya mag isip kung galit ako sakanya, ngumiti din siya.
"Alright..." He said, magtatanong sana ako kung nasan kami pero naglakad siya kaya sumunod ako, "Nasa bubbles tayo." Kumunot ang noo ko, bubbles? Ano daw?
Narinig ko syang napatawa ng mahina kaya sinamaan ko sya ng tingin, di ko talaga alam 'to.
"Bubbles, hillary. Bubbles." Pag uulit nya, kumunot na ang noo ko kaya tinignan ko sya.
"Alam ko ang bubbles, pero anong meron sa loob?" Bubbles din ba? Pero di sya sumagot bagkus hinila nya ako papasok.
Kapasok namin ay bigla akong nilamig, naka sleeveless ako at maong pants na high waisted.
"Are you cold?" Napatingin ako sakanya, ngumisi ako ng bahagya at sumagot.
"No, I'm hot.." Sagot ko at ngumisi ulit, narinig ko pa ang pagtawa nya mahina.
"Tsss..."
Pumasok na kami sa pinakaloob, nagulat ako sa nakita, 'yung mga bubbles na pumuputok pero napapalitan agad, iba't ibang kulay pa, namangha ako sa nakita ko, may maliliit at may malalaki.
"Beautiful?" Napatingin ako kay kyle, mabilis akong tumango at tumingin ulit sa mga bubbles na nasa ere, "Pwedeng magputok, wala pa tayo sa gitna nito, sa una palang 'to kumbaga wala pa tayo sa climax." Pagpapaliwanag niya pero diko sya pinakinggan bagkus nagputok ako ng bubbles.
Naglakad lakad ako, malamig dito, hindi mainit, sakto lang buti at hindi agad nawawala ang bubbles tumatagal pa ito ng isang minuto bago pumutok.
Napatingin ako sa may mga aquarium at mga cabinet na may mga bubbles doon, namangha ako kasi lumipas ang ilan minuto hindi sila pumutok.
"Wow.." Pabulong kong sabi, nasa likod ko lang si kyle habang sinusundan nya ako kung saan ako pupunta.
Humarap ako sakanya na nagniningning ang mga mata ko sa pagkamangha, "Kyle," tawag ko sa pangalan nya.
"Yes?" Ngumiti ako sakanya, "Thankyou, sana hindi ito ang huli ng pagpunta ko dito, huh." Sabi ko tumingin ulit sa mga bubbles.
Lumipas ang isang oras at nakalabas na din kami, medyo nagtagal kami sa loob buti na lang at hindi nagreklamo sakin si kyle, ang saya talaga pag dinala sa hindi mo alam na lugar tapos ganon pa ang makikita mo.
Huminto ang sasakyan ni kyle sa isang park, bumaba siya kaya bumaba din ako, itong park na 'to na dating pinuntahan namin ay iba na dahil after two years nakapunta ulit ako dito.
"Yung sa bubbles parade kanina dinala kita doon kasi nung una ayoko talaga dahil pambata kaya nagdalawang isip ako.."
Umupo kami sa may upuan na malapit kung saan palubog na ang araw, sunsets? eto na 'yata 'yun. Nakinig lang ako sa sinabi nya.
"Tinanong ko ang mga tropa ko kung dalhin kaya kita doon magugustuhan mo, pero tinawanan nila ako, mga gago.." Natawa ako ng bahagya sa sinabi nya.
'Yun ba ang pinag usapan nila kanina?
"Nilapitan ko kapatid mo na si hannah, muntik pa nga akong suntukin ni jiro dahil nagselos 'yata, ha-ha." Napailing nalang ako kahit kailan napakaseloso nya talaga.
"Tapos ang sabi nya, hindi ka naman daw maarte sa lugar, kaya sinubukan kong dalhin ka doon at hindi naman ako nagkamali sa pagdala ko sa'yo, diba?" Tumango ako sakanya, this time tumingin ako sakanya.
"Nag enjoy ako, hindi ko alam na may bubbles palang ganon dito, sa ilan taon ko na dito hindi ko alam na may ganon buti na lang dinala moko doon, super akong humanga sa loob nya.." Kwento ko, naalala ko na naman 'yung kanina sa library.
"Kyle..." humarap siya sakin, huminga ako ng malalim, "About dun sa library kanina.." Pagsisimula ko, nag iwas siya ng tingin at tumingin sa kalawakan.
"Im sorry, alam mo naman siguro na si cedrick pa rin ang tinitibok ng puso ko diba?" Tanong ko.
Napatingin ako sa langit na ngayon ay lumubog na ang araw, medyo dumidilim na kaya sinindi na ang ibang lights dito sa park, ang ganda talaga ng iba't ibang kulay.
"Wala 'yon hillary, naiintindihan ko naman..." He said, "Kaya ko naman maghintay.." Dagdag pa nya.
Nakokonsensya ako, di ko alam kung bakit, parang alam ko 'yung pakiramdam na magmahal ka ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik, 'yung minamahal mo 'yung taong may mahal na iba.
Tumingin siya sakin at ngumiti ng mapakla, alam kong fake smile 'yun, inangat niya ang baba ko para makatingin ng diretso sakanya.
"Alam ko, balang araw... sakanya parin ang bagsak mo.." He said, at umiwas ng tingin, "Siya pa rin ang panalo sa larong ito."
Tumayo sya at tinignan ako, hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nya.
"Let's go? Hatid na kita maggagabi na baka masuntok ako ng mga pinsan mo." At tumawa sya ng mahina.
Tumayo na din ako at naglakad papunta sa sasakyan niya, malapit lang naman kami dito.
Habang nasa sasakyan kami ay sobrang tahimik, parang paghinga lang namin ang maririnig mo.
Naisip ko na naman ang sinabi nya kanina, balang araw? sya pa rin ang panalo? At nagflashback sakin 'yung sinabi ni coleen. someday? sign? Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nila pero parang may puzzle na nabuo sa isip ko.
Balang araw-someday, siya pa rin ang panalo 'yun ang sign.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]