Casanova's Heart 40
**
"Closer." Sabi ng photographer na si Arvin at si Alexis, kasama ko ngayon si warden sa photoshoot, nakaback hug sya sakin kasi utos ni Alexis.
"Hindi ganyan, warden lagay mo kamay mo sa may tiyan ni hillary tapos ikaw hillary sa pisngi ni warden nakalagay isang kamay mo at nakatingin ka sakanya pero ikaw warden diretso lang tingin sa camera." Tumango kami at ginawa nya, tinignan ko sya at kitang kita ko ang gwapo ng mukha nya.
Nagiba ang itsura nya, lumitaw ang dimples nya, may mga muscles sya sa katawan, may hikaw na sa kanang tainga at medyo matangkad na sya sakin. Napangiti ako sa naiisip ko at biglang nag click ang camera.
"Eto best shot!" Sigaw ng photographer kaya humiwalay na ako at tinignan ang picture na na capture, ang ganda nga ng pagkakakuha, napangiti ako at napatingin ako kay warden na nakangiti sya habang tinitignan 'yon.
"Billboard natin? Model ng bench, pak na pak!" Sabi ni Alexis, kahit sa paris puro billboard ang samin ni warden.
"Hillary sa tingin mo?" Tumango ako, "Ok lang." Sagot ko.
"Alright." Sabi nila.
Nakasandal ako ngayon sa office ni Alexis, pinapahinga ang sarili ko dahil nai'stress na ako sa buhay ko,hindi ko na dapat pang alalahanin 'yung nangyari kagabi sa bar. Nightmare. A worst nightmare.
Baka naman di ka na virgin?
The fvck!? Tch. Isipin nya kung anong gusto nyang isipin, pero kahit ganon, mahal ko pa rin sya, hindi ko alam bakit sa kabila ng sinabi nya mahal na mahal ko pa rin sya, hindi ko alam ang pinuputok ng butchi nya kagabi.
"Girl, kalat na ang picture at video mong may kahalikan na iba kagabi." Napalingon ako kay Alexis na nakatingin sakin, tumayo ako at tumabi sakanya.
Plinay ko ang video at kitang kita ko ang paghalik nya at ang suntukan nila cedrick hanggang sa mawala na. Tumingin ako kay Alexis, kwinento ko kasi ang nangyari sakanya.
"Ikakasira ng image mo 'yan.." Sabi nya, walang emosyon ang mukha ko, siguro nga, pero bakit mas gusto ko pang mag quit na lang? Pero ayokong i' dissapoint si mom.
May mga nagflashbacks sakin.
"Oh yes, dahil sa modeling na 'yan right?"
"Sabagay kahit umuwi ka naman, modeling pa rin ang aatupagin mo.. diba?"
Pumikit ako ng mariin, hindi na nagsalita pa si Alexis siguro alam nyang hindi ko alam ang sasabihin ko, masisira ang image ko? Maaaring mawalan ako ng carreer, ayoko naman 'yun. Lasing na lasing na kasi ako kagabi hindi ko na alam pinang gagawa ko.
"Madidissapoint si mama," Pagsisimula ko, tumingin sya sakin at binasa nya pa ang labi nya bago umiwas ng tingin.
"Alam mo girl, hindi sa lahat ng panahon susundin mo gusto ng mama mo, kasi walang mangyayari, mahihirapan ka lang, marami kang masasaktan." Ngayon ko lang nakitang seryoso si Alexis.
"Pero hindi naman sya makikipagbugbugan kung wala syang nararamdaman sayo, 'yan ang pinagtataka dito sa video.." Kita mo ang pag iisip nya, napailing na lang ako.
"Hindi na nga nya ako mahal, ang sabi nya hindi na nya ako mamahalin," Malumay kong sabi.
"Ang gulo talaga ng mga lalaki, kaya na i'stress ang beauty ko eh..." Nanliit ang mata ko.
"Seryoso Alexis, gusto na kitang ibitin." Sabi ko, ngumuso sya kaya inirapan ko na lang.
"Pero kung i'challenge mo kaya siya?" Napatingin ako sakanya na parang nagtataka.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]