Chapter 15

60 4 0
                                    

Casanova's Heart 15

**

/Hillary/

**

Nakatingin ako sa kisame na iniisip pa rin ang mga nagiging reaksyon ni Cedrick, hindi ko alam kung mahal nya ako ano pero malinaw naman 'yung sinabi nya sakin two years ago.

Masaya akong hawak hawak si baby richy , Nakita ko si cedrick na nakatalikod kanina pa yata nya ako hinihintay.

"Daddy! Nandito na akoo." Habang tinutok ko sakanya si baby richy, nakita ko ang seryosong tingin ni Cedrick, kaya napatigil ako.

"Stop it, hillary.." Kumunot na ang noo ko, Niyakap ko si baby richy.

"Anong problema? Bakit..." Kita ko ang paghinga nya ng malalim.

"Sinabi ko sa'yo na mahal kita, sinabi ko din na girlfriend kita kahit hindi dahil gusto ko tigilan nako ng mga babae.. pero sorry, di ko pala kaya na iwan ang nakasanayan ko..."

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko, Unti unting tumulo mga luha ko.

 

"So, pinaglaruan mo lang ako? Pinaikot? Pinagmukhang tanga? At pinaasa ah cedrick!" Hindi ko na maiwasan ang mapahikbi, nakita kong umiwas sya ng tingin.

"Im sorry pero di kita minahal.." At tuluyan na syang umalis sa harap ko.

Napaupo ako sa kama at pumikit ako ng mariin at kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha, tumingin din ako pataas.

Napatingin ako kay baby richy, kinuha ko sya at nginitian ko, niyakap ko sya ng sobrang higpit at nilagay ko sa legs ko.

"Hindi ko na talaga maintindihan ang daddy mo, baby.." Nakanguso kong sambit sa panda na nasa legs ko habang kinakausap ko sya.

"Baby naman kausapin mo si mommy.." Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata nya hindi naman sya kumukurap kasi nga bear lang sya, hindi talaga sya magsasalita.

"Sige dyan ka na lang sa tabi ko, aalis lang muna si mommy.." Nilagay ko sya sa kama ko at tumayo na papuntang baba.

 

Nakarinig ako ng ingay sa baba at nakita ko ang mga pinsan ko na naglilinis dahil sa kalat na iniwan ng mga tropa ni cedrick.

"Ngayon ka pa bumaba?" Nag aayos na throw pillow na saad ni coleen, hindi ko sya pinansin at umupo ako sa upuan.

"May problema ka?" Tanong niya at umupo sa tabi ko pati rin si Hannah, nakita ako ng iba ko pang pinsan kaya umupo din sila.

"Anong problema?" Nasa akin lahat ng atensyon nila, Huminga ako ng malalim.

Kwinento ko sakanila na simula pa lang nung una ang mga nagiging reaksyon ni cedrick pero diko binanggit 'yung tungkol sa kiss at 'yung kanina kwinento ko din.

"Kaya pala may dugo 'yung kamay nya kanina." Nakakunot na noo na sambit ni coleen. Tinignan ko sila isa isa nakita kong nakakunot noo nila pero si xyrile ay tinaasan ako ng kilay kaya inirapan ko sya.

"Sabi nga din ni Jiro hindi nya na maintindihan si cedrick." Tumango ako sa sinabi ni Hannah..

"Ewan ko ba, bahala na basta ayoko munang sumugal, ayokong isipin nya na hindi pa ako nakakamove on sakanya.." Tanging tango lang ang nasukli nila.

"Nga pala, tumawag si mama hannah.." Napatingin sila sakin.

"Anong sabi?"
 

"Kinamusta nya tayo, tapos ang sabi nya kailangan kong umuwi next month..." Napatigil sila at kumunot ang noo.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon