Casanova's Heart 14
**
/Hillary/
**
Mabilis akong bumitaw sakanya at tinulak sya at mabilis na tumakbo, ang bilis ng tibok ng puso ko parang may mga kabayong tumatakbo. Napahinto ako sa tapat ng pader at napahawak sa dibdib ko, parang may something akong naramdaman nung sinabi nyang wag akong iiyak nandon lang sya.
"Kanina pa kita hinahanap.." Napaayos ako ng marinig ko ang boses na 'yon.
"Hillary.." At this time hinarap nya ako, nakita ko ang pag aalala sa mukha nya.
"Hehehe, sorry. Ayoko ng cr dun kaya dito ako napunta." Napaiwas ako ng tingin pero ngumiti lang sya ng bahagya.
"Ganon?" Tumaas ang kilay nya alam kong hindi sya naniniwala.
"Oo, tara na nga! Malalate nako next subject ko." Nauna na akong naglakad sakanya pero alam kong nakasunod lang sya.
Tumapat na kami sa room ko, "Sige na pasok kana." Tumango lang ako at pumasok na.
Natapos ang class namin at pababa nako ng hagdan pero nakita ko na naman 'yung babae pero mabilis syang nawala. Tama ba nakita ko? O nagmumuni muni lang ako.
Sinubukan kong habulin pero wala akong nakita kundi mga lovers lang nagulat ko pa yata sila kaya napahiwalay sila sa kanilang mga boyfriend.
"Hmm.. sorry.." Saad ko at mabilis na tumakbo, napahinto ako na hinihingal, ano ba 'to.
Habang nakahinto ako nakita ko si cedrick na naglalakad nakapamulsa ang isa nyang kamay 'yung isa naman ay may hawak hawak na coke in can tapos hinahagis hagis nya pa sa ere. Biglang nagflashback na naman 'yung nangyari kanina, Nakita kong napahinto sya at napatingin sa gawi ko.
Ngumisi sya at umiling at nawala sya sa paningin ko, Napakunot naman ang noo ko, dati makita nya pa lang ako tinatawag na nya pangalan ko bat ngayon nilagpasan nya lang ako? Bakit ba ang assuming ko?
Tatalikod na sana ako pero may humigit sakin papuntang cr, nung bitiwan nya ako nakita ko ang earring nya na kumikinang sa kaliwang tainga nya.
"Te..ka, bat nandito ako? Bat moko hinila? Anong kailangan mo? Bat--" Nanlaki ang mata ko ng magdikit ang labi namin, hindi ako pumikit kaya kitang kita ko ang paggalaw ng labi nya.
Tumigil sya at tinignan ako ng diretso, "Next time wag mo kong pinagseselos.." at umalis na sya.
Natulala akong naiwan dito, anong pinagsasabi nya? Anong ibig nyang sabihin? Umiling na lang ako at napahawak ako sa labi ko pero diko namamalayang tumaas ang gilid ng labi ko.
*
Gabi na at naiinitan ako kaya naisipan kong mag swimming muna habang nasa loob ang mga pinsan ko, gusto ko munang i'relax ang sarili ko, naguluhan ako sa naging reaksyon nya.
Inalis ko ang bathrobe na suot ko at nakaswim suit lang ako ngayon tinali ko rin ang buhok ko para walang sagabal sa pag swimming ko, Dahan dahan akong bumaba sa swimming pool namin at naramdaman ko na agad ang lamig ng tubig.
Sumisid ako ng sobrang lalim, gusto ko munang i relax ang isip ko, napaahon ako at pumunta sa gilid ng swimming pool at inalis ang tubig sa mukha ko.
Naisip ko na naman 'yung kanina at may nagflashback na naman sakin.
"Ate samahan mo naman akong ituro ang office." Saad ng nagtatanong sakin, mabilis akong tumango sakanya.
"Osige." Habang naglalakad kami ay bigla akong inakbayan nung lalaki kaya nagulat ako at napahinto at mabilis na inalis pero nakita ko ang talim ng tingin ni cedrick.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]