Chapter 7

82 4 0
                                    

Casanova's Heart 7

**

/Hillary/

***

Hinila nya ako malapit sa may garden, umupo sya kaya umupo din ako, inikot ko ang paningin ko para tignan kung may tumitingin samin.

"Walang nakakitang pumasok tayo dito." Aniya, tumango na lang ako at tinignan sya.

"Anong pag uusapan natin?" I asked him. Lumunok muna siya bago magsalita ulit.

"Umiiwas ka ba sa'kin?" Nagulat ako sa tanong nya, oo, umiiwas ako pero alam kong umiwas din sya. Isang linggo akong nagpakita at hindi rin sya nagpakita sakin, kahit pumunta sa bahay di nya ginawa kaya alam kong umiwas din sya.

"No.. ikaw 'yung umiwas.." mahina kong sabi pero narinig nya, tinignan nya ako ng diretso sa mga mata ko.

"Hindi ako umiwas, may inasikaso lang ako, hinanap kita pero di kita makita, sinubukan kong pumunta sainyo pero di kita naaabutan, inikot ko na anf buong campus pero di kita makita, ngayon sino satin ang umiiwas?" Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita, gusto kong magsalita pero walang lumalabas na kahit anong letra sa bibig ko.

"Hmm.." parang ayaw pa rin magsalita, nakita kong napailing sya, hinawakan nya ang kamay ko. "Alam kong umiiwas ka, bakit?" Tanong nya, nakahawak pa rin ang kamay nya sa kamay ko, mainit ang kamay niya, buti na lang at hindi masyadong mainit ang akin kundi baka masunog kamay namin, Ha-ha.

"O-okay, aamin nako, yes.. umiwas ako, ayaw kong magpakita sainyong dalawa ni cedrick, ayokong maguluhan ulit ang isip ko, nahihirapan akong intindihan lahat ng mga nasa isip ko, gusto kong mapag isa, pero mahirap pala..." Napayuko ako dahil sa hiya, hindi dapat ako umiwas pero 'yun naman daw ang makakabuti para samin.

"Alam ko, I knew it, hillary." Malumay nyang sabi, "Alam kong naguguluhan ka dahil sa mga sinabi ko.. pero sana wag mo kong iwasan..." Sabi nya, "Kasi... kasi diko kaya..." Namula ang mata nya sa sinabi na parang may namumuong luha, hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.

"Im sorry..."

"Im sorry kasi diko nakaya ang mga nasa isip ko at 'yun lang ang naging desisyon ko, sorry kung nahirapan ka... pero nahihirapan din kasi ako kyle..." Mahina kong sabi, tumingin sya sakin at tinaas ang baba ko para makatingin ako ng diretso sakanya.

"Wala kang kasalanan hillary, mali din kasi ako kasi binibigla kita sa mga salita ko kahit alam kong mahal mo pa rin si cedrick, alam kong di ko sya mapapantayan pero umaasa ako, umaasa ako na isang araw, ako naman laman nyan..." Duon ko nakitang kinagat nya ang labi nya at may namuo ng luha sa mga mata nya kaya umiwas sya ng tingin.

"Tara na, balik na kita sa kwarto mo, may klase ka pa.." Tumayo na sya at tinayo nya ako.

Habang naglalakad kami ay walang nagsasalita, gusto kong magsalita pero wala na naman lumalabas sa bibig ko na kahit anong words, kaya pinili ko na lang manahimik.

Nang makatapat na kami sa kwarto ay huminto na sya, tumingin sya sakin at nginitian ako.

"Wag mo ng isipin 'yung mga sinabi ko sayo dati hillary, ipahinga mo isip mo. Huh? See you around." Sambit nya at umalis na.

Kahit kailan di ako nagkamaling kaibiganin si kyle, mabait sya, nakakaintindi, mapang unawa, may isang salita, nasa gawa sya pero di ko alam bakit diko sya kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko kay cedrick na wala naman ginagawa sakin, hindi sya katulad ni kyle na laging nandyan sa tabi ko, di ako iniwan..

*

Dalawang araw ang nakalipas, nasa loob ako ngayon ng kwarto ng fashion designer, pinapaikot ko ang ballpen sa may mesa habang nag iisip ng e'sketch, ang sabi gown daw kaya nag iisip ako ng design at kung anong itsura, gusto kong makuha sa top best designer dito.

Huminga ako ng malalim at pinasok sa bag ko ang cartolina na kulay puti at ang mga lapis, pentel pen, pencil color, at pastels. Mamaya na kita pro'problemahin.

Pumasok ang prof. namin na hindi sya bumati kami lang ang bumati sakanya, kahit kailan talaga ang sungit ng teacher na 'to, pumunta sya sa harapan.

"Next week, may magaganap na laban ng volleyball." Sabi nya, napataas ang kilay ko dahil kaming dalawa ni hannah ay marunong pati rin si coleen na nag MVP noon sa larong volleyball.

"So, alam ko naman na may lalaban dito at may magaling, villamar's right?" Tanong nya, tumango na lang ako dahil wala din akong magagawa.

"Ate, lalaban daw tayo.." Sambit ni hannah sakin habang nagliligpit ng gamit nya, konti na lang ang natira dito.

"Kailan daw practice?" Tanong ko sakanya. Nagkibit balikat lang sya at nilagay na ang shoulder bag nya sa kanyang balikat.

"Sabihin natin kay coleen, baka di nya pa alam, alam kong kaya nyang ipanalo ang game na 'to." Tumango na lang ako sa sinabi nya at lumabas na kami.

"Nasan sila?" Tanong ko, "Sabi ni jiro sakin nasa gym sila, lagi naman e." Aniya, tumango ako at nagsimulang maglakad ulit.

Nakarating kami sa gym at humiwalay na sakin si hannah at pumunta kay jiro, so, wala pa silang alam, samin lang sinabi? Hinanap ko si coleen, at nakita kong katabi nya si clarence.

"Hey." Pagkuha ko ng atensyon nila, hindi naman ako nagkamali dahil napatingin sila sakin.

"May laban daw ng volleyball." Sambit ko at nakita kong nagbulungan ang boys.

"At kinuha tayo, villamar's girls daw. Alam ko naman na MVP ka coleen, kaya alam kong yaka mo/natin na matalo sila..." Sabi ko at umupo, tumango lang si coleen.

"Kailan daw?" Tanong nya. "Next week." Maikli kong sagot.

"Sinong kalaban?" Umiling ako sakanya, "Walang sinabi." Sagot ko at tumango na lang sya.

"Marunong pala kayo?" Manghang sabi ni carlo.

"Bat di namin alam?" Nakangusong sambit ni michael.

"Baka may laban e' no?" Sagot ko at inirapan ko sya.

Natahimik ng ilan minuto, tumingin ako sa paligid at nakita ko syang nakatingin sakin, parang may gustong sabihin pero hindi ko sya pinansin at nag iwas ako ng tingin.

"Girls?" Napatingin kami sa tumawag samin, girls lang daw pero pati sila tumingin, alam na. Ha-ha.

"Yes po?" Tanong ni hannah, ngumiti samin 'yung matanda mga nasa forty two or four na sya.

"Kayo ba 'yung villamar's girls?" Tumango lang kami.

"Ako nga pala si lourdes, aling lourdes na lang tawag nyo sakin, susukatan namin kayo para sa laban nyo sa susunod na linggo." Tumango kami at tumayo ng sabay sabay.

Natapos ng sukatan 'yung dalawa ngayon ay ako na ang sinusukatan.

"Paki taas ng kamay, ija." Sambit ni aling lourdes kaya tinaas ko, nakita kong breast pala ang sinukatan patungong likod, nakita ko ang tingin ni cedrick kaya inirapan ko sya.

"Okay, thankyou. Young ladies." Sambit ni aling lourdes at tumango kami sabay ngiti.

"Sana ako na lang nagsukat." Sambit ni carlo habang tumatawa. Hinampas tuloy sya ni michael.

Umalis na 'yung ibang kasama namin, ang natira na lang dito ay ako at si cedrick ang lovers.

"CR lang ako." Sambit ko, tumango sila at dumiretso nako sa Cr.

Tinignan ko ang mukha ko kung haggard, hindi naman pala kaya pinunasan ko na lang pawis ko at lumabas na.

Oo nga pala, may best sketch pa. Sa bahay ko na lang iisipin ang design.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon