Chapter 37

49 2 0
                                    

Casanova's Heart 37

**


3 years ago...

Tatlong taon na pala ang nakakalipas diko namamalayan, pero ang puso ko hindi pa rin nakakalimot, mahal nya pa rin ang nasa pilipinas.

"Ang ganda mo don oh." Humahalakhak na sabi ni warden, yes, si warden ng YDC.

"Nambola kapa," Natatawa kong sabi, "Hindi ah." Depensa nya.

Isang taon na ang nakakalipas mula nung dumating dito sa paris si Warden, dito daw syang magtatapos kaya nung nakapagtapos sya ay sabi nya gusto nyang maging modelo katulad ko kaya naman nakisama na sya sakin at nilakad ko sya sa company kung saan ako nagmomodel.

Nalaman ko din na may gusto sya sakin, nagtapat sya ten months ago, pero ang sabi nya, ok lang daw kahit diko sya mahalin pabalik. Natanaw ko ang isang billboard dito sa paris at kita ko ang itsura ko doon, iba't iba ang dating ko doon, medyo kita ang cleavage ko.

Ilan magazine na rin ang meron ako nasa fifty six na yata, dahil bawat months ay puro photoshoot tapos lalagay sa magazine or billboard, sa pilipinas daw ay nagtayo yata sa bawat branches ng mall, dito naman sa paris ay nasa thirty two ang billboard ko, masyado na akong sikat, hindi na ako pwedeng lumabas pa ng walang kasamang guard sa likod ko.

Pero naalala ko 'yung sinabi sakin ni Joaquin non,

"Kasi walang kwenta ang pagiging sikat mo kung sarili mong mahal 'di ka masuportahan."

Sighed.

Si Kyle naman ay hindi pa rin bumabalik ang memorya nya, ang sabi ng mamaya nya ipapa operahan ulit sya sa europe kaya naman wala na sila ngayon dito sa paris.

Napukaw ng atensyon ko ang kanta mula sa stereo ng kotse ni Warden.

' Where were you when I was burned and broken

While the days slipped by from my window watching

And where were you when I was hurt and I was helpless

'Cause the things you say and the things you do surround me...

Nanlalaki ang mata kong tinignan si Warden pero ngumisi lang sya.

"Singer na ba sya?" Tanong ko, tinignan ako ni warden at tinaasan ng kilay.

"Try mong mag open ng social media, tutal babalik ka na rin naman bukas. Tayo pala." Napanguso ako sa sinabi nya at inirapan sya.

'While you were hanging yourself on someone else's words

Dying to believe in what you heard

I was staring straight into the shining sun..

'Lost in thought and lost in time

While the seeds of life and the seeds of change were planted

Outside the rain fell dark and slow

'While I pondered on this dangerous but irresistible pastime

I took a heavenly ride through our silence

I knew the moment had arrived

For killing the past and coming back to life...'

Natapos ang kanta nya at napangiti ako ng bahagya, ramdam ko sa boses nya na okay na sya, parang wala na syang nararamdaman pa, kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Hindi singer si cedrick, dahil sikat sya sa pilipinas ininvite sya sa isang event and special number nya 'yan..." Tumango tango pa ako kay warden.


 
Kinabukasan ay mabilis akong naghanap ng sapatos ko, nakasuot lang ako ng jeans at t-shirt, magsimple lang ako ayokong pagdating ko ng pilipinas ay pormahan ang dating, kahit naman sikat na ako-- Wala pa ring nagbabago sakin..

Sakto ang pag uwi ko dahil ikakasal na next month ang pinsan ko at si clarence, buti pa talaga sila. Si jiro and Hannah yata ay nagpla'plano na sa kasal, ok, napag iwanan ako.


Ramdam ko na agad ang mainit na simoy ng hangin sa pilipinas pero namin ko 'to, mas gusto ko ang weather dito kesa doon, nakashades ako para 'di makakilala parang disguise, ang hirap naman nito.

"Tara na hillary, makikita ka pa nyan e." Bulong sakin ni warden kaya tumango ako at naglakad papasok sa kotse ni warden na pinahatid nya dito, nilagay na rin ang mga bagahe sa likod.

Pumasok ako sa loob ng kotse at umandar na ang sabi ko ay sa'amin muna nila ako ibaba, natanaw ko ang mga billboards ko dito sa pilipinas, so, totoo ngang madami akong billboards dito pero bakit parang hindi ako masaya? Umiwas ako ng tingin at nagfocus na lang sa daan.

 

Paano ko sya haharapin sa loob ng tatlong taon kong pagkawala?

Huminto ang kotse sa harap ng bahay namin kaya shinoot ko ang shades ko at binaba ang mga bagahe ang sabi ni warden hinihintay na daw sya ng mga barkada nya kaya hindi na sya papasok.

 

Kapasok ko ay tahimik sa loob, nalungkot ako ng makita kong tahimik na ang bahay, parang mababawasan na kami sa susunod na buwan, kasi magseseperate na si coleen. Okay na rin naman 'yun. Kailangan sya ng asawa nya.

Nilagay ko ang mga maleta ko sa side at naglakad ako sa buong bahay, tinignan ko na walang nagbabago, ganon pa rin ang ayos pero malinis, nakarinig ako ng footsteps galing hagdan kaya lumabas ako at nakita ko na laglag panga akong tinignan nila Xyrile at Tyler.

"Miss me cous?" Tanong ko, bigla silang nagkatinginan at tumalon na papunta sakin at niyakap ako.

"Putangina,"

"Damn, namiss ka namin!" Kadarating ko mura ang naabot ko, hinalikan pa nila ako sa pisngi, umupo ako sila sa sofa.

"Kamusta?" Tanong ko, nagkibit balikat sila.

"Gwapo pa rin."

"Hot pa rin." Napailing na lang ako, "Oh ikaw kamusta ka?" Napatigil ako sa paglalakad.

 

Pinilit kong ngumiti pero parang di ko yata kayang ngumiti habang natatakot sa magiging reaksyon ni cedrick.

"I-im fine." Nauutal kong sabi, tumaas lang ang kilay nila. Napatingin ako sa pababa at nakita ko na sina hannah 'yun at coleen pati si aze. Gulat silang napatingin sakin at reaksyon nila ay katulad sa dalawa.

"Di ka man lang nagsabi?"

"Ang sikat mo na pinsan." Napaiwas ako ng tingin at sinubukan ngumiti sakanila.

  


"Hayaan nyo 'yon, ordinaryo lang ako ngayon." Sabi ko doon naman sila napatawa.



"Yan gusto namin sayo pinsan eh. Hindi lumalaki ang ulo."

 

"Congrats pala sa mga magazine mo, napuno na nga itong bahay eh." Napatingin ako kay aze at kita ko ang pag nguso nya sinundan ko ng tingin 'yon ay nasa isang cabinet lahat kaya ngumiti ako sakanila.



"Thankyou pinsan." Sabi ko. Binasag ni Hannah ang katahimikan matapos kong magpasalamat.

 

"Nga pala, birthday celebration mamaya ni jiro, punta ka ah." Sabi ni Hannah, tumango lang ako sakanya.



"Sempre." Sagot ko at ngumiti lang sila sakin.


Naging awkward masyado ang pag uusap namin kanina kaya naman nagpasya na akong mag ayos at bumaba na ako, nakita kong nakaayos na sila, tinignan nila ako at napanganga pa, suot ko ay dress na fitted na above the knee, tapos may sparkling na sequins kaya parang nag i'stunning ang suot ko, at nagdala din ako ng shades para disguise.

"Tara na." Sabi nila, naglakad na ako pababa at sumunod sa kanila. Kahit sikat ako pag kasama ko na sila ay nagiging ordinaryo lamang ako katulad ng dati.

 


Iniisip ko lang ngayon kung paano sya haharapin.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon