Casanova's Heart 33
**
Ilan araw mula ng magtrabaho bilang model, sumikat na rin ang mga picture ko pero dipa nilalabas ang 'elle' kong magazine mga next week daw.
Bumaba ako ng kwarto ko, wala akong naabutan sa baba malamang ay busy sa pagtra'trabaho, nakakamiss rin pala 'yung dating may nadadatnan ka lagi dito sa baba 'yung mga boses ng maingay mong pinsan. Hays.
Lumabas ako ng bahay at gusto kong maglakad lakad muna at pumunta sa park, umupo ako sa may bakal na upuan at tumingin sa langit, napangiti ng maalala ko si Kyle, Ilan buwan ka ng wala kyle, miss na kita, miss ko na ang kaibigan ko, ang kaibigan kong nagsakripisyo para sa buhay ko, 'yung mga advice mo sakin, 'yung bawat pagsama mo sakin, sa bubbles, sa brownies, at sa kung ano ano pa, ikaw laging sumusuporta sakin kahit alam mong si cedrick ang mahal ko nandyan ka pa rin para tulungan ako. Nakakalungkot lang isipin na wala kana.. ni hindi ko nakita ang bangkay mo, ngumiti ako at may pumatak na luha sa mata ko. Siguro hanggang doon lang ang binigay na araw satin dahil nahihirapan kana sakin. Tandaan mo, ikaw ang kaisa isa kong kaibigan..
Inikot ko ang paningin ko at tumayo ako pero muntik pa akong atakihin ng makita kong si lola na naghula ang nasa harap ko ngayon kita ko ang lungkot sa mukha nya. Tumingin sya sakin kaya napalunok ako.
"Iha... malapit na... malapit na ang kinatatakutan mo.... oras na lang... oras na lang ang nalalabi..." Napakunot ang noo ko, bigla syang tumalikod sakin at umalis na, hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni lola.
Naglakad ulit ako pero lutang na ang nasa isip ko, ilan beses nagsink sakin ang sinabi ni lola na oras na lang daw? Hindi ko sya maintindihan, tatanungin ko sya pero bigla na lang aalis. May gustong parating si lola pero diko alam kung ano 'yun. Dapat ko bang isipin 'to?
Umiling ako at naglakad na ng mabilis dahil baka nandun na si cedrick wala akong photoshoot ngayon kaya malaya muna ako at aalis kami mamaya mo cedrick may pupuntahan daw kami, nang makatapat ako sa'amin ay nakita ko ang kotse ni cedrick kaya dali dali akong tumakbo papasok at nakita ko sya sa sofa at si Tyler na nag uusap sila.
"Ayan na pala sya, sige na una ako." Sabi ni Tyler at lumabas na ng pinto, tinignan ko si cedrick walang emosyon ang mukha nya.
"Saan ka galing?" Tanong nya, ngumuso ako at nilapitan sya.
"Sa park lang, nagpahangin.." Sabi ko at ngumiti pero lumapit lang sya sakin at hinalikan ako.
"I love you.." Sabi nya gitna ng halikan namin. Gumanti ako ng halik sakanya, "I love you too. Let's go?" Tanong ko at bumitaw na ng halik.
Tahimik sa loob ng sasakyan, parang hindi ako makahinga sa katahimikan, medyo matagal ang biyahe namin at hindi ko alam kung saan nya ako dinala pero kita na sa Mall of Asia pala kami huminto.
Bumaba na ako at sya din agad nyang hinawakan ang kamay ko, pumunta kami sa tabing dagat at kita ko ang kalawakan nito ang malakas na hampas ng alon na pumupunta sa gawi namin, mag gagabi na rin kaya nakita na namin ang mga citylights, 'yung iba ay iba't iba ang kulay.
"Baby girl.. Gutom kana ba?" Tanong ni cedrick, tumango ako sakanya, inikot nya pa paningin nya.
"Sige dito ka lang okay? Bibili lang ako.."
"Sige."
Umalis sya at inikot ko ang paningin ko nakita ko ang fountain na malaki, napapangiti ako hindi ko alam bakit sinunod kong tinignan ang dagat na ngayon ay naririnig ang hampas ng alon kahit hindi nakikita dahil sa madilim dito.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]