Chapter 31

45 3 0
                                    

Casanova's Heart 31

**

Kabado akong umaakyat sa company ng baklita, jusko parang sasabog ang puso ko sa kaba, hindi dahil sa makikita ko sya kundi dahil sa pagpo' photoshoot ko mamaya!

Huminto ang elevator kaya lumabas ako at dire'diretso sya office nya at nag buzzer ako. Biglang bumukas 'yon at bumungad sakin ang baklita agad nya akong inirapan at pinapasok sa loob. Kundi lang 'to bakla hays.

"Sana dire'diretso ka na lang, inistorbo mo pa ako sis, nag aayos ako ng kilay, can't you see?" Nakanguso nyang sabi, sarap dukutin ng dila nito may pagkamadaldal talaga.

"Anong oras ba start?" Malumay kong sabi, inayos nya ang pampaganda sa mesa nya at tinago ito.

"Alas tres." Sabi nya, tumingin ako sa oras mag aalas tres na.

"Mag ready na ba ako?" Tanong ko, tumango lang sya sakin.

"Ito ang isusuot mo muna.." Pinakita nya sakin ang isang sleeveless at fitted jeans na kulay black. Tumango na lang ako, not bad. Ayaw kasi ni cedrick ang mga underwear lang.

"Aayusan kana, pumunta kana sa make up artist mo. Tara sama ka sakin.." Sabi nya, tumayo ako at sumunod sakanya pumasok sya sa isang kwarto at kita ko ang lawak at may stage doon kung saan mag po'photoshoot.

"Siya ba ang aayusan?" Napatingin ako sa nagsalita. Isang babaeng hanggang leeg ang buhok medyo nasa 20's na pataas.

"Ah oo. Ayusan nyo na tapos pasuot nyo 'to." Lalaki ang boses ng bakla kaya nagpipigil tawa ako dito.

"Copy!" Sabi nung babae, tumayo sya at hinila ako papunta sa may salamin na puro make up.

"Teka,palit ka muna ng damit." Sabi nya kaya binigay nya sakin ang damit at pinapasok ako sa isang dressing room kalabas ko ay pumunta agad ako sakanya.

"Aba bagay! Sigurado akong 'di ka mahirap ayusan." Sabi nya, napangiti naman ako, pinaupo nya ako sa upuan at hinarap sa salamin at minake upan na ako.

Natapos ang ilan minuto na pag aayos sakin hanggang sa buhok ay lumabas na ako at kita ko na nireready nila ang camera at ang stage, background, at kung ano ano pa. Napatingin sila sakin at ngumiti.

"Bagay na bagay!" Sabi ni alex pero boses lalaki ang pagkasabi nya.

"Salamat." Sambit ko, "Punta kana dun girl." Bulong sakin ni alex. "Inggit ako sayo.. ang pretty pretty mo.." Dagdag nya kaya napatingin ako sakanya pero hindi sya sakin nakatingin.

Pumunta ako sa stage. Pwinesto nila ako sa gitna, kinuhanan nila ako ng iba't ibang pose.

"Oh diba, bigyan nyo nga ng upuan sa gitna.." Sabi ni Alex, nilagyan nila.

"Oh, hillary magpose ka dyan.." Ginawa ko ang sinabi ni Alex kaya ng matapos ang ilan shots sakin ay bumaba na ako para magpahinga.

"Girl ang ganda ng mga shots mo.." Sabi sakin nung nagmake up sakin. "Im Jane nga pala." Ngumiti ako sakanya.

"Ako 'yung photographer mo, I am Arvin James.." Tumango ako at ngumiti, natapos silang magpakilala sakin ay kumain kami dahil may photoshoot pa daw para sa magazine, oo, ang sabi nila ilalabas daw nila ang magazine ko as soon as possible.


Natapos ang photoshoot ko today ay bumaba na ako alam ko na naghihintay na si cedrick sakin at nakita ko ang kotse nya. Agad nyang binuksan ang kotse kaya pumasok na ako. Kapasok ko ay hinalikan nya agad ako at niyakap.

"I miss you damn..." Bulong nya sakin at hinalikan ulit ako.

"I miss you too.." Sabi ko, tumingin sya sakin at ngumiti.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon