Chapter 3

103 4 0
                                    

Casanova's Heart 3

***

/Hillary/

***

Naglalakad ako sa may hallway ng school, nakita ko din ang mga kaibigan ni cedrick na nakaupo sa ilalim ng puno.

"Hillary!" Tawag sakin ni carlo, kaya napatingin ako, nandon din siya..

"Yes?" Tanong ko, gusto ko ng makaalis kasi na'aawkwardan na ko.

"Wala, goodmorning!" Bati niya, kaya lahat sila binati ako maliban kay cedrick. Bakit ba? Hindi ko naman hinihintay bati niya.

Tumango na lang ako sakanila at umalis na, habang naglalakad ako ay nakakaramdam ako na parang may sumusunod sakin, hindi ako lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hillary." Alam ko kung kaninong boses 'yon, hindi ba sinabi ko sakanya tigilan na nya ako?

Maglalakad pa sana ako pero ramdam ko ang yakap niya sa likod ko, gusto kong kumawala pero para syang magnet sakin dahil ayaw humiwalay.

"I love you my panda.." Naramdaman ko na ang luha sa gilid ng mata ko, Gusto kong maniwala sa sinasabi niy pero mahirap, natatakot nakong sumugal ulit.

"Im sorry for everything..." Yung boses nya sobrang lambing na nakakapangpahina sakin.

"Mahal na mahal kita." Dun siya bumitaw sa pagkakayakap sakin at hinarap ako. "Baby, pwede ba tayong magsimula ulit?" Hindi ko alam kung tama 'tong sasagot ko, pero kahit masakit, kahit nakatatak pa rin sakin ang nakaraan, diko sya kayang tanggihan.

"Yes baby." Sagot ko, doon lumapat ang labi nya sa labi ko.

"HILLARY!!" Doon ako napamulat, agad kong nahawakan ang mga mata ko na nagiging ilog na pala sa daming luha na nailabas.

"Panaginip lang pala." Sabi ko at ngumiti habang may tumutulong mga luha sa mata ko. Sa dami ng pwedeng panaginipan bat 'yun pa? Bat ganon pa?

Bumukas ang pinto at niluwa non si coleen, agad siyang nagulat makita akong umiiyak.

"Pinsan, anong nangyari?" Nag aalalang tanong nya. Hinaplos nya ang buhok ko matapos nyang umupo sa tabi ko.

"Si.. cedrick..." Nauutal kong sabi, kumunot naman ang noo nya.

"Huh? Napano si cedrick? Wala na pala sila umalis na, ang bagal mo kasing gumising." Nakahinga ako ng maluwag nung sinabing wala na sila dito sa bahay dahil dko alam kung makakaya kong makita siya.

"Nanaginip ako.." Tumulo ang luha ko ng maalala ko panaginip ko, sana lang di na ako nagising, sana ganon na lang, sana pwede pa ngang ibalik ang dati.

"Tungkol kay cedrick?" Tumango ako at kwinento ko mula sa una ang napanaginipan ko.

"Pinsan, alam mo ang panaginip 50/50 'yan, pwedeng magkatotoo, pwede ring hindi. 'Yung panaginip mo ngayon pinsan baka sign lang 'yon." Naguluhan ako sa last word ni coleen, sign?

"A..anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, ngumiti lang sya at tinap ang ulo ko.

"Someday, someday hillary." At tumayo na sya at lumabas ng kwarto.

Naiwan akong nakakunot ang noo, someday? Sign? Anong ibig sabihin ng mga 'yun? Hindi ko maintindihan si coleen, minsan kasi may pagkaweird din 'yun e.

Tumayo ako sa kama sa halip na mag emote pa ako dun dahil kahit umiyak pa ako ng dugo hindi na siya babalik pa sakin.. Ye, masakit pero kailangan tanggapin na hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng ulo ko ng makapasok akong banyo na kanina ay hindi ko naramdaman, argh, hangover. Naligo na ako at nagbihis at bumaba na.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon