Chapter 2

144 5 0
                                    

Casanova's Heart 2

***

/Hillary/


*

Sabi nila sakin dati, bakit diko subukan magmahal, bakit diko subukang mahalin 'yung lalaking nagmamahal sakin, subukan lang naman daw, wala naman mawawala. Pero sinungaling sila, sinubukan kong mahalin ang lalaking akala ko mahal ako pero pinaikot niya lang ako. Mas gusto niya parin ang mangbabae, puro na lang babae ang nasa isip niya.

Sinarado ko ang puso ko dahil natatakot na kong maramdaman ulit ang naramdaman ko dati, natatakot akong masaktan ulit ng sobra para kasing pinapatay ka na sa sakit parang mas gusto mo na lang mamatay kesa sa sakit na nararamdaman mo.

Buong buhay ko sakanya lang ako naging ganito, sakanya lang ako nagpakabaliw, oo nung una akala ko hanggang asaran na lang talaga kami pero hindi ko maiwasan mahulog ang loob ko sakanya, pero hindi niya sinalo.. bagkus pinagmukha niya akong tanga, pinaasa at pinaikot.

Bumaba ako sa may kusina para uminom ng tubig, kumuha ako sa fridge at nilagay sa baso, at ininom.

Aakyat na sana ako pero nakita ko ang kapatid ko at si coleen sa may sala, nanonood lang sila umupo ako sa pagitan nila, gusto kong humingi ng tawad sa kanila dahil sa ilang buwan ko ng ginagawa sakanila ang pagsusungit ko, nadadamay sila.

"Sorry." Bulong ko, kaya napatingin sila sakin, pakiramdam ko nanggigilid na naman ang mga luha ko.

"Naiintindihan namin. Kung bat naging ganyan ka hillary, pero hindi ka namin masisisi kasi nasaktan ka." Napayuko ako sa sinabi ni coleen, maybe hindi na talaga ako magbabago, kung meron man siguro, siya lang 'yun.

"Ate, alam mo, naging ganyan din ako kay jiro, 'yung dating masungit na hannah nabago nya, ang daming problema ang dumating samin pero tignan mo matatag kami. Kaya dapat ate, matatag ka rin. Like aze." may point si hannah sa sinabi nya.

Si aze na hanggang ngayon ay wala na sila ng girlfriend nya, ilan years na ba, dalawa yata pero ang tatag nya, walang nagbago sakanya. Nagfocus lang sya sa pag aaral nya. Hindi nya inisip na nasasaktan siya kahit ang totoo ay makikita mo ang kahinaan nya sa mga mata nya. And its claudette.

"Hindi ko alam na magiging ganito ako, after of what he have done to me." Hindi na dapat ako umiiyak, napapagod na rin mga mata ko, bawat naaalala ko mga memories namin lahat ng sakit bumabalik, iniisip ko na sana isang araw, magising ako, na hindi ganito, hindi kami nagkahiwalay na ganito.


"Be strong."





***

Katapos lahat ng pag uusap namin nina coleen at ng kapatid ko ay nagpasya akong mag mall, gusto ko munang irelax ang sarili ko, gusto ko munang matigil ang pag iisip ko kahit isang araw lang.

Walang pasok ngayon hindi ko na inalam pa kung bakit walang pasok. Gusto ko munang magpasyal sa mall, magpahangin.

Sinuot ko ang shoulder bag ko at ang susi ng sasakyan namin dito, hindi naman siguro aalis si xyrile o si tyler. Si aze kasi nakakatakot magdrive 'yon, para ka nyang papatayin sa sobrang bilis nyang magpatakbo akala mo naman hinahabol kami.

Nagpark agad ako sa may parking area kadating ko sa mall, if i'm not mistaken kila clarence 'to, pumasok ako bigla akong nilamig bigla dahil nakacrop top lang ako at kita ang kalahati ng tiyan ko pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

Pumunta ako sa may department store gusto ko ng bumili ng bagong shoulder bag, nangongolekta kasi ako since grade six yata ako non, kaya ngayon dalawang cabinet na ang shoulder bag ko.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon