Chapter 28

47 6 0
                                    

Casanova's Heart 28

**
 

Inirapan ko ang message ni cedrick, nakita kong alas dyes na ngayon lang sya nagparamdam, sinong 'di magtatampo diba?

Cedrick Adrian Adriano

Sya: Fvck baby. Ah.. Kasi si daddy may pinagawa sakin sa company, Im sorry ngayon lang ako nakareply. Beastmode ang daddy ko.

Ako: Its ok.

Sya: No its not, Ang ikli ng sagot mo.

Ako: Hindi.

Sya: See!? Anong gusto mong gawin ko para magkaayos tayo?

Ako: Wala. We're okay.

Tignan mo 'tong lalaki na 'to! Seen ba naman ako? Nakakainis na ah. Napabaling ako ng tingin ko sa cellphone ko na tumutunog kaya agad kong kinuha, napalunok ako ng makita kong si cedrick 'yon.

"Baby girl, I'm sorry please, kausapin mo na ako... Sorry talaga damn it! Hindi na ako papasok ng company!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Sabi ko naman sayo okay lang, naiintindihan ko kasi ilan days na lang bakasyon na at may mga trabaho na tayo.." Saad ko, Ngumuso ako dahil sa tigas ng ulo ni cedrick.

"Yun nga dahilan baby, dahil ako na daw mamamahala sa company namin ay kailangan kong malaman ang mga dapat gawin.. Sorry baby. I love you.." Tiklop na agad ako isang 'I love you' nya lang.

"I love you too, baby boy..." Saad ko, Narinig ko ang paghinga nya ng malalim.

"Matulog kana baby girl, oras na oh. Sleep now okay? Mahal na mahal kita." He said.

"Opo ikaw din ah? I love you even more." I said at binaba ko na ang tawag.

 

Pinatay ko na nag laptop, pinatay ko na din ang ilaw at lamp shade na lang ang nakasindi, may pasok pa bukas kailangan kong maagang matulog dahil maaga ang pasok.

Kababa ko ng hagdan ay napatigil ako dahil sa pagtunog ng telephone namin, mabilis akong lumakad papunta sa may tabi ng upuan at inangat ang telephone.

"Villamar's residence, yes?" Tanong ko, walang nagsasalita.

"Hello?" Pag ulit ko.

"Ako si kamatayan." Napapoker face ako, saktong nakita ko si coleen pababa.

"Coleen kuya mo oh, lakas ng trip sya daw si kamatayan. Ayan sige papasok nako." Mabilis na tumakbo papunta dito si coleen sumenyas lang sya sakin at ako ay lumabas na ng bahay.

Nagulat ako ng may sasakyan sa labas ng bahay, si clarence? O jiro? Pero hindi pa sila nakaayos si Hannah pa lang. Baka si Jiro, Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad pero nalaglag ang panga ko na hindi si jiro o si clarence 'yun kundi ang boyfriend ko.

"Good morning baby girl." Aniya at hinalikan ako sa labi, shock pa rin ako kasi ngayon lang 'to. Ayoko kasing nagpapahatid sakanya dahil nahihiya ako.

 

"Alam kong gwapo ako pero baby baka matunaw ako nito." Aniya, ngumuso ako at inirapan sya.

"Bat ka nandito? Diba ang aga pa lang mamaya pa ang pasok nyo?"

"Hihahatid ko lang ang girlfriend ko." Napakagat ako ng labi sa sinabi nya.

"Ah..." Hindi ko natuloy sasabihin ko ng hilain nya ako papasok sa kotse nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

 
"Sorry baby girl pero baka malate ka dahil alas syete y mediya na." Nanlaki ang mata ko kaya kita ko ang pagtawa nya.

"Ano? Jusko. Pakibilisan na lang baby.." Sabi ko nakita ko ang pag ngiti nya at pinaandar na ang makina.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon