Casanova's Heart 41
**
Last chapter (Play audio above)
Nakatingin ako sa langit, ngumingiting mag isa, mag isa. Alone. Walang kasama. Ako lang. Malungkot. Nakakaiyak. Pero kaya ko pa, ganito naman talaga paglilisan ka diba? Maaalala mo lahat ng mga nakaraan nyo, 'yung nakaraan na hindi na pwedeng ibalik, 'yung hanggang balik tanaw ka na lang kasi hindi mo na sya hawak ngayon.
Masakit, mayroon na syang new girl, sya na mismo nagsabi pero bakit ganito pa rin ako? Pinipilit ko pa rin ang sarili ko sakanya? kakausapin ko sya mamaya, mamaya na rin kasi ang flight ko, kung aalis ba ako, susundan mo ako?
Napangiti ako ng mapakla. Oo nga pala, 'di mo na nga pala ako mamahalin kaya malabong sundan moko, ang sakit sakit ced... Ang unfair unfair mo naman eh! Nung ikaw 'yung umalis sa buhay ko, pinapasok ulit kita pero bakit ako ngayon 'ni hindi ko na alam kung ano ang susi para makapasok ako..
Pinunasan ko ang luha ko, naninikip ang dibdib ko, bumibigat ang pakiramdam ko, parang mahihimatay ako, hindi ko kaya. Siguro tama si Alexis, I need to let him go, tama lang siguro 'tong desisyon ko na i' challenge sya.
Hindi lahat ng bagay kapag iniwan, mababalikan mo pa.
Sighed. Tumalikod ako sa may raillings at pumasok na sa loob ng kwarto, kapasok ko ay napangiti ako, pumunta ako sa may drawer kung nasan ang mga alaala namin.
Kinuha ko 'yung bigay nyang singsing sakin, diamond ring, Ngumiti ako pero may kasamang luha, hindi na ba ako titigil kakaiyak? Siguro mapapanatag na ang puso mo pag pinakawalan na kita, masakit man sakin pero kailangan na kitang pakawalan, dahil alam kong mas sasaya ka sa piling ng iba, sa bago mo..
Pinunasan ko ang luha ko at pumunta sa may mga litrato namin, 'yung nakabackhug sya tapos 'yung picture nya lang. Kingat ko ang ibabang labi ko, ngumiti ako kahit nasasaktan ako.
"Kamusta ka na sa bago mo? Masaya kaba? Kasi ako sobrang saya, kahit ang sakit sakit na. Your happiness is my happiness, Sana naaalagaan ka nya higit pa kung paano kita alagaan, sana minamahal ka nya higit pa pagmamahal na binibigay ko sayo, sana tumibay ang relasyon nyo, wag mo syang lolokohin o iiwanan ah? Mahal ko 'yan, sobra sobra."
Kinuha ko ang mga pictures namin at nilagay sa isang box, napatingin ako kila Richy at Celi, kinuha ko silang dalawa at niyakap.
"Hindi ko kayo itatago, pero sa tingin ko kailangan ko muna kayong ilagay sa isang lugar na hindi makakasakit sakin..." Bulong ko sakanila.
Bumaba ako at walang tao kaya naisipan kong pumunta muna sa company para magpaalam kay Alexis, mamaya na ang flight ko pero bago ako aalis pupuntahan ko muna sya...
Binuksan ko ang pinto ng office nya at nakita kong nakatalikod sya at nakatingin sa bintana.
"Sis," paninimula ko kaya napaharap agad sya sakin at niyakap ako.
"Pag naging successful ang challenge mo wag mo kong kalimutan na ipaalam sakin ah?" Tanong nya. Kumalas sya ng yakap.Ngumiti ako, "Oo naman.. Wag kang mag alala babalitaan kita." Sabi ko, tumango lang sya.
"Si Warden ay nag quit na bilang model at sa company na lang daw sya magtra'trabaho, sayang talaga.." Nagulat ako sa sinabi nya.
"Pero okay lang 'yun, hindi naman daw sya makakalimot dahil bibisita din daw sya dito paminsan minsan, kailangan nya lang daw ng space, broken yata e." Tumango na lang ako, Hindi ko alam sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]