Chapter 5

88 4 0
                                    

Casanova's Heart 5

**

/Hillary/

***

"Bat dika pa natutulog?" Napatingin ako sa may likod ko, umupo sya sa tabi ko may hawak syang tasa na may coffee or tea, iniwas ko ang tingin ko sakanya.

Nasa balcony ako nagpapahangin, hindi pa rin kasi maalis sa isip ko 'yung nabuo sa isip ko, panalo sa laro? Anong laro? Di ko na talaga maintindihan ang mga tao ngayon.

"Hillary.." Tawag niya sakin, tumingin ako sakanya, binaba nya ang tasa sa mesa at tumingin siya sakin ng diretso.

"Anong problema?" Tanong nya na hindi inaalis ang pagkakatingin nya sakin.

Sa mga pinsan namin siya ang pinakaprotective na kahit isang galos lang namin agad syang nagrerebelde, lalo na kay coleen nun ng saktan sya ni clarence, halos patayin nya na si clarence dahil ayaw na ayaw niyang nasasaktan si coleen.

Nung ako naman saktan ni cedrick ay halos mabasag na mukha ni cedrick sa pagkakasuntok nya, ayaw nya talagang nasasaktan kami dahil sila ay hindi kami sinasaktan, kaya sobrang galit niya kay cedrick ngayon pero 'yung kay clarence ay humingi na ng tawad si clarence kaya ganon napatawad nya.

"Wala, xy.." Pagsisinungaling ko, iniwas ko ang tingin ko at tumingin sa madilim na langit na ngayon ay maraming stars, may magkakadikit, may tatluhan, may hiwa'hiwalay.

"Tss..." Huminga sya ng malalim, "About cedrick or kyle?" Napanguso ako dahil alam kong di niya ako titigilan hanggat diko kwine'kwento.

"Both." Sagot ko, tumingin ako sakanya at kita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"Kyle loves me." Sabi ko, "But I love cedrick." Dugtong ko.

"Kanina nag usap kami ni kyle, ang sabi niya, mahal nya ako kahit alam nyang si cedrick ang mahal ko, kaya nyang maghintay, nagconfess siya kanina. Pero si cedrick ang tibok talaga ng puso ko, hindi ko alam kung kaya ko syang alisin dito..." Huminga muna ako ng ilan segundo bago magsalita ulit.

"Ang sabi ni coleen sakin, someday at sign, ang sabi naman sakin ni kyle, balang araw, siya pa rin ang panalo sa larong ito.. di ko nga maintindihan e, lalo na 'yung sinabi ni kyle..." Hindi na muna ako nagsalita ng ilan segundo, tumingin sya sakin at uminom ng cafe at binaba ulit ang tasa.

"Isa lang 'yan hillary, 'yung point ni coleen ay parang kay kyle, na alam din ni coleen na kay cedrick ka pa rin babagsak, pero 'yung larong sinabi ni kyle parang may mali." Serysong sabi niya, tinitigan nya ako.

"Kung laro 'yung sinabi nya, means nakikipaglaro lang sya? Pinaglalaruan nya lang ang feelings mo." Napaisip ako sa sinabi ni xyrile.

Nagflashback bigla sakin 'yung nag uusap silang magtro'tropa at 'yung pamumutla nya, 'yung babae sa may puno, na alam kong nakita nya pero wala syang emosyon, 'yung pagsigaw nya sakin sa loob ng sasakyan, at 'yung sinabi nyang sya pa rin ang mananalo sa larong ito, hindi ko na maintindihan. Ang gulo.

"Mabuti pa, matulog kana, wag mo ng isipin 'yan, kung alam mong si cedrick pa rin ang mahal mo iwasan mo si kyle, para sakanya/sayo din 'yon." Sambit nya,tumayo sya at lumapit sakin.

"Goodnight, pinsan." At hinalikan ako sa noo, pumasok na sya.

Di lang pala si coleen ang weird sa mga pinsan ko, hays xyrile. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila, may konek ba 'yun sa kwento ko? Tama si xyrile, wag ko ng isipin 'to.

**

Bumaba ako sa may hagdanan ng may naririnig akong ingay galing sa baba, kababa ko ay nakita ko ang mga pinsan ko na nagtatawanan, nung makita nila ako biglang tumahimik.

"Morning pinsan, ang aga ah?" Nakakalokong sabi ni aze sakin, binati din ako ng mga pinsan ko.

"Shut up, aze." At inirapan ko sya, sumandok ako ng pagkain na nakahapag sa mesa, kasalukuyan namin kumakain ng tumunog ang cellphone ko.

Napatingin ako sa tumatawag, sasagutin ko sana kaso bigla kong naalala 'yung sinabi xyrile sakin, napatingin din ang mga pinsan ko sakin kasi diko sinasagot, pero sa halip na sagutin ko ay pinatay ko na lang.

"Sino 'yun ate?" Tanong ni hannah, habang hawak hawak ang baso katatapos nyang uminom.

"Hm.. Kyle." Sagot ko kaya napatingin si xyrile sakin at tinaasan nya ako ng kilay.

"Si kyle naman pala, bat dimo sinagot?" Nagtatakang tanong ni coleen sakin. Hindi ko naman pwedeng iniiwasan ko sya dahil diko alam kung maiiwasan ko talaga sya.

"Kumakain, mamaya na lang siguro." Mas tumaas ang kilay sakin ni xyrile at parang pinipigilan ang pagtawa.

Darn xyrile villamar! Inirapan ko sya at kumain na lang, matapos ang ilan minuto ay natapos din kami sa pagkain dahil sa sobrang daldal pa nila.


Na'late ako ng fifteen minutes sa klase ko kaya napagalitan ako ng prof. namin, sorry naman, diba pwedeng sorry. Tsss..

Habang nag e'sketch ako dito, napatingin ako sa hallway at nakita ko ang naglalakad na si cedrick may kasamang babae, kinusot ko ang mata ko kung totoo ba ang nakita ko, so, totoo nga.

Nawala sila sa paningin ko, may pumapasok sa isip ko na sundan ko sila, baka kung anong gawin nila, sabagay what's new? Wala naman lagi naman syang ganon bat ko pa sya pakekealaman, binalik ko na lang ang pag e'sketch ko kaya lang ay di ako mapakali kaya lumabas na lang ako basta basta. Narinig kong sumigaw ang prof. namin pero parang wala akong narinig bagkus tumakbo ako.

"LOVELY HILLARY CASTAÑEDA VILLAMAR!" Full name ko pa ah? Bahala ka dyan! Sabi ng isip ko sa prof. namin.

Habang naglalakad ako kung saan direksyon kanina nila cedrick ang nakita kong papunta sila ay sinundan ko, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at bakit ko sila sinundan, dapat ay wala akong pake kung ano pang gawin nya sa milyon milyong babae sa mundo. Sht.

Ilan minuto din akong paikot ikot sa hallway pero diko sila makita kaya nakaramdam ako na maiihi nako dumiretso ako sa CR pero may mga narinig akong ungol, sumilip ako at nakita ko si cedrick na hawak ang pwet ng babae habang 'yung babae naman ay nasa batok ang kamay, nanlalaki ang kamay ko ng makita ko silang naghahalikan na parang sabik sa isa't isa.

Tatalikod na sana ako pero napatingin dito si cedrick kaya bigla nyang nabitawan 'yung babae. Mabilis akong tumakbo 'yung di nya ako maabutan, gusto ng kumawala ng mga luha ko, di na bago sakin 'to e, pero bakit ang sakit sakit pa rin sa mata? Ang sakit pa rin sa puso.

"Hillary!" Rinig kong hinihingal na boses nya, tatakbo na sana ako kaya lang nahawakan nya ang braso ko.

"Ano ba?" Pagpupumiglas ko, "Sinundan mo ba kami?" Tanong nya hawak nya pa rin ang braso ko at hindi binibitiwan. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya.

"Bitiwan moko!" Sigaw ko. "CAN YOU JUST ANSWER MY FVCKING QUESTION?!!!" Malakas na sigaw nya kaya napatigil ako, 'yung mga luha kaninang nagbabadyang lumabas ay lumabas na talaga, sa harap nya mismo, nagulat sya ng makitang umiiyaka ako.

"Oo," Sagot ko, "Oo, Sinundan kita. Happy?" Sagot ko at tumalikod na sakanya at tumakbo alam kong hindi nya na ako sinundan.

Napasandal ako sa may pader at doon ako umiyak ng sobra, ang sakit kasing makita syang ganon, kahit alam kong dati pa naman syang ganon, at hindi na 'yun magbabago.

"Panyo,oh." Napatingin ako sa naglalahad ng panyo sa harapan ko, nanlaki agad ang mata ko ng makita ko sya 'yon, ngumiti sya sakin at tumalikod na katanggap ko ng panyo.

Kapunas ko ng panyo sa mukha ko ay nakaramdam ako ng antok, tatayo na sana ako pero bigla akong nanghina at hindi ko na alam kung ano pang nangyari....

All went black.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon