Casanova's Heart 18
**
/Hillary/
**
Maingay sa classroom kaya naisipan kong lumabas dinala ko ang bag ko sa balikat ko at lumabas, nakita ko si cedrick na nakasandal sa railings. Napatingin sya sakin at ngumiti.
"Sabay ka samin mag lunch." Sabi nya, lumapit sya sakin at inakbayan ako.
Hindi na ako nakapagsalita, bagkus tumango na lang ako sakanya, habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng tao.
"Ced.." tawag ko sakanya kaya napatingin sya sakin.
"Hmm?" Tinignan nya ako pero iniwas din agad at tumingin ulit sa daan.
"Pinagtitinginan tayo.." Mahina kong sambit sakanya akala ko aalisin nya pero mas hinigpitan nya pa ang akbay nya.
Habang naglalakad kami ay may lumapit sa'aming babae, malaki ang hinaharap, maganda ang hubog ng katawan, maganda at may katangkaran.
Napahinto kami sa harap nya, biglang ngumiti 'yung babae kay cedrick.
"Honey? free ka ba ngayon?" Tanong nung babae kay cedrick, agad kumunot ang noo ko at napatingin ako kay cedrick pero wala syang emosyon tumingin sa babae.
"Ced.." Napabaling ng tingin sakin 'yung babaeat biglang ngumisi.
"Aw, okay.. Siya muna ba ngayon? Ok mamayang gabi na lang? Anong oras honey?" Nanggigigil nako sa babaeng 'to ah.
Pigilan nyoko please.
"Stop it, respeto naman sa girlfriend ko." Ani cedrick at diin pa ang salitang 'Girlfriend'. Aalis ba sana kami pero pumunta ulit sa harap namin 'yung babae.
"Teka tama ba narinig ko? Girlfriend? You must kidding me.." natatawang saad ng babae.
"Makinig kayong lahat sakin.." Sigaw ni cedrick at lumapit ang mga tao samin, inakbayan nya ako lalo.
"Ang babaeng 'to ay akin na. Girlfriend ko na, ang sino man lalapit at magbabalak makipag usap sakanya pababagsakin ko.. Maliwanag!?" Tumango silang lahat at umalis na samin.
Tinignan ko ang babae kanina at nakita kong lumalaki na ang butas ng ilong nya sa galit, tinaas ko ang kilay ko at ngumisi sakanya kaya napawalk out sya.
"Ano na naman ginawa mo ced..." Nakanguso kong sabi, tumingin sya sakin at nginitian ako.
Bumaba ang kamay nya sa baywang ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makapunta na kami sa cafeteria, nandon pala sila diko man lang alam.
Pinaupo ako ni cedrick at umupo sya sa tabi ko. Tumingin samin lahat ng kasama namin ng matalim.
"Mag iisang oras na kaming naghihintay sainyo.." Si carlo.
"Gutom na gutom na kami." Saad naman ni michael.
"Bat ba kayo natagalan?" Tanong naman ni carlo, hindi nagsasalita 'yung iba nakikipag usap sila sa girlfriend nila.
"Sinundo ko pa girlfriend ko.." Nalaglag ang panga ng lahat sa sinabi ni cedrick kahit ako ay natulala.
"Kain na.." Nahihiyang sabi ko, kaya doon sila natauhan, mabilis kong kinurot si cedrick sa tagiliran kaya napangiwi sya.
"Ano bang pinagsasabi mo.." Mahina kong bulong para di nila marinig, tinignan ako ni cedrick pero umiling lang sya.
"Gustong gusto mo naman." Baka kung di ako nakapagpigil napatay ko na ngayon ang lalaki na 'to.
"Kapal mo ah." Tumawa lang sya ng mahina at kumain na kami.
Kinabukasan ay busy ako sa pag aayos ng gamit ko dahil ilan araw na lang ay uuwi nako ng tarlac, hindi ko alam kung ilan araw ako sa tarlac basta isang maletang maliit lang ang dala ko.
Natapos ako sa pagliligpit at tumayo ako para tignan ang oras, alas otso y' mediya na kaya nagpasya akong magbihis at pumasok na ng school, nakakainis lang sa school na 'yon ay paiba iba ng schedule.
Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na nagpatakbo ng kotse para hindi ako malate sa school, nakarating ako doon at pinark ko 'to ss tabi ng kotse ng mga pinsan ko sa kabila naman ay ang kila clarence.
Bumaba ako at pinatunog 'yun ay para malock, nakita ko ang mga lalaki na napapalayo sakin, kumunot ang noo ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nakapunta ako sa room namin na umiiwas pa rin ang mga tao, pumunta na lang ako sa locker ko para kunin ang librong gagamitin sa first subject namin.
Kabukas ko ay nakita ko ang sulat, ilan araw na rin pala nung diko buksan 'to dahil sa nangyari noon.
'Bawal ka na daw pong lapitan. Kaya papakilala nako, Isa ako sa Ydc members.
-WardenKumunot ang noo ko nung mabasa ko ang sulat nya, Ydc? Warden? Wala yata akong kilalang ganon. Kumuha na lang ulit ako ng sticky notes at nagsulat.
'Ydc? Warden?
-HNilagay ko ulit doon at sinarado ko, muntik pa akong matumba sa sahig ng makita ko si cedrick na nakatingin, patay, nakita nya kaya ang ginawa ko?
"Lunch." Sabay abot nya sakin ng pagkain,kumunot ang noo ko habang tinanggap 'yun.
"Sabi kasi ni Hannah, hindi daw kayo makakalabas ng alas dose, hmm.. lunch time kaya dinalhan kita kung sakaling magutom ka.." Napaiwas sya ng tingin. Tinignan ko ang paper bag at napailing ako.
"Thankyou.." Mahinang sambit ko, Tatalikod na sana ako pero bigla nyang hinigit sakin 'yung sticky notes na nasa kamay ko at pumunta sa may locker ko at kinuha ang mga sticky notes kaya nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya.
"Ced..." Naputol ang sasabihin ko ng nginisian nya ako. "Warden huh.." Sambit nya at tinalikuran nako.
Pumasok ako sa loob na lutang, ano kayang gagawin nya? Kilala nya ba ang YDC at si Warden kunno? Ewan ko pero feeling ko may gagawin sya. Kilala ko si cedrick, pag nagalit 'yun ay nagrerebelde.
Kalagitnaan ng class ay naisipan kong tumakas habang nakatalikod ang prof. namin, mabilis akong dumapa at lumabas ng kwarto buti walang nakakita sakin. Dumiretso ako sa field pero walang tao roon, pumunta ako sa likod ng school pero wala din, umakyat akong third floor kung saan ang room nila pero wala akong nakitang cedrick.
"Pagod nako.." Hinihingal na saad ko, Nakita ko si Carlo na naglalakad mag isa, napatingin sya sakin at mukhang nagulat pa kaya nilapitan nya ako.
"Wala dito 'yung boyfriend mo.." At tumawa sya, inirapan ko sya.
"Di ko nga sya boyfriend.." Mahina ang boses ko dahil sa pagod. Tumaas ang kilay nya at umiling.
"Wala sya rito nasa storage room 'yung luma, ang sabi nya may reres--" Nanlaki agad ang mata ko mabilis na tumakbo papuntang ground floor at nagshort cut nako para mas mabilis.
Napahinto ako sa storage room at kita ko ang pagsuntok ni cedrick doon sa lalaki.
"Back off!" Sigaw nya at susuntukin pa sana nya pero pumasok nako.
"CEDRICK!" Isang malakas ang pinakawalan ko kaya dumapo ang kamao nya sa ere at napatingin sakin na walang emosyon.
"Ano bang ginagawa mo ah?" Galit kong saad sakanya. Tumingin ako sa mga YDC at sumemyas sa kanila na umalis na.
"I told you hindi ko alam ang ginagawa ko pag may lalaking nagkakagusto sayo!" Napahilamos pa sya sa mukha nya pero napatigil sya at tumingin sakin.
"Teka, diba may pasok ka? Paano ka nakapunta dito at paano mo nalaman nandito ako?" May pagtataka sa boses nya. Ngumisi ako.
"Baka may paa ako?" Sinamaan nya ako ng tingin. "Si carlo nagsabi sakin.."
"Pinipilosopo mo ba ako?" Naiinis nyang sabi."Daldal talaga non!" Gusto kong matuwa dahil namumula ang leeg nya at tainga pero inirapan nya lang ako.
"Tara nga!" Sabay hila nya sakin palabas ng storage room.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romansa#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]