Chapter 21

75 4 0
                                    

Casanova's Heart 21

**

/Hillary/

**

Habang nagbe'biyahe ay nakaramdam ako ng antok kaya naman natulog muna ako sa bus. Nagising ako ng malapit na kami, tinignan ko ang phone ko at may text si mama at cedrick.

Mommy:

Nasan kana?

 

Cedrick:

Nasa tarlac kana?

Napaayos ako ng upo at inayos ang buhok ko. Nakita ko na ang SM dito sa tarlac kaya nandito na nga kami. Mamaya ko na rereplyan kay cedrick dahil medyo magbi' biyahe pa ako papunta sa bahay namin.

Nagpara ako ng tricycle at huminto sa harap ko, nilagay ko ang maleta sa loob then mabilis akong sumakay. Hindi porket mayaman kami ay hindi na ako sasakay sa mga ganitong sasakyan.

"San po kayo miss?" Tanong ng tricycle driver.

"Skyland." Sagot ko at umandar na ang tricycle kaya kinuha ko ang phone ko at nagreply na.

Me to Cedrick:

Yep!

Me to Mommy:

Yes ma, nakasakay nako ng tricycle. Ayokong pa sundo dito.

Katapos nun ay tinuro ko na kay manong daan papunta samin dahil puro talahib dito at puro green ang paligid kasi maraming puno pero malinis, tahimik, konti lang ang bahay pero mayayaman ang nakatira dahil halos lahat ay malalaki ang bahay, di ko alam bakit naisipan pa ni mama na lumipat dito e' ayos naman kami sa Aquino Subdivision malapit pa 'yun kila coleen. Pero di ko rin ipagkakailang kami ang pinakamalaking bahay dito sa tarlac, kilalang kilala nila ang mga villamars dito siguro dahil sa yaman namin pero pagdating sa manila medyo 'di na kilala. Ewan ko ba.



Nasa una ang company nila clarence sunod si cedrick, tapos villamars tapos 'yung mga iba pang tropa ni cedrick pero kahit ganon wala kaming pakealam sa pera.

 

"Dito na lang po." Pagpapahinto ko sa driver kita ko pang laglag panga siyang tumingin sa bahay namin. Napailing na lang ako, big deal sakanila ang pagiging mayaman.

Bumababa ako at hinila ang bag ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumababa ako at hinila ang bag ko. Umalis na ang tricycle driver kabayad ko ng pamasahe. Napatingin ako sa paligid at naramdaman ko ang init ng araw pero malamig sa hampas ng hangin. Napangiti ako.

"Welcome sakin dito." Malumay kong sabi at nakita ko si mama na nasa may pinto kaya napangiti ako.

Sinalubong nya ako ng yakap. "Hillary, I miss you!" Saad ni mama, niyakap ko din sya pabalik.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon