Casanova's Heart 11
**
"Bat ang bagal mong kumilos?" Tinignan ko ang babaeng nasa harap ko ngayon na hinihithit ang sigarilyo nya at bumuga.
"Sorry, hindi madali para sakin ang pinapagawa nyo, parang diko kayang manakit ng babaeng inosente, dahil para kang magpipitas ng bulaklak na nananahimik sa isang sulok na walang kamalay malay sa nangyayari..." Isang matalim na tingin ang ginanti nya sakin, napayuko ako dahil hindi ko talaga alam kung magagawa ko 'to, hindi ko alam kung kaya ko.
"What do you mean?" Mariin nyang sabi, tinignan ko sya, hinithit nya ulit ang sigarilyo.
"Parang ayoko... parang diko kaya--"
Napaubo ako sa palo sakin sa likod, napaluhod ako na lang ako sa sakit pero tinitiis ko, kailangan kong magtiis, para sakin din 'to.
"Sumusuko kana? Alam mo kung anong hirap na pinaranas sayo ng magulang ng lalaking 'yon sayo, hindi lang sayo pati samin! Ang tanging mahigaganti mo lang ay saktan ang pinakamamahal nyang babae!" Sigaw nya sakin at tinapon ang sigarilyo sabay tinapak tapakan hanggang nawala ang usok.
"Ayusin mo trabaho mo, bibigyan ka pa namin ng dalawang linggo para magawa 'yun or else...." Tinaasan nya ako ng kilay.
"Papatayin na lang namin sya." Mabilis silang umalis at naiwan ako dito, napaupo ako at doon tumulo ang mga luha ko.
Hindi ako papayag... Mas maganda ako ang mamatay, wag lang sya...
*
HILLARY POV.
Kanina pa ako paikot ikot sa may hallway, inayos ko ang sarili ko kanina bago tumayo sa cafeteria, tama si hannah, hindi na ako nakatira sa past, dapat 'yon ay kinakalimutan na dahil nasa present tayo ngayon.
Napako ang tingin ko sa parating na si cedrick papuntang locker nya, sinundan ko sya ng tingin at nakita kong kumuha sya jersey at pumasok sa cr, siguro ay mag babasketball sila.
Aalis na sana pero ramdam kong may sumusunod sakin, hindi ako tumalikod kundi mas binilisan ko ang lakad ko, nakapunta ako sa may gym at hinanap ko agad ang mga kasamahan ko.
Wala si kyle ngayon, hindi sya nakapasok nagtext lang sya sakin na sabi nyang may aasikasuhin sya sa company nila, nagkaroon ng problema kaya mag isa ko ngayon.
Nang matagpuan ko sila ay mabilis akong naglakad patungong direksyon nila. Pero bago ako makarating may nakabangga pa sakin na nakajersey mukhang magbabasketball din sya.
Natumba ako kaya nilahad nya ang kamay niya, "Ate.." Bigkas nya ng pangalan ko.. Ipapatong ko na sana ang kamay ko pero may ibang kamay na humila sakin at hinila papuntang pwesto namin kita na nakasalubong ang dalawang kilay nya.
"Anyare sayo hillary?" Tanong ni michael. Nakajersey silang lahat ngayon, so, magbabasketball nga.
"Nabangga nya ako, nag crossover kasi sa harap ko kaya 'yun... di naman nya sinasadya.." Paliwanag ko, tumango lang si michael.
"Mukha ka bang magba' basketball hillary? Haha, nag crossover pa sa harap mo." Natatawang sambit ni carlo.
"Ate..." Napatingin ako sa tumawag sakin na 'ate' yung nakabangga pala sakin.
"Yes?" I said. "Sorry po sa kanina, di ko po sinasadya, na out of balance lang po ako..." Pagpapaliwanag nya, ngumiti ako sakanya kasi mukhang namumutla sya tapos tumitingin kay cedrick na nakangisi sakanya.
"Wala 'yon, okay lang sakin.." Sambit ko, ngumiti sya.
"Thankyou ate, jestin nga pala." Nilahad nya ang kamay, Nagpakilala na sya, ang weird ah.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romansa#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]