Chapter 12

73 5 0
                                    

Casanova's Heart 12

**

/Hillary/

*

Habang nanunuod ako ng TV sa kwarto ko ay nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya inalis ko ang unan na nasa legs ko at tumayo.

Kumunot ang noo ko ng makita kong si mommy ang tumatawag, ano kayang kailangan ni mommy. Mabilis kong sinagot ang tawag.

"Hello, my.." Unang bigkas ko na salita.

"Hillary, how are you and hannah?"

"We're fine,mommy. How about you and dad?"

"We're okay, don't worry.." Hindi ako nagsalita bagkus tumango tango ako dito kahit hindi nakikita.

"You need to go home, hillary.." Halos mabitawan ko ang cellphone sa narinig ko, teka tama ba ang narinig ko?

"W-what mom?" Tanong ko, sana mali ang narinig ko.

"You need to gome home after one month, may kailangan kang malaman and it's important. Ok?" Napapikit ako ng mariin, after one month? May pasok pa kami non, importante ba talaga?

"But mom! May pasok pa ako. Why don't you just tell on my accounts, email, viber, telegram, facebook, messenger..." Sunod sunod ko na tanong sakanya. Narinig ko ang malalim na paghinga ni mommy.

"Just follow me, don't ask." Magrerebelde pa sana ako dito ng magsalita ulit si mommy.

"Uuwi ka o susunduin ka namin?" Bigla akong nanghina, napapikit ako at huminga ng malalim.

"Yes mom.." Yun na lang ang nasagot ko, wala akong magagawa pag si mom na ang nagsabi..

"Good, sleep ok? Goodnight sweet heart." Binaba ni mama ang tawag, mabilis akong napaupo sa kama at napatakip ng mukha dahil sa tuloy tuloy na pag agos ng luha ko.

Bakit lagi na lang ako? Bakit kahit kailan hindi nasunod ang gusto ko? Hindi ako nagiging malaya, parang sinasakal nila ako, bakit? Dahil ako ang matanda? Hindi na ba nila kami bibigyan ng freedom? Ah, yah, it's because business, right?

"Nice..."

*

Nagising ako na masakit ang mata ko, namamaga pala ang mga mata ko kaya kailangan kong mag shade pero para naman akong artista kaya wag na lang.

Bumaba ako sa kama ko at lumabas ng kwarto katapos kong gawin ang morning routine ko, napatingin ako sa wall clock na nasa may side ng hagdanan, 5:30am pa lang. Sumilip ako sa bintana at nakita kong madilim pa,umakyat ulit ako at naisipan kong mag jogging muna.

Nagbihis ako at bumaba ulit, nag rubber shoes akong kulay black, leggings, and croptop na fit na litaw ang pusod ko. Yayain ko sana si hannah pero tulog pa alam ko naman na nag e'exercise din 'yun pag maagang nagigising.

Hindi ko dinala ang earphones ko bale cellphone lang ang hawak hawak ko ngayon na nakalagay sa pouch dahil baka mabasa pag pinagpawisan ako.

Nagsimula akong tumakbo, ikot ikot pa ang tingin ko bawat madadaanan ko, nakita kong lumiliwanag na kaya tumakbo na lang ako, gusto ko munang ma alis sa pag iisip ko 'yung sinabi ni mommy, gusto ko munang maging fresh ang utak ko sa umagang 'to.

Tumigil ako sa isang bakal na upuan napadpad pala ako sa park, wow ang layo ng tinakbo ko? Hingal na hingal akong umupo, medyo basa ang upuan na bakal dahil sa hamog na tuwing madaling araw.

Nakita kong sumikat na ang araw, nagpasya na akong umuwi kaya mabilis akong tumakbo pabalik ng bahay namin, Kabukas ko ng gate ay kita kong nakapatay na ang mga ilaw na kanina ay nakasindi, nakita ko si tyler na nasa garden habang may iniinom at nakahawak sa diyaryo.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon