Chapter 27

60 5 0
                                    

Casanova's Heart 27

**

Hinila nya ako papuntang gym, nakaakbay lang sya sakin, nung kapasok namin ng gymnasium ay nakita ko na may dalawang babaeng nasa stage nakatali, teka, anong meron?

"Sila ang kumuha ng picture sayo..." Bulong nya sakin, Nanlaki ang mga mata ko, sinasabi ko na nga ba.

"Young master Ci, Ayan na po sila..." Tumango lang si cedrick at hinila nya ako papuntang stage at hinarap sa dalawa, nakita kong nanlalaki ang mata ng dalawa at nakatali pa sila, marami rin ang nagsipuntahan dito.

"Sino sainyo ang kumuha ng picture nya na kasama ang YDC?" Kalmadong tanong nya, naiiyak na ang mga babae at kita ko ang panginginig ng mga kamay nila at labi.

"SAGOT!" Sigaw nya, at tumingin ako sa paligid nandon mga tropa nya nakatingin lang dito, pati ang YDC nandito rin. Nakita kong nanginig lalo ang dalawa.

"A...ako... po.." Umiiyak na sabi ng babae. Nakita ko ang kapal ng make up nya, napatingin ako kay cedrick kita ko ang talim ng tingin nya.

"BAKIT MO GINAWA 'YON? PARA SIRAAN KAMI? PARA SABIHIN NA NAKIKIPAGLANDIAN SYA!? MAY ISIP KA BA!?" Galit na galit na talaga sya, hinawakan ko ang kamay nya pero ang higpit ng pagkakahawak nya.

"Ka..kasi nagawa ko lang 'yun ka..si--"

"HINDI KO SINABING MAG EXPLAIN KA!" Kinagat ko ang ibabang labi ko. Gusto kong bawalan sya kaya lang hindi ko kayang sabayan ang galit nya.

"Ced..."

"Hindi hillary, hindi ko papalampasin 'to!" Sigaw nya at tumingin ulit sa dalawa.

"Tapos ikaw ang sa picture namin sa parking lot!?" Turo nya sa isang babae pa namumula kanina pa.

"Pa..pasensya--"

"HINDI KO HINIHINGI ANG PASENSYA MO!" Napailing na lang ang mga kaibigan nya na kanina pa nakikinig samin, meron din mga estudyante na sobrang dami na.

"GANYAN NA BA KAYO KADESPERADA PARA SIRAAN ANG RELASYON NAMIN!? PARA SABIHIN KO SAINYO WALANG MAKAKASIRA SAMIN, TANDAAN NYO YAN!" Hinawakan nya ang kamay ko.

"KICK THEM OUT PRINCIPAL." Ngayon ko lang nakitang nandito pala ang principal namin, alam kong ayaw nya ito pero wala syang magawa dahil takot sila kay cedrick.

"Anong kick out? Dito sa school?" Napapaos na tanong ng babae. Tumaas ang kilay ni cedrick.

"Sige patalsikin nyo na sila dito sa eskwelahan na 'to." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Masusunod po.." Nanginginig na sabi ng principal. Aalis na sana kami pero pinigilan ko sya.

"Wag nyo silang i'kick out..." Sabi ko sa principal. Kita ko ang pagtalim ng tingin sakin ni cedrick.

"Ano ba hillary!? Tignan mo ginawa nila satin tapos hindi mo pa sila papatalsikin dito.." Napairap ako sakanya.

"Pwede naman pagsabihan na lang ced... wag mo na silang i kick out please?" Nagmakaawa na ako sakanya para hindi makick out ang dalawa, napatingin sya sakin at huminga ng malalim.

"Pasalamat kayo, nandito ang girlfriend ko kung hindi baka wala na kayo sa school na 'to, Sige principal turuan mo na lang ng leksyon.." Napangiti ako sakanya, Inalis ang tali nila at lumapit sakin.

"Maraming salamat hillary..." Sabay nilang sabi, nginitian ko lang sila, Napatingin ako kay cedrick na nakatingin na pala sakin.

"Sorry..." Malumay nyang sabi, Umiling ako at ngumiti.

"Wala 'yon, tara na? Gutom na ako." Nakanguso kong sabi, Tumango lang siya at pagtalikod namin punong puno ang gym kaya mukhang shock pa sya..

"Ikaw kasi gagawa ka ng scene sa gym pa. Alam mo naman madami kang fans." Bulong ko sakanya.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon