Casanova's Heart 29
**
Habang naglalakad ako sa may campus palabas ng school ay inutusan ako na idala ito sa isang company, malapit lang naman, gusto daw nila ng mga designs ko, ako na ang nagdala dahil gusto rin nila akong ma'meet at masabi ko rin na hindi na ako magiging fashion designer. Model? Psh. Diko alam kung paano ako magpopose dun, mommy talaga eh.
Napatingin ako sa isang company na sobrang taas, may pangalan na Shauhyi Inc. pangalan pa lang bongga na, pumasok ako sa loob at sumakay ng elevator, tinignan ko ang papel kung anong floor halos mapatalon ako ng 39th floor pa ang office nya. Jusko.
Pinindot ko ang 39th floor, hanggang sa pa stop stop ito dahil sa mga sumasakay na employees dito, maluwanf elevator kahit thirty pwede dito. Bumukas ang elevator at nakita kong 39th floor na nga, lumabas ako sa elevator at inikot ang paningin ko, nakita ko dito ang nag iisang kwarto na malaki at may isang maliit na kwarto sa tabi nito.
Humakbang ako papunta sa malaking kwarto, nagbuzzer ako pero ang lumabas ay ang kanyang secretary, teka mali yata ang napindot kong buzzer.
Ngumit sya, "Kayo po ba si miss villamar?" Tumango ako, naglakad sya at may pinindot.
Binaba nya agad ang tawag, lumapit sya sakin at tinuro ang daan.
"Dito po ang daan.." Ngumiti pa sya, "Salamat." Saad ko, "You're welcome po."
Pumasok ako sa room nya, napaikot ang tingin ko, parang kwarto ko na sa tarlac ang room nya, napapanganga na sana ako pero may biglang boses na nagsalita.
"Miss villamar." Napalingon ako at nakita ko ang ngiti nya, napalunok ako dahil binata pa sya, at 'yung mga tingin nya parang...
"Maupo ka.." Aniya at tinuro ang harap sa mesa nya, Mabilis akong umupo at tinignan sya.
"Nasan na ang iyong mga designs?" Tanong nya, naalerto ako kaya naman mabilis kong kinuha 'to, narinig ko pa ang pagtawa nya.
"Eto po..." Sabi ko, kinuha nya at tinignan. Nakita kong matagal nyang sinuri ang mga 'yon, aminado ako hindi ako masyadong professional sa pag sketch pero diko akalaing may kukuha ng mga designs ko.
"Maganda ang mga ito, ngayon ko lang nakita ang mga designs na 'to, magaling... papatok ito panigurado..." Sinasabi nya habang tinitignan ang mga 'yon.
"Talaga po? Salamat." Nahihiyang sabi ko, napatingin sya sakin at sinara ang mga folder.
"Pwede kang magtrabaho samin, pwede kang maging designer samin.." Ito na nga ba sinasabi ko e, masaya ako, sobrang saya ko dahil nagustuhan nila ang mga designs ko pero hindi na pwede.
"Sorry sir pero mag papalit na po ako ng course eh." Malumay kong sabi, kita ko ang pagkunot ng noo nya.
"Talaga? Sayang naman kaayusan mo sa pag designs at pagiging fashion designer, Bakit ka magpapalit, fourth year college kana diba? Bat ngayon pa?" Dami nyang sinabi, pero tama sya sa lahat ng sinabi nya.
"Kailangan po eh. Sorry.. Kung gusto nyo po may kapatid ako, magaling din sya sa pagdedesign at pag sketch.. kung gusto nyo po sya na lang.." Sabi ko, tumango tango lang sya.
"Maraming salamat sir?" Hindi ko pa pala alam name nya.
Napatawa naman sya ng mahina, "Im Zachary Asher Shauhyi.. Nice to meeting you miss?"
Ngumiti ako at tinanggap ang palad nya, "Lovely Hillary Villamar." Tumango lang sya at tumalikod na ako.
"By the way miss, papuntahin mo na lang dito ang kapatid mo pag free time nya salamat." Tumango ako sakanya at lumabas na ng company.
Habang naglalakad ako pabalik ng school ay nakakita ako ng matanda na parang nagugutom kaya nilapitan ko sya.
"Lola? Ayos lang po ba kayo? Nagugutom po ba kayo?" Tanong ko sakanya, napalunok ako nung tumingin sya dahil yung mata nyang isa ay puro puti na lang..
"Ayos lang ako iha, di ako nagugutom.." Nanginginig ang boses nya.
"Sigurado po ba kayo?" Tanong ko ulit, tumango sya.
"Osige po, una ako ah?" Tatalikod na sana pero hinawakan nya ang braso ko, kala nangilabot ako.
"Apo.. Pwede ba kitang hulaan?" Napakunot ang noo ko, hulaan? Nagkibit balikat na lang ako at binigay ang kamay ko sakanya.
Hinawakan nya at sinuri, "Iha, natutuwa ako dahil magiging sikat ka, mas lalo kang sisikat..." Aniya.
"Pero sa kabila ng pagiging sikat mo ay may isang desisyon kang dapat pakaisipin..."
"Dapat mong isipin ang desisyon mo kung tama ba, dahil isang pagkakamali mo lang lahat magbabago...." Nanlaki ang mata ko, teka, niloloko ba ako?
"At sa pagbabagong 'yon may mawawala sayo.. Iha, puso ang gamitin, wag isip..." Aniya at ngumiti pa sya sakin kaya napilitan rin akong ngumiti.
Tumalikod na sya at umalis sa harap ko, na'estatwa ako sa kinatatayuan ko, parang sincere naman sya, parang may something ang hula nya sakin, anong nangyayari bat ganito ang pakiramdam ko? Bat ako kinakabahan? Umiling na lang ako at naglakad na rin papuntang school.
Tulala ako sa sofa, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni lola, ayokong maniwala pero hindi ko alam bakit bigla na lang pumapasok sa isip ko 'yon.
Kanina rin habang kinakausap ako ni cedrick nakatulala ako kaya akala nya may sakit ako, medyo hindi kami nakapag usap ng matino dahil may nanggugulo sa isip ko.
"Para kang biyernesanto ate." Napatingin ako sa pababa na si Hannah, iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya, sumandal ako sa sofa at huminga ng malalim.
Weird. "Anong problema? Daig mo pa inutangan ng sampung milyon." Napatingin ako sakanya at nag pokerface.
"De joke lang ate, seryoso na. Anong nangyari sayo? Nag away ba kayo?" Tanong nya mabilis akong umiling.
"Oo nga pala, bat natapos na tayo sa college pumunta ka sa company ng mga shauhyi malapit sa school natin, gusto nya ng mga designs..." Tumango lang sya sa sinabi ko, ganon lang kadali 'yun para sakanya kasi pangarap nya talagang makapag trabaho sa isang company at makapagpatayo ng sariling shop.
"Talaga ate? Salamat." Aniya, ngumuso ako at hindi na ako sumagot pa.
"Dapat mong isipin ang desisyon mo kung tama ba, dahil isang pagkakamali mo lang lahat magbabago...."
"At sa pagbabagong 'yon may mawawala sayo.. Iha, puso ang gamitin, wag isip..."
"Ate, okay ka lang ba talaga? Wala kang sakit o ano?" Nagtatakang tanong ni Hannah, umiling ulit ako.
Kwinento ko sakanya ang sinabi sa'akin ni lola, hindi ko alam bigla syang natigilan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Weird. Pero may nanghula din dati sakin pero alam mo may katotohanan din ang hula ate... Kasi tama sya muntik na nun mawala sakin si Jiro kung hindi ko ginamit ang puso ko non..." Seryosong sabi nya, nakikinig lang ako sakanya.
"Siguro ate--" Napatigil sya nung nag ring ang phone nya.
"Ate sagutin ko lang." Tumango ako at umalis na sya, Hinilot ko ang noo ko dahil sa stress na binigay sakin ngayong araw na 'to. Nagflashback na naman sakin ang sinabi nya kaya nasampal ko na ang sarili ko. Hays!
"At sa pagbabagong 'yon may mawawala sayo.. Iha, puso ang gamitin, wag isip..."
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]