Chapter 10

75 6 0
                                    

Casanova's Heart 10

**

/Hillary/

**

Yung pagod ko parang nawala bigla, parang tumigil ang ikot ng mundo ko, parang nabingi ako. 'Yan 'yung naramdaman ko katapos ng game, nung huling salita na binitiwan nya, para akong nanalo ng lotto, mas doble pa sa naramdam nung nanalo kami.

"I am now hillievers..."

Ilan beses nag echo sakin ang salitang 'yan, ilan beses kong nirewind sa isip ko, ilan beses kong tinatak sa isip ko ang sinabi nya, may nararamdaman pa kaya sya sakin? I don't want to ask. Baka mag assume ako, masasaktan lang ako.

Mula din ng matapos ang volleyball, 'yung mga may banners ay matagal na pala nila kaming hinahangahan, nung una nagulat ako hindi ko alam kung anong hinahangahan nila samin kaya nagpa 'thankyou' na lang ako, sumobra ang saya na nararamdaman ko, parang lahat ng sakit na nasa puso at isip ko biglang nawala. 'Yung kamay ko din ay umayos na, hindi naman nagtagal 'yung sakit sa kamay ko sa sobrang higpit lang nung pagkakahawak may na mis' location na bone.

Gabi na pero biglang nag vibrate ang cellphone ko, ayoko na munang kunin dahil baka classmates or group messages lang 'yan na lagi akong pinapadalhan.

Tinignan ko ang kalawakan ng st. gerald, habang naglalakad ako ay paikot ikot ang tingin ko, hindi ko namamalayan na nakabangga ako. Napatingin ako sakanya, nanlaki agad ang mga mata ko pero ngumiti lang sya sakin hindi ngiti, kundi ngisi.

"Im so-sorry..." Agad kong depensa, umiling lang sya at tumayo, tumalikod sya pero huminto din agad.

"Kailangan mong mag ingat." At lumakad na sya ng tuluyan, natulala ako sa sinabi nya, parang nag iba ang pakiramdam ko, mas lalo akong kinilabutan nung humangin na malakas, hindi ko alam kung paano gagalaw, hindi ko magalaw mga paa ko, parang na estatwa ako sa kinalalagyan ko.

"Hillary..." Boses na nasa likod ko, hinawakan nya ang braso ko at hinarap, parang nawawala ako sa sarili ko, kumunot ang noo nya sakin.

"Anong nangyari sayo? Bat namumutla ka?" Tanong nya, hinila nya ako papunta sa mga kahoy na upuan sa may side ng garden, buti na lang walang araw dito ngayon na sumisikat na sobrang talim.

"A..ah, w..wala.." nauutal kong sabi, mabilis nyang hinawakan ang kamay ko. Parang nabawasan ang takot ko.

Hindi ko rin alam bakit naging ganito ang reaksyon ko, ano ba 'to? Sino ba 'yung babae na 'yon? Bakit madalang ko lang syang makita dito sa school? Anong course nya? Anong grade? Anong level? Ang daming tanong na sumasagi sa isip ko.

"Huy..." Diniin ni kyle ang pagkakahawak nya sa kamay ko, napatingin ako sakanya.

"Anong problema? Bat tulala ka?"

"May nakita kasi akong babae kanina, hindi naman sya familiar sakin, nung nabangga ko sya ang sabi nya 'kailangan kong mag ingat' tapos 'yung boses nya kakaiba e, hindi ko alam bigla akong kinilabutan..." Kwento ko kay kyle kita ko ang pamumutla nya, nalaglag pa nga ang panga nya at umiwas ng tingin sakin.

"Wag mo ng isipin 'yun, hillary.. baka.. tinatakot ka lang." Sabi nya, mabilis akong tumango.

Pero impossible na tinatakot ako dahil ilan beses ko na syang nakita na laging nakatingin sakin, ang creepy pero tama si kyle dapat wag ko na lang syang pansinin.

"Let's go, Kyle. Baka malate ako sa klase ko." Tumango lang sya at tumayo, ganon din ako.

Habang naglalakad kami ay walang nagsasalita, parang hampas lang ng hangin ang naririnig mo at ang mga boses ng mga estudyante dito pero sa'amin dalawa parang may bara sa lalamunan namin na hindi makapagsalita, gustuhin ko man pero walang lumalabas na salita.

Nakarating kami sa kwarto na hindi kami nagkibuan, huminto sya at tinignan ako, "See you around." Yun lang ang sinabi nya, tumango ako at pumasok agad sa kwarto at pumunta sa upuan ko.

Kalapag ko ng bag ko sa mesa ay napaisip ako, anong nangyari kay kyle? Bat bigla syang nanahimik? Umiling na lang ako tumingin sa whiteboard na ngayon ay punong puno ng designs, nakaprint dun at nakamagnet.

Nagdiscuss ang prof. namin at hindi sya nagpa e'sketch ngayon, inayos ko ang gamit ko na nakakalat sa taas ng mesa ko, binalik ko sa lalagyan ang mga notebook ko, nilagay ko ang takip ng ballpen na ginamit ko kanina at pinasok ko sa bag.

Lumabas ako ng kwarto pero nakita ko si hannah na papunta sakin kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Ate, sabay ako sayong mag lunch, na re'schedule ang break time nila jiro e." Tumango na lang ako sa sinabi nya at naglakad. Nakasunod lang sya sakin.

Binaba ko ang bag ko sa taas ng mesa at ganon din sya.

"Ate, ako na ba ang mag o'order?" Tumingin ako sakanya at umiling.

"No, ako na. Ako ang ate e." Napatawa naman sya ng mahina, "Alright." Yun lang ang sagot nya.

Tumayo ako at pumunta sa may store, nag order ako at bumalik na sa pwesto kabigay ng in' order namin.

"Kamusta kayo ni cedrick?" Tanong nya matapos namin kumain, napataas ang kilay ko sakanya.

"I don't know? Di naman kami nag uusap." Sabi ko sakanya sabay sipsip sa straw na nasa coke in can, tumango tango lang sya.

"What about kyle?" Nagkibit balikat lang ako, huminga sya ng malalim at tinignan ako.

"Natatakot kang sumugal ulit o dahil mahal mo pa sya?" Tanong nya nagpagulo ng isip ko.

"Mahal ko pa sya at gusto kong mabalik kami sa dati,kaya hanggang ngayon nasa past pa rin ako." Inikot ko ang straw sa baso na puno ng yelo na may iced tea.

"Alam mo ate, being stuck in the past is like walking forward with your back facing the front, you'll always miss out on what's in front of you.." Napatingin ako sakanya na seryoso syang nagsasalita,minsan lang nya akong advice pero parang bumaon lahat sakin bawat salita nya.

"Hindi mo nakikita na nandyan si Kyle para sayo, hanggang ngayon sabi mo nasa past ka pa rin, nasa present na tayo ate, You don't live there anymore..." Mas lalong bumaon sakin 'yung huling sentence nya, namumuo ang luha ko pero pinipigilan ko.

"The past cannot be changed, forgotten, edited or erased, it can only be accepted... Move on ate, nasa present tayo, hindi mo dapat iniisip 'yung past mo, kasi kakainin ka lang takot..." Huminga sya ng malalim at kita kong padating na si jiro para sunduin sya.

"Remember what I've said ate, It will help you." Tumayo na sya mabilis nya akong hinalikan sa pisngi. Duon nagsimulang tumulo mga luha kong kanina pa nagpipigil tumulo.

You don't live there anymore....

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon