Chapter 13

66 4 0
                                    

Casanova's Heart 13

**

/Hillary/

**

Habang naglalakad ako sa hallway ay pinagbabati ako ng mga estudyante dito kalat kasi 'yung site sa buong school na 'to.

"Congrats ate." Sambit ng mga sumusuporta sakin, nginitian ko sila at nilapitan na parang nahihiya pa sila sakin.

"Thankyou guys, Diko expect to, group hug!" Sigaw ko sakanila kaya bigla nila akong sinunggaban ng yakap hindi rin nagtagal humiwalay din sila sakin.

"Thankyou ulit. I need to go." Sambit ko, tumango lang sila sakin at umalis na.

Umikot ako sa likod ng school para pumunta sa gym mas madali kasing makapunta dito pero nagulat ako ng makita kong nakasara ang gate kaya no choice ako kundi bumalik.

Naabutan ko sa cafeteria mga kasamahan ko, buti na lang pala bumalik ako kundi wala akong aabutan sa gym, kapasok ko pa lang ay nilapitan nako ng mga estudyante at kinongrats tanging ngiti lang ang nabibigay ko sakanila.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nakatingin na pala sakin kaya mabilis akong naglakad papunta sakanya.

"Woah, congrats pinsan." Ani coleen habang nakipagbeso sakin at ganon din si hannah.

"Akala ko mae'etchapwera 'yun e." Natatawang sambit ko.

"Malabo." Ani carlo habang nakangisi.

"Labas tayo? Dun tayo sa may tabi ng garden." Yaya ni michael,  matagal pa bago sumang ayon ang lahat, tumayo silang lahat at nagsimulang maglakad parang kami ngayon ang center of attraction dahil samin lahat nakatingin sabagay ngayon lang kami nagkasabay sabay maglakad.

Umupo kami don at laking gulat ko na nakapost na pala ang mga nanalo dun, mas nagulat ako nung makita ko ang picture ko na stolen habang 'yung buhok ko ay lumilipad at nakangiti ako ng sobrang lapad.

"Grabe hillary! Ang solid nila sayo." Manghang sabi ni carlo.

"Pucha 67.56% of votes, nahiya naman 'yung mga kalaban mo sa'yo."

"Anong pinakain mo dyan sa mga 'yan?"

Nagkibit balikat ako, "Malay ko, hindi ko din alam na may mga humahanga sakin.."

"Ang ganda mo dun pinsan kahit malayo kitang kita ang puti mo oh.." Nakatingin na sabi ni coleen sa malaking tarpaulin.

"Oo nga, ano kayang pinang edit dyan?" Napatingin ako sakanya at nalaglag ang panga ko. Sasagot pa sana ako kaya lang biglang may tumawag sakin.

"Hillary!" Napatingin kami sa tumawag at nakita ko si kyle na papunta dito kaya napatingin ako kay cedrick kita ko ang talim ng mga tingin nya kay kyle.

"Sasabay ka sakin?" Tanong nya, naalala ko na may binigay sya sakin na brownies kanina.

Tinignan ko ang mga kasama ko na parang naghihintay ng sagot ko. "Guys, sakanya muna ako sasabay." Tumayo nako at lumapit kay kyle.

"Akala ko aayawan moko dahil nandun sya." Nakanguso nyang sabi, umiling na lang ako sa sinabi nya.

"Bakit ko naman gagawin 'yun?" Nagkibit balikat lang sya, "Naiwan ko 'yung brownies sa taas, balikan natin." Sambit ko.

"Ge."

Nang mapasok ako sa loob ng kwarto ay agad kong hinanap sa ilalim ng desk ko, mabilis akong lumabas at nakita kong nakasandal sya sa may railings ng school at nakatingin sa phone nya. Damn this guy! Ang hot nya!

Napatingin sya sakin at narinig ko pa ang halakhak nya, "Let's go?" Tumango ako bilang sagot.

Dumiretso kami sa cafeteria at umupo, hindi sya nagtanong kung anong gusto ko. Bagkus kinuha nya ang cookies sakin at binuksan at nilapag sa harap ko.

"Tikman mo." Nakangiti sya sakin,tumango ako at kumuha ng isang brownies.

 

"Masarap.." Saad ko, tumango lang sya at sumandal sa upuan.

"Bata pa lang ako, mahilig ng gumawa ng brownies si mama, favorite ko 'yan, naaalala ko pa nung bata ako halos itago ko na sa cabinet ko ang mga brownies para walang makakuha..." Nakinig ako sa kwento nya.

Napaiwas ako ng tingin at inurong ko sakanya ang brownies, napatawa sya ng konti at umiling at inurong ulit sakin ang brownies.

"Hindi sa'yo 'yan at isa pa hindi ko na rin ngayon hilig 'yan..." Tumaas ang gilid ng labi nya at lumabas ang dimples nya.

"Naalala ko nun, teachers day namin, bibigyan sana ni mama si teacher ko ng brownies pero ang ginawa ko tinago ko 'to sa mga files ni papa, medyo natunaw ang chocolates nun at natapon sa mga files kaya nangapagalitan ako.." Nakita kong napatawa sya habang ako nabitawan ko ang brownies sa box.

"Bakit? Ayaw mo ba ng lasa?" Tanong nya agad.

Umiling ako, "Hindi ano kasi..." Napapaiwas ako ng tingin sakanya.

"Kasi ano?" Nakita kong naghihintay sya ng isasagot ko.

"Uy pangit, ano 'yan?" Tanong ko sakanya habang sya nakaupo sa kahoy at kumakain ng chips.

"Baka candy, gusto mo?" Agad ko syang siniko kaya nasubo nya ang ilan piraso ng chips at napaubo sya. Nataranta ako at diko na alam ang gagawin pero nakita ko ang pagtawa nya humahawak pa sya sa tiyan.

"Nakakainis ka!" Sigaw ko at umupo ako sa tabi nya, agad nya akong tinabihan at inakbayan kaya napatingin ako sa akbay nya.

"Adik na adik talaga ako sa chips, maski sino hindi ko binibigyan, ayoko kasing may kumukuha ng chips ko, bata pa lang kasi ako 'yan na kinakain ko kaya nagtataka sila bat di ako nagkakasakit sa kidney e' ang alat daw nun, oo nga hanggang ngayon di ako nagkakasakit." Nakinig ako sakanya, siniko ko sya at napangiwi siya.

"Bat mo hinihintay magkasakit ka?" Inirapan ko sya.

"Naalala ko nun, bata ako may gustong humingi ng chips ko, mabilis akong tumakbo papasok ng bahay namin at nilagay sa loob ng damit ni mama, kinabukasan napagalitan ako dahil puro langgam ang cabinet nya..." Kasabay nun ang pagtawa namin ng malakas.


"Sira ka talaga!" At tumatawa pa rin kami. Habang tumatawa sya inagaw ko ang chips nya at mabilis akong tumakbo.


"Oy hillary! Balik mo 'yan sabi!" Binilisan ko ang takbo ko pero naabutan nya ako.


"Huli ka." Hanggang sa kiniliti nya ako..

"Hillary, ok ka lang ba? May masakit sayo? Bat dika nagsasalita?" Napatingin ako kay Kyle at kita ko ang pag aalala sa mukha nya.


"Oo naman no, may naisip lang ako.. Pwedeng mag cr muna ako?" Tanong ko sakanya, tumango lang sya at mabilis akong tumakbo papuntang hallway at hindi ko na alam kung hanggang saan ang tinakbo ko basta alam ko lang kasabay ng pagtakbo ko at pagtulo ng mga luha ko.



May mga nababangga nako pero diko pinapansin hanggang sa may nabangga ako tatakbo sana ako ulit pero hinila nya braso ko kaya napatingin ako kung sino ang humawak.



Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha nya, "Ce..cedrick..." Bigkas ko ng pangalan nya.



"Anong nangyari sa'yo hillary? Sinong nagpaiyak sayo? Sabihin mo!" Mas lalo akong naiyak kaya napaupo ako at humagulgol na, mabilis syang lumuhod para magkapantay kami,mabilis nya akong niyakap kaya hindi ko na napigilan pag iyak ko.

 


"Shhh... Don't cry.. Nandito ako."

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon