Casanova's Heart 34
**
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko, napabangon ako at tinignan ang oras mag aalas sais na pala kaya mabilis akong nag ayos kita ko sa salamin ang pamamaga ng mata ko, inayos ko ang mukha ko at pinilit na itago ang mugto sa mata ko hindi pwedeng makita 'to ni cedrick.
Bumaba ako at nakita ko na nandun na sya kasama ang mga pinsan kong lalaki, hindi sila nagkikibuan, napatingin sila sa gawi ko kaya pinilit kong ngumiti, tumayo na din si cedrick at lumapit sakin.
"Good morning baby girl.." Bulong nya sa tainga ko, nahihirapan akong sumagot, Tinignan ko ang mga pinsan ko at sumenyas kaya lumabas na kami.
Kalabas namin ay hinalikan nya agad ako, "You didn't answer me." Sabi nya, tumingin sya sakin ng diretso napalunok ako at napapaiwad ng tingin.
"Wait, bat namamaga mga mata mo?" Tanong nya, ito na nga ba sinasabi ko eh. Ngumiti ako sakanya.
"I love you baby boy, good morning, napuyat kasi ako... kaya ganito.." Pagdadahilan ko sakanya, mukhang 'di sya naniniwala.
"Bat ka napuyat?" Akala ko hindi sya maniniwala pero curious pala sya bakit ako puyat. Ano bang idadahilan ko?
"Naglaro kasi ako ng games pero nakakapuyat pala kaya in uninstall ko na." Sabi ko, ngumiti pa ako sakanya ng sobrang lapad.
Hinila nya ako papasok sa kotse nya, nagdri'drive lang sya.
"Bakit gusto mo pa lang matulog sa condo?" Tanong nya, bigla akong namula sa sinabi.
"A-ah gusto lang kitang makasama, gusto ko ikaw ang una kong makita pag gigising ako..." Sabi ko, kinagat ko ang ibabang labi ko at tinignan sya at kita kong pulang pula na ang leeg nya at tainga kaya natatawa ako.
"Damn.." Bulong nya, umiwas ako ng tingin sakanya. Hindi ko maiwasan hindi mapangiti ng bahagya at manggilid ang luha ko.
"Ah, baby boy, pakihinto sa company may bibigay lang ako kay sis." Sabi ko, Tumango sya at niliko papuntang company.
Huminto sya at tinignan ko sya, "Sandali lang ako, dyan ka na lang." Sabi ko, kumunot pa ang noo nya pero pumayag din sya.
Mabilis akong bumaba at pumunta sa office ng bakla, bukas na ang alis ko kailangan ko ng magpaalam,binuksan ko agad ang pinto at nagulat pa sya nung pumasok ako nilock ko ang pinto kaya nagulat sya.
"Sinasabi ko na ba! Sis di tayo talo!" Napakunot ang noo ko, umupo ako sa tabi nya.
"Aalis na ako." Sabi ko sakanya, hindi ko alam kung dapat ko pa 'tong sabihin pero naging part rin sya ng carrer ko.
"Kadarating mo lang, aalis kana agad?" Sinamaan ko agad sya ng tingin. Kumuha ako ng ballpen at tinutok sakanya at agad din binaba.
"I mean is pupunta na akong paris." Nanlaki ang mata nya at medyo kumunot pa ang noo nya.
"Ano?" Napairap ako, "Di ka lang bakla, bingi ka pa. Sabi ko pupunta na akong paris. At hindi naman kita kakalimutan, babalik ako as soon as possible dito pa rin ako magtra'trabaho..." Sabi ko sakanya, Kita ko ang lungkot sa mukha nya.
"Sis naman bat biglaan? Hindi mo na ba hihintayin ang paglabas ng magazine mo? Malapit na oh..." Umiling ako, tumayo na ako dahil naghihintay si cedrick sa baba.
"Hindi na sis. Kukuha na lang ako ng copy siguro ng mga pinsan ko, don't worry skype na lang. Bye girl." Niyakap ko sya at kita kong naiiyak pa sya.
Lumabas ako ng office nya at mabilis na bumaba, agad kong nakita si cedrick kaya mabilis akong pumasok sa sasakyan nya.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]