Chapter 25

59 4 0
                                    

Casanova's Heart 25

**

Hindi nagsasalita sa harap ko si cedrick kanina ko pa sya kinakausap, ewan ko ba bakit, kanina pa syang umaga kapasok ko, di man nga ako pinagdala ng lunch buti na lang at pinabili ako ni Hannah kay jiro kaya 'yun nakakain pa naman ako.

"Ced..." Kinalabit ko sya pero hindi pa rin sya nagsasalita 'ni hindi nga lumingon sakin. Kumunot na ang noo.

"Cedrick!" Sigaw ko at doon sya napatingin sakin pati mga tao sa cafeteria napatingin na rin.

"What!?" Sigaw nya din. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, nagbubulungan na rin sila.

"LQ sila?"

"Nag aaway?"

"Anong nangyari sa OTP natin?"

"Paano na ang fanpage."

"Buti nga."

"Bitch kasi."

"Manahimik nga kayo!"

"Kayo ang bitch! Mga inggitera!"

Hindi ko pinansin ang mga narinig ko, padabog syang tumayo sa mesa, gumalaw pa nga ito, sinundan ko sya nakita kong paalis sya dahil papunta syang parking lot.

"Cedrick ano bang problema mo!?" Sigaw ko sakanya, nakita ko rin na may mga estudyante dito kaya napatingin sila samin.

"Magsalita ka naman! Kung may problema ka sabihin mo sakin!" Nanginginig na ang boses ko, hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin kung cold ang treatment nya tapos hindi pa nagsasalita.

"Cedrick look.. kung dahil 'yan sa diko pagreply sayo kaga--"

"Fvck!" Aniya at pinagsisipa ang gulong na kotse nya. Naiinis nako. Napatingin ako sa paligid dumadami ang tao, nakita ko rin ang ydc na nakatingin samin-- sakin na parang naaawa.

 
"Wag kang magmura cedrick! Tinatanong kita!" Napatingin din sya sa paligid ang kita ko ang pananaliksik ng kanyang mga mata.

"KAYONG LAHAT UMALIS KAYO KUNG AYAW NYONG BURAHIN KO KAYO SA MUNDO. NOW GET OUT!" Sigaw nya sa mga nakatingin ngayon ay parang mga langgam na nagalaw mo at nagsitakbuhan pati na rin ang YDC ay natakot yata kaya naki takbo na rin.

Pero nakita ko si warden na nakatingin sakin na parang gustong lumapit pero sumenyas ako sakanya na umalis na lang sya kaya umalis na.

"PUTANGINA HILLARY." Ang lakas ng sigaw nya. Nanggigilid na rin mga luha ko.

"Ngayon minumura mo na ako? Ano bang kasalanan ko sayo.." Malumay kong tanong, kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi maiyak.

Nagulat ako ng binato nya sakin ang isang envelope na maliit kaya agad ko 'yun binuksan nagulat ako ng bumungad sakin 'yung picture namin kanina, nung hinawakan ko ang noo ni warden.

"Ngayon magsisinungaling kapa? Ako ba talagang pinaglalaruan mo ah!?" Galit talaga sya. Napayuko ako dahil naiiyak nako.

"Sabihin mo sakin kung ayaw mo na! Para matapos na 'to!" Agad akong napatingin sakanya.

Oo, boyfriend ko na sya, katext ko sya kagabi at pumayag nako, pero first day na first day namin ganito agad ang bungad?

"Ced... hindi.. ganito 'yan.. Akala ko may sakit sya kasi namumula sya kaya hinawakan ko noo nya... maniwala ka sakin please..." Tumulo na ang mga luha ko. Nakita kong napatigil sya.

"S..sorry na.. bata pa lang mga 'yun at wala ka dapat ikaselos..." Malumay kong sabi at tuloy tuloy pa rin ang luha ko.

Hinawakan nya kamay ko at hinalikan nya 'yun kasabay ng paghalik sa noo ko.
 

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon