Epilogue

109 2 0
                                    

Epilogue

**

Habang naglalakad sya ay pinagmamasdan ko ang bawat kilos nya, napapangiti ako dahil kahit malayo sya sakin ay alam kong may nararamdaman pa sya,  hindi ko sinasadya ang sinabi ko sakanya, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at iniwan ko sya.

Isang araw nun may kahalikan ako, hindi ko naman dapat sya hahalikan pero bigla nya akong sinunggaban kaya wala na akong magawa. Pero natigilan kami nung biglang lumapit samin si Hillary.

"Shits!" Napamura ako dahil nakita nya akong may kahalikan. Tangina!

"Hillary? Why are you here?" Tinaasa nya ako ng kilay at ngumiti ng sobrang lawak.

"Just to tell you, This is a school not motel nor hotel to flirt her in public place." The  she walked out. Napahilamos ako ng mukha.

Damn it!!!

Nakita ko silang lumabas sa library, para akong binuhusan ng malamig na tubig lalo nung hawakan ni Kyle ang kamay nya. Nandidilim na paningin ko.

"Let's go, baby?" Narinig kong tanong ni Kyle, Tangina!! Napayukom na ako ng kamao, fvck this!!

"Alright, baby." Umalis na sila at sinundan ko pa rin sila ng tingin nanlilisik na talaga ang mga mata ko, nawawalan na ako sa katinuan ko.

"Brad. Tara na. Hayaan mo 'yung nakita mo." Umiling na lang ako at nagsimulang maglakad. Baby huh!

Sa sobrang galit at selos ko kumuha ulit ako ng babae sa paligid, agad kong hinalikan at hindi ko namamalayan pumasok na kami sa CR, hinalikan ko sya sa leeg at hinawakan ko ang butt nya, Hillary... Sya ang nasa isip ko ngayon.

Napatingin ako sa may pinto at nabitawan ko ang kahalikan ko ng makita ko doon si Hillary, mabilis syang tumakbo kaya sinundan ko.

"Hillary!" Hinihingal ako dahil sa pagtakbo, hinawakan ko ang braso nya.

"Ano ba?" Pagpupumiglas nya, "Sinundan mo ba kami?" Tanong ko kita ko ang panlalaki ng mga mata nya.

"Bitiwan moko!" Sigaw nya. "CAN YOU JUST ANSWER MY FVCKING QUESTION?!!!" Napasigaw na ako ng malakas at kita ko ang pagtulo ng mga luha nya kaya nagulat ako, damn it!! Anong ginawa ko!!?

"Oo," Sagot nya, "Oo, Sinundan kita. Happy?" At umalis na sya sa harapan ko, nakatulala ako, sinundan? Bakit nya ako sinundan? At bakit sya umiiyak? Tangina!!

Nakaupo ako sa may bleachers ng gym, nandito sila pero wala sya. Tangina! Ano kasing kagaguhan ang ginawa ko!

"Pre, nakita mo si Hillary?" Napatingin ako kay aze na pinsan nya na tinatanong ako. Pero bigalang napawi 'yon.

"Bat ko ba sayo tinatanong." Sabi nya at nagwalked out. Napailing na lang ako, weird talaga ng mga villamars.

"Cedrick!" Napatingin ako kay Hannah, "Nakita mo ba si Ate?" Napakunot ang noo ko, dalawa na ang naghahanap sakanya.

"Bakit?" Tanong ko, nagkamot sya ng ulo.

"Kasi 'di sya pumasok, hindi namin alam saan pumunta.." Napailing na sya at umalis sa harap ko.

Isang linggo ang nakakalipas hindi ko pa rin sya makita hanggang sa dumaan ako sa may hallway at nakita ko sya kaya agad ko syang hinigit papasok ng lab. Sinagawan nya pa ako pero kinorner ko sya.

"Isang linggo, hillary. Isang linggo kang umiwas." Nagulat sya at tinignan ako "Ano naman sa'yo?" Tanong nya.

"Damn it hillary, 'yung nangyari sayo ang di ko makalimutan! Gusto kong tignan kung okay ka! Gusto kong malaman kung anong nangyari pero di kita nakita kaya para akong baliw na naghahanap sayo tapos iiwasan mo lang ako?!" Napalakas na ang sigaw ko, nag aalala ako at nalulungkot sa pag iwas nya.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon