Six : Truce

13 0 0
                                    

Ayesha's POV 


  Nandito na ako sa upuan ko at tahimik lang. Nakakabadtrip kase!! Lagi akong badtrip noh? Paano ba naman kase, ngayon na inayos yung Study Buddy System namin. And worst, lahat ng magkakapartner eh magkakatabi. Crap, right?

  Kaya naman para hindi ako gaanong mawalan ng pasensya, ipinalipat ko sa harapan ko yung anim pa. Bale ang pwesto..

  Sa harap ko si Coleen at Louise, syempre pati partners nila. Sa tabi namin yung dalawa pa. Oh diba, ang saya? Ngayon, pinagsasagot kami ng Activity at kasalukuyan naming pinagtatalunan kung paano 'to gagawin.

  Diba, hindi talaga kami advisable pag samahin eh. 


"Mali kasi! Ganito kase para mas madali!" sabi nya sa akin
"Eh mas nadadalian ako sa ganitong style eh!"  sabi ko naman
"Pero ang bagal ng way na 'yan, mahuhuli tayo kapag ganyan"
"Bakit, nagpapabilisan ba?"


  Hindi sya sumagot. Hmp!! Buti nga! Masyado kasing hapit sa grades. Kung ako sa kanya, ine enjoy ko ang buhay estudyante ko. 


"Hindi ba kayo pwedeng manahimik dyan?"  sita sa amin ni Coleen
"HINDI!"  sigaw namin pareho kaya 'yung room na puno ng nagbubulungang estudyante, tumahimik. Pati nga teacher namin na nagra round, napatigil eh. 


  Bumuntong hininga sya. Ganun na din ang ginagawa ko dahil masyado talagang nakakairita kung ganito kami. Feeling ko nga, mas wala kaming magagawang tama eh.


"Steve and Ms. Ayesha.."  papagalitan ba kami?
"Mamayang uwian ninyo, kunin nyo yung script na ginawa ni Ms. Lia. Tatlo yun. Basahin nyo at pag isipan kung anong mas gusto nyo doon."


  Akala ko kung ano na eh. Pero gasshhh..  Ayoko na talaga. Feeling ko, ang hiiiiiiiiirap hirap ng buhay kapag magkasama kaming kumikilos.




  Nang mag recess, mag isa akong nakaupo sa upuan ko dahil 'yung mga walang hiya kong kaibigan eh iniwan ako dito mag isa. Ni hindi man lang ako inayang sumama sa kanila.
  Maya maya eh may tumabi sa akin. Sino pa ba diba, edi yung bwisit na si Perez.


"Ayesha..."   tawag nya
"What?"
"Can we cut this crap? I mean, itong pag aaway natin."  wow! naisip nya pa pala yun?

"Kung gusto mo 'to matapos, tigilan mo na ako."
"Ano ba kasing ginawa ko sayo, ha?"  aba! Nagtataas na ng boses.
"Nakakainis kasi yang pagsagot sagot mo sa akin! No one ever talks to me that way!!"
"Pwes, ngayon meron na!"



  Grabe!! Nakakainis na!!!  Konting tiis Ayesha, konting tiis.

Nakita kong naisuklay na nya yung kamay nya sa buhok nya. So ano, sya pa ngayon yung nafu-frustrate? Grabe ha?! Ako ba hindi? Sa totoo nga, sya pa lang talaga ang umasta sa akin ng ganyan!


"Alam mo Ayesha, let's have a deal."
"I dont want to he--"
"Pwes pakinggan mo! Pwede ba?! Just for the sake of our grades!! Pwede ba?"



  Tinignan ko lang sya.


When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon