Epilogue :

9 0 0
                                    

"Things will change. We'll go on our own way soon. But promise everyone who's close to you that no matter what, you will never forget. Congratulations Batchmates!"

Nagtayuan kaming lahat at sabay-sabay na hinagis ang mga sunbrelo nang pangunahan 'yun ni Coleen matapos ng speech nya. And yes. Sya ang Valedictorian. Sumunod si Heist na sinundan din ni Vincent.

"Guys! Congrats!" Sigaw ni Kurt nang lumapit sya sa amin.
"Oh? Bakit ka nandito? Honors lang dapat dito!" Pang-aasar sa kanya ni Vincent.

Naramdaman ko namang may kumapit sa braso ko at nakita ko si Steve na ngiting-ngiti.

"Oh? Eh bakit nandyan sila Steve at Louise?"
"Mga karelasyon 'yan. Bakit ikaw?"
"Si ano.. Si Coleen!"
"Anong sabi mo?" Sabi ni Ethan mula sa likuran nya, at as usual, gamit ang malamig nyang boses.
"Sabi ko si Hestia."
"Tsk." Sabi ni Heist.
"Hoy hoy hoy!" Sigaw ni Mike.
"Hi ate Yeshaa!" Mula sa gilid ni Kurt ay lumitaw si Mary.

Nang mapansin nilang dalawa ang isa't-isa ay parehong sumimangot ang mga mukha nila.

"Bakit may bakla dito?" Pang-aasar ni Mary.
"Hoy sinong bakla?!" Sigaw ni Kurt.
"Oh? Natamaan ka?"

Nagtawanan na lang kami. Tinignan ko sila isa-isa at napapangiti na lang ako sa nakikita ko.

I never thought na magiging ganito ako kasaya. Akala ko kasi nung una, kami na lang nila Vincent ang magku-kuwentuhan. Ang magiging magkakasama hanggang dulo.

"Lalim ng iniisip mo ah?" Bulong sa akin ni Steve at pinisil ang kamay ko.
"Iniisip ko lang kung paano tayo nakatuluyan."
"Destiny na 'yun."
"Yuck. Naniniwala ka sa ganun? Tsk." Biro ko sa kanya.

Nang dumating si Coleen sa pwesto namin ay maluha-luha na sya.

"Huhuhuhu!!! Salamat guys!" Sabi nya sa amin at yumakap.
"Tss. Drama neto aba!" Sabi ni Vincent.
"Group hug nga dyan!!!" Sigaw ni Louise.

Tabi-tabi at sabay-sabay, nagyakapan kami. Na para bang last chance na naming makikita ang isa't-isa. Hahahaha!

"Pictures guys!" Sigaw ni Dad mula sa likuran namin.

"Okay! One.. Two.. Three..!"

It's okay. We knoe we can do anything gor our loved ones. After all, we're so-called gangsters right?


----- The End ------

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon