Ayesha's POV
Lumipas ang mga araw. Wala akong ginawa kung hindi ang mag-aral, gumawa ng reports para sa event, mag-check ng files at kausapin si Steve.
Everything went well. Pumapasok na si Blake na kaklase namin ( matalino naman kasi sya) kaya naman halos hindi na ako lubayan ni Steve. Kulang na nga lang ay lumipat sya ng upuan. Talk about being so possessive.
Sila Ethan at Coleen? Nagliligawan na. Just last week, nag-usap sila. Sapilitan pa nga. Nagkaaminan. Then that's it. Isa pang nakakapanibago? Heist becoming too protective, maging si Hestia. Si Dad naman, napapadalas ang so-called 'Hang out' kasama 'yung nanay saka tatay nila Heist. Baka business associate? Ewan ko.
"Kumain ka na." Sabi ni Steve sa tabi ko.
Nasa office kami ngayon, uwian na din pero nag stay na ako dito at sumama sya.
Bukas na kasi ang Prom at kailangan kong siguraduhing maayos ang lahat.
"Mamaya na." Sabi ko habang nakatingin sa laptop.
"Ayesha.."Bumuntong-hininga ako at hinarap sya atsaka sya ningitian.
"Later."
Wala naman syang ginawa kundi ang bumuntong-hininga.
Pumunta sya sa likuran ko at tinanggal ang ipit ko sa buhok at tsaka 'yun dahan-dahang sinuklay.
"Dapat nagpapahinga ka na."
"Alam mong madami pa 'to."
"Ipi-print na lang naman 'yan. Wag ka kasing kabahan."Napatawa ako sa sinabi nya. Oo nga naman kasi. Tapos na lahat 'to at ipapasa na lang kay Dad pero kinakabahan ako. Baka kasi pumapalpak. Ayoko namang mangyari iyon.
Niyakap nya ako ng marahan mula sa likod. Pareho pa din kaming nakaupo pero lumapit sya.
Naramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko kaya hindi ko maiwasang kilabutan.
"Umuwi ka na maya-maya ah?"
"Oo na nga." Kunwaring napipilitang sabi ko.
"Good. Now, continue. Ten minutes, aalis na tayo."Bumalik sya sa pagsusuklay ng buhok ko habang nakangiti akong pinagpatuloy ang trabaho ko. Geezz. Ano bang ginagawa nya sa akin? Bakit ako ganito?
Tulad ng sabi nya, lumakad na kami afer ten minutes. Madilim na ang paligid dahil seven na din ng gabi. Magkahawak kamay kaming naglakad. Aaminin ko, I became too cheesy nang mag one week kami. Nasanay? Whatever.
"Tsk! Ang tahimik mo!"
"Ano bang problema mo?" Pagtataray ko.
"Tahimik eh."
"Eh di mag-ingay ka."
"Salbahe ka talaga!"
"Parang ikaw!"Sinira nya ang magandang atmosphere. Pakiramdam ko tuloy ay hindi na maginhawa 'yung hangin, parang nagbabanta na ng bagyo.
Pero matapos ng sagutang 'yun, tahimik na ulit kami.
"Susunduin kita bukas ah?" Sabi nya.
"Malamang. Baka mag tricycle ako papunta dun." Sarkastiko ko namang sabi.
"Ihahatid ka naman ng Dad mo kapag ganun."
"Hindi din. Maaga syang aalis dahil kakausapin nya pa daw parents nila Heist."
"Kilala mo ba parents nila?"
"Hindi nga eh. Pero kung magsalita 'yun si Dad, parang close kami nung nanay nila Heist."
"Baka kilala mo noon. Tapos nakalimutan mo na."Imposible din kasi 'yun. Simula bata, wala namang malapit sa akin. 'Yung mga malapit na parents sa akin, parents lang nila Vincent.
"Pumasok ka na."
"Hindi ka papasok?"
"Gabi na eh. Sige na. Goodd night."Lumapit sya sa akin, at hinalikan ako sa noo.
"Good night."
"Ingat ka."
"Sige na."Pumasok ako sa bahay, dumiretso sa kwarto at nag-ayos ng sarili. Mukhang mahaba ang araw bukas.

BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Novela JuvenilHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...