Thirty-One:
- Ayesha's POV -
Tahimik akong kumakain at walang pinapansin sa kanila na abala naman sa pagku-kwentuhan. Bigla lang sumama ang mood ko. At hindi 'to dahil doon sa Science. Kumulo lang ang dugo ko doon sa dalawang tao kanina.
"Hey, okay ka lang?" sabi ni Steve na umupo sa gilid ko. Hindi ko sya sinagot pero tumango ako nang hindi man lang tumitingin sa kanya.
"Guys, punta naman tayong Theme Park? Gala tayo!" sabi ni Louise. Psh. Mukhang gala talaga kahit kailan.
"Nga pala, sabi ni Dad dinner daw tayo sa Saturday sa amin." sabi ko.
"Bakit?" sabi ni Vince na kinibitan ko lang ng balikat.
Muli kaming tumahimik. Si Mike at Dennis, abala sa panglalait ng mga tao, si Vincent at Louise ay as usual, may sariling mundo habang sila Coleen at Ethan ay mukhang nag-aasaran na naman. Si Steve naman ay tahimik sa tabi ko pero nararamdaman kong tumitingin-tingin sya sa akin.
"Aalis muna ako." sabi ni Steve kaya napatingin lahat sa kanya, kasama ako.
"Saan punta mo?" tanong ni Mike.
"Dyan lang. Sige."
Umalis sya nang hindi nagpapaliwanag. At nang hindi man lang lumilingon sa amin, sa akin. Tsh. Pakialam ko ba?
"Guys, kilala nyo ba 'yung babae kaninang dumaan sa hallway? 'yung maganda?" biglang tanong ni Mike.
"Oh! 'Yung may kasamang kakambal?" sagot ni Coleen.
"Oo! Ang ganda noh?"
Napataas ako ng kilay. Minsan lang may makahagip ng atensyon sa lalaking 'to. Pero sabagay, eye-catching naman talaga ang itsura nung babae. I rememeber the guy called her Hestia.
"Sya si Hestia Evans. Kambal nya 'yung Heist. Both from States and transferred here for a reason." sabat ni Dennis.
"Paano mo naman nalaman?" sabi ni Vincent.
"Sabi sabi lang. Saka nabasa ko kagabi sa site ng school na may transferee nga daw. At sila 'yun."
How come hindi ko alam na may papasok pa lang mga bagong estudyante? At hindi ba bawal na dahil January na? Makausap nga ang Office mamaya.
Hanggang matapos kumain ay hindi pa din dumadating si Steve kaya masama man sa loob ay tumabi ako kay Ethan
"Ethan.." tinignan nya lang ako. "Pahiram nga ng phone."
"Bakit?"
"Basta pahiram!"
"Kukunin mo number nya?"
"N-nino naman?" ang lakas naman ng pakiramdam neto?
"Tss. Oh!"
Nakasimangot at padabog kong kinuha 'yung cellphone sa kamay nya kaya naman sumimangot din sya sa akin. Kahit kailan, pikon!
"Aba't ikaw pa ang galit, ano?" sabi nya.
"Para kasing napipilitan ka pa!"
"Sino naman nagsabi?"
"Wala! Pero 'yun ang pinaparamdam mo." nakangusong sabi ko habang tinitignan ang contacts nya.
"Sometimes, actions without words plainly means nothing." biglang seryosong sabi nya kaya napapatanga akong napatitig sa kanya.
"W-what the? Ang drama mo ah!"
"Tss."
Nakatitig pa din ako sa kanya. Mukhang may malalim na pinaghuhugutan ang isang 'to ah? Ako ba yun? d--,b ang kapal lang diba?
"Tama na ang kakatitig. Matutunaw 'yan." biglang may nagsalita sa tabi ko at hinatak ako palayo sa tabi ni Ethan.
"A-ano ba!" naiirita kong sabi.
"Tsk! Ako ang titigan mo! Walang manghihila bigla sa'yo!"
"Tsk! Nababaliw ka na naman!" sabi ko na siniringan sya at nilayasan pero napakakulit! Hinabol ako at tinabihan ulit.
"Nagsasabi ako ng totoo, Madrigal."
"Pwes wala akong pakialam, PEREZ."
"Wag kang mag-isip ng kung ano Steve, dahil bukod sa natural na akong gwapo, hiningi nya lang ang number mo sa akin." nakangising sabat ni Ethan at tinignan sya ni Steve.
"Talaga?" para namang batang sabi nito.
"Oo."
"Tsk. Ang gwapo ko pala talaga! HAHAHAHA!"
"Tsk. Hindi porket hiningi ko ang number mo, gwapo ka na. Hiningi ko din ang kanila Coleen." nakasimangot kong sabi atsaka naunang maglakad, iniwan syang tumatawa pa din doon na parang baliw. Tsk. Retard! d-.-b
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Novela JuvenilHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...
