Seventeen : I won't

8 0 0
                                    

Ayesha's POV

Saturday..

Nagising ako sa katok ng pintuan ko.

"Uhmm.."

Ayoko pa bumangon. Pagod na pagod ako last week dahil grabe kung mag pa rehearsal si Ms. !!
Inaabot kami ng halos 7 ng gabi sa school.

"Ayesha, sweetie?" Dinig kong tawag ni Dad.
"Dad.. give me ten minutes naman oh!"

Tumingin ako sa orasan sa side table ko. Seven pa lang. Shemay! Sabadong sabado eh!! >___<

"Wag mong paghintayin yung kaibigan mo dito." Sabi nya at nawala na.

Kaibigan? Bukod kanila Coleen sino pa? Pero kung sila nga yun, dapat sinabi na ni Dad..

Tss.. dahil sa wala talaga akong idea, nag tooth brush na ako at nag ayos ng sarili ko. Pagkababa, nakita ko sa sala si...

"STEVE?!"
"Ayesha, wag ka nga sumigaw dyan." Sabi ni Dad mula sa kusina.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko nang maupo ako sa tabi nya.
"Uhh.. pwede mo ba akong samahan sa Tagaytay?"
"Wow! Ang layo nun uy!"
"Bilis na! Bibilhan ko lang ng fresh na strawberry si Coleen."

Coleen na naman. Buong linggo na si Coleen lang ang bukang bibig nya. Nakakairita kaya. Ikaw yung kasama pero iba yung lagi nyang sinasabi.

Masama bang maging ganito? Kahit na crush pa lang sya?

"Kung ayaw mo,kahit sa Mall na lang. Bibilhan ko na lang ng baging libro si Mary."
"Oh, eh paano si Coleen?"
"Hayaan na. Next time na lang, hindi nya naman pati dinemand yun."

Ahh. So kusang loob nya lang? Ang swerte nga naman ni Coleen.

"Tara?"
"Papaalam ako kay Dad."
"Nagpaalam na ako. Pwede daw." Sabi nya habang ngiting ngiti. Naiirita lang ako sa kanya.

Nagbihis na ako ng skirt na hanggang tuhod lang ulit, black yun at isang simpleng blouse sa pang taas with flat shoes.

"Bihis na bihis. Para ka namang pupunta ng date nyan." Sabi ni Dad nang magpaalam ako.
"Dad, tigilan mo ako." Sabi ko naman ng pabiro.
"Hmm. Do you like him?"

I just smiled at him.

"We'll talk later princess."
"Okay. Bye Dad."

Kadiri talaga yun si Dad. Kung anu anong endearment ang ibinibigay sa akin -___-

"Hoy tara na!" Sabi ko kay Steve.
"Kumilos ka nga ng babaeng babae! Sayang porma mo!"
"Eh pake mo ba?"
"Ang pangit mo pa din." Sabi nya na lang habang nagkikibit balikat.

Sobra na talaga panglalait nya sa akin! Ang sarap na nya ipakain sa mga pirana! >__<

Nang makapunta na kami sa Mall, agad na kaming dumiretso sa bookstore.

"Tulungan mo ako." Sabi nya.
"Wala akong alam sa libro." Bored kong sabi. Nakaka boring talaga sa lugar na 'to. -___-
"Dapat pala si Coleen na lang sinama ko."

Umalis ako doon at sinabi kong magc-cr na muna ako. Nakakainis na kasi!

Kahit weekends, si Coleen pa din! Lagi na lang si Coleen ang topic!!

Wait nga lang, bakit ba ganito na ako umasta? Hindi na 'to tama!!
Kahit na crush lang, hindi na 'to normal hindi ba? Tskk.

"Okay ka lang?" Sabi ni Steve nang naglalakad na kami. Tapos na sya mamili ng libro eh.
"Bakit naman hindi?"
"Kasi ang sama ng mukha mo."
"Maganda ang mukha ko. So shut up."

Nauna ako maglakad pero sumunod na naman sya.

"Ano ngang problema? Mukhang tanga 'to!" Sabi nya nang nakasimangot. Tss.. ako pa pala tanga ngayon. How nice.
"Nagugutom ako! Umalis tayo ni hindi mo man lang ako pinakain muna!!"
"Ah yun lang ba? Tara libre kita!"

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon