Thirty :

14 1 1
                                    


Thirty:

- Ayesha's POV -

Palabas na kami ng mall dahil nagsasara na. Talagang hinintay pa muna nilang lahat na paalisin kami doon bago mga magsikilos. Ang galing diba? Tss..

Sabay na naglalakad sila Dennis at Mike na mukhang napagod sa pangti-trip na ginagawa nila sa buhay ng ibang tao, si Louise na inaakbayan ni Vincent, mag-isa sa likod nila si Ethan na as usual ay parang bored na bored sa buhay, si Coleen na mukhang inaantok na, at kami ni Steve na parehong tahimik sa likuran nila.

Nakarating kami ng Parking Area na walang ni isang nagsasalita sa amin. Pagod siguro lahat. Tahimik na pumasok sa likuran ng kotse 'yung apat at si Louise. Naiwan naman kaming tatlo nila Vincent sa tabi ng motor ko.

"Magsabay na kayo." utos nya na tinanguan lang namin.
"Ingat kayo." sabi ni Steve.
"Kung anumang meron sa inyo, ayusin nyo na." tumingin sa akin si Vincent ng parang may gustong sabihin. Pumapayag na kaya sya?

Umalis na sya matapos kaming tapikin sa balikat. Hinintay ko munang makaalis sila bago ako magyaya.

"Tara na."
"Pwede bang mag-usap muna tayo?"

Napabuntong hininga ako kaya naman sumakay na lang sya. Pero huminto ako sa may park malapit sa bahay nila.

"Ano ba 'yun?" sabi ko na lang.

Kinakabahan ako sa totoo lang pero wala namang magagawa 'yun ngayon. At sa tingin ko eh normal lang 'yun? Gusto ko na lang din kasi itong matapos. Ayoko na ng sakit at hirap. Kahit na ganun lang kasimple 'yung mga problema nung nakaraan, ayoko ng ganun. Nakakasawa.

"Iyong narinig mo--"
"Coleen explained. Ayos na. Huwag nyo na lang sana uulitin dahil ayoko ng ganun."
"Ayos na ba tayo?" nag-aalinlangan pang sabi nya.

Hindi ko muna sya sinagot at nanatiling nakatingin sa stars habang nakasandal sa motor ko. Hindi ko alam. 'Yan ang gusto kong sabihin dahil hindi ko alam kung gusto ko nang sumubok. Kasi kung magkataon, he will be my first. At natatakot ako.

Pero ang tanong nya lang naman ay okay na kami diba?

"I guess, oo." sabi ko na lang.

Katahimikan. Walang nagsasalita pero hindi sya 'yung awkward silence. Ayun 'yung katahimikang maginhawa.

"Umuwi na tayo." sabi ko.
Tumango sya kaya naman umalis na kami doon at umuwi na din ako.

Kinabukasan

Dahil Huwebes ngayon, naka PE uniform ako. Bumaba ako sa kusina at nakita kong wala nang tao doon. Siguro pumasok na si Dad. Titingin pa lang sana ako ng mapi-prito kahit papaano pero may nakita ako sa lamesa. Fried rice, bacon, at hotdogs. May note pa na nagsasabing kay Dad pala galing 'yun.

Sa nagdaang mga araw kasi, ayun, naging mas close kami ni Dad tsaka mas naging showy sya sa akin sa pagiging concern. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero sadyang hindi lang ako sanay.

Alas-otso na ng umaga kaya naman nagdecide na akong dalhin ulit ang motor ko. Kung inaasahan nyo kasing babalik agad ako sa dati dahil nagkausap-usap na kami, wag na kayo umasa. Ayoko muna. Maarte man ang dating pero 'yun ang totoo. Parang ang hirap na kasi magtiwala eh. Tss.

Nang marating ko ang school, mabagal pa akong naglakad papunta ng room kaya naman tinitignan ako ng bawat teacher sa bawat room tuwing dadaan ako. Tss.. nasanay kasi sila na bumait ako kaya nawala sa isip nila kung ano talagang attitude ko.

Dire-diretso akong pumasok ng room dahilan para matigil sa pagsasalita 'yung teacher namin sa English. Nakita ko sa mukha nila Louise na nagtataka sila sa attitude ko. Tulad ng iba, hindi nila inaasahan.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon