Ayesha's POV
Matapos kong makipag- dramahan kanila Dennis, umalis na ako ng mga tanghali. Balak kong puntahan yung dalawa ngayon.
Inuna ko munang puntahan si Louise dahil nasisiguro kong nasa bahay lang sya ngayon. At ano pa bang aasahan, edi nagdramahan lang kami. Matapos doon ay dumiretso na ako sa bahay nila Coleen.
Maswerte ako dahil nakita ko syang papasok na sya ng bahay nila.
"Coleen.."
Halata sa mukha nyang hindi nya inaasahan ang pagdating ko. Ngunit maya maya eh pinatuloy nya din ako sa loob.
Nagtinginan lang kaming dalawa. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa."Sorry.." tanging nasabi ko sa kanya.
Ngumiti sya at umiling.
"Wag na tayo magdramahan dito Yesh. Tapos na eh. Ang importante, bumalik ka na."
Nag ngitian lang kaming dalawa at hindi na pinag usapan pa iyon.
Nang dumating ang araw ng lunes ay balik na kami sa dating gawi, sabay sabay kaming pumasok. Ngayon, ang katabi ko sa paglalakad ay sila Steve at Coleen. Sa likod ko nandoon sila Ethan, Mike at Dennis at nagsosolo sa likuran sila Louise at Vincent.
Hindi ko maramdaman ang awkwardness sa pagitan naming tatlo.
Magaling lang ba talaga silang magtago?Maya maya ay sumulpot na lang sa harapan namin si Kurt.
"Hi Ayesha." Bati nito pero bago ko pa man sya matarayan ay hinila na ako ni Steve, leaving Coleen alone.
'Nalilito na ako sa ikinikilos mo. Totoo ba ang sinabi mo noon o isang palabas lang ang ginagawa mo ngayon?'
Ilan lang yan sa mga bagay na hindi ko magawang itanong sa kanya ng malakas. Dahil natatakot ako sa pwedeng maging sagot nya. At sa pwedeng mangyari oras na malaman ko kung ano iyon.
Nauna kaming makadating ng room. Nang dumating ang iba, agad na lumapit sa akin sila Louise.
"Iba na talaga ang ganda mo Ayesha." Mapang asar na sabi ni Louise.
"Oo nga! Biruin mo, si Steve, si Ethan, si Blake at ngayon si Kurt! Anong kagandahan ba ang meron ka?" Natatawang biro naman ni Coleen.Tss. Si Kurt?! Nanti trip lang yun -__- pero ningiwian ko na lang silang dalawa. Bahala sila mag imagine.
"Pero Ayesha, sinong gusto mo sa apat?" Pangungulit pa ni Louise.
"Tsh. Tigilan nyo nga ako. Maghanap kayo ng ibang iintrigahin." Kunwaring inis na sabi ko kaya naman napanguso sya.
"Ang damot mo talaga!"
"Tss. Ichi-chismis nyo lang kasi ako."
"Siguro si Steve ano?"
"Ewan ko sayo Louise."Tumawa lang kami. Pero hindi ko maiwasang tignan si Coleen. Iniisip ko kung nasasaktan ba sya at pinapakita nya lang na ayos sya? O talagang wala lang ang lahat sa kanya?
Nang dunating ang teacher ay tumahimik din kami.
"Class, may naisip na ba kayo para sa Christmas Party nyo?"
Napaisip ako bigla. Almost 3 weeks na lang pala, pasko na. Ang bilis bilis ng araw.
Pinag usapan ng buong klase ang tungkol doon. At may magaganap na party sa room namin.
Nang mag lunch break na, nakita ko sa labas ng room si Kurt. Awtomatikong umikot ang mata ko sa inis.
Tumabi naman sa akin si Steve."Manliligaw mo ba yan?" Tanong nya na parang naiinis.
"Ewan ko. Bakit?"
"Eh bakit sunod ng sunod sayo?"
"Baka type si Yesha." Sabat naman ni Mike kaya mas sumimangot si Steve.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Novela JuvenilHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...