Life can really be unexpected and unpredictable.
Noong una, pito lang kami. Kuntento na kaming pinagtitilian lang sa hallway, na kinatatakutan. Sanay na kami sa buhay naming walang ibang iniintindi kundi ang pag-aaral, ang mga laban at ang isa't-isa.
Pero ngayon ko masasabing, totoo ngang the more the merrier. Ang noong pitong tao lang ay nadagdagan pa. Ngayon, labindalawa na kaming pinagtitinginan at pinag-uusapan ng mga estudyante.
"Tara at kumain muna aba! Ilang oras na ba tayo dito?" hinaing ni Mike habang hinihilot ang batok nya.
"Oo nga! Malapit na din naman mag-12. Sumasakit na ang ulo ko." sang-ayon sa kanya ni Louise.
Nasa library kami at inaayos ang mga huling requirements namin. Isang linngo na lang kasi ay graduation na kaya ngayon sila naghahapit. Sa totoo lang ay tapos na naman ako sa mga gawain ko. Maging si Coleen, na tinutulungan na lang si Ethan. Wala naman akong magawa kaya sumasama ako sa kanila.
"Anong oras daw dadating si Steve?" tanong ni Heist sa tabi ko nang tumayo na ako.
"Ewan ko lang. Wala naman syang sinabi."Hinatid kasi nila ang Dad nila sa airport dahil may kailangan lang daw ayusin sa isa nilang negosyo. Naiintindihan ko naman pero anong oras na at wala pa sya. Ang sabi nya sa akin kagabi ay bago mag-lunch.
"Wag ka na malungkot dyan! Dadating din 'yun." pagpapalubag loob na sabi ni Louise.
"Tsh."Bawat dadaanan namin ay kusang lumuluwag ang daan. Paano ba naman ay pinipilit nilang pagkasyahin ang mga sarili nila sa masikip na hallway. Parang mga tanga.
Nangunguna si Vincent na katabi si Louise habang kinakausap ni Ethan, na kasabay naman ni Coleen. Habang nasa likuran nila sila Blake, Dennis, Mike at Kurt na pilit nagtatabi-tabi. Natatawa na lang akong pinapanood sila.
Si Dennis kasi ay hinihila palapit sa kanya si Hestia na parang naiilang na ewan.
"Galit ka pa din ba kay Mom?" tanong bigla ni Heist sa tabi ko.
Hindi ako sumagot dahil alam ko naman sa sarili ko ang sasabihin ko.
Hindi ko pa nga din kinakausap si Mom. Una, dahil napakasama pa talaga ng loob ko sa kanya. At pangalawa, dahil alam kong makikipag-plastikan lang ako kung pipilitin ko.
Ningitian ko na lang sya kaya naman hindi na sya nangulit.
"Huwaaa!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa gitna namin ni Heist si Steve, na parang ewang masama ang itsura.
"Nandyan ka na pala." bati sa kanya ni Heist.
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"May sinabi ba ako?"
"Tsh. Umayos ka, Perez. Alalahanin mong kapatid ako ng girlfriend mo."
"Hoy hoy hoy! Ikaw talaga! Bakit ba kailangan mo pang manggulat?" bulyaw ko.
"Tsh. Hindi mo lang talaga ako napansin. Halatang nag-eenjoy kang kasama sya."
"Tsh. Pwede ba? Kapatid ko 'yung tao, pinag-iinitan mo?"
"Eh bakit ba?"Hindi na ako nakipag talo. Hahaba na naman ang usapan namin.
Hinigit nya ako bigla kaya naman iiling-iling na lang na nauna si Heist maglakad habang hawak nya pa din ako sa braso."Ano ba?" Kunwaring asar na sabi ko.
"Napagod ako." Nakangusong sabi nya, nag-iinarte.
"Anong gagawin ko?"
"Pa-recharge."Sinamaan ko sya ng tingin at pabirong sinampal ang mukha nya.
"Laos na 'yan, Perez."
"Tsh. Damot neto."Nang nasa canteen na ay may sari-sarili na naman silang mundo. Umupo ako sa tabi ni Heist, at sa tabi ko si Steve.
Sumandal si Steve sa balikat ko pero tinignan ko na lang sya. Mukha ngang pagod sya. Ilang oras nga din naman ang byahe."Anong gusto mo?" Bulong ko.
"Share na lang tayo. Kumain na din naman ako kanina."Puro tawanan, asaran at kung anu-ano pa ang usapan namin.
"Tsk! Magkakahiwalay na tayo!" Sabi ni Blake.
"Are you being madrama ba?" Sabi ni Hestia sa maarteng paraan na natural sa kanya.
"Atsaka hoy! Ikaw lang naman ang malalayo!" Sabi ni Mike.
"Bakit ka nga pala aalis pa dito?" Tanong ni Vincent.
"Gusto ni Mommy. Isa pa, para maging matino na ako."
"Hindi na mangyayari 'yun. Sira ka na umpisa pa lang eh." Asar ni Dennis.
"Aba't!"
"Bago nyo 'yan pag-usapan, tapusin nyo muna lahat ng kailangan nyong tapusin." Sermon ni Coleen.
"Ningangarag mo naman sila nyan, Kate."Oo. Hindi na natanggal sa sistema niya ang pagtawag ng Kate kay Coleen. Pero hinayaan ko na lang. Hindi naman 'yun ganun ka big-deal. Isa pa, magbestfriend sila, at may tiwala ako sa kanila pareho.
"Grabe. Ang bilis nga ng araw." Buntong hininga ni Vincent kaya naman halos lahat ay naging ganoon din.
"Grabe!magkakasama pa din naman tayo."Nagtawanan kaming lahat.
"Saan tayo mamaya?" Tanong ni Louise nang pauwi na kami.
"Kanila Dennis ba ulit?" Magulong sabi ni Kurt.
"Kasama ka pala?" Tawa ni Mike.
"Tsk tsk tsk."Napahinto kami nang may pitong lalaki ang huminto sa harapan namin. Tila naghahamon ng away.
"Tapusin nyo na 'yan." Mayabang na sabi nung lalaki.
"Yesh.. Dito ka na." Hila ni Steve sa akin nang akma akong susunod kanila Vincent.
"Tandaan mong si Anne ako ngayon." Nakangising sabi ko at dinampian sya ng halik sa labi. "Just watch."
"Yooon! Naka-score!" Tukso nila Kurt sa kanya.Isang lalaki sana ang susugod kay Stehe nang harangin ko sya at sinalo ang kamao nya.
"Wag ang pag-aari ko." Sabi ko.
"Tsk. Pasikat." Dinig kong sahi ni Steve na tumawa din naman.I just realized it now. A person change when they fall in love
Same with us.I just realized that we can do anything, throw away anything and sacrife anything...
Once a Gangster Fell Inlove.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Подростковая литератураHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...