Thirty Six :

13 1 1
                                    

Thirty Six:

- Ayesha's POV -

Lunes na naman. What happened last saturday over dinner is already forgotten. Para nga lang syang isang simpleng salu-salo. Kahapon naman sa bahay nila Steve ay para lang ding ganun ang eksena. The only difference is that his family is really energetic.

------------------ Flashback -----------------

7:30 AM

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Steve habang pababa kami ng sasakyan nya.
"Bakit naman?"
"You know, meeting my family."
"Hindi ito ang first time kaya pwede ba, wag kang mag-assume."

Natahimik sya habang ako naman ay ngingisi-ngisi lang sa likuran nya. Pero honestly, wala akong makapang kaba sa sarili ko. Maybe because I already met them before. At pakoramdam ko naman ay welcome ako.

Nang makapasok sa sala.

"Mom.."
"You're already here." nakangiting bunngad ng papa nya. Dali-dali naman akong dumiretso ng tayo at nag-bow ng kaunti.
"Good morning, Sir." being a half-japanese eh?
"Good morning hija. Just call me tito."
"Opo."
"Where's Mom, Dad?" singit ni Steve.
"Pabab--"
"Ate Yeshaaa!!" pagkalingon ko ay sya namang yakap sa akin ni Mary, 'yung kapatid nya.
"H-hi."
"Ehhhh!!! Nahihiya ka ate? Wag naaa!!"
"Ah.. h-hehehe."
"Hello, Ayesha." biglang sabi ng mama nya.
"Good morning po Tita."
"Good morning. Salamat naman at nakarating ka."
"Y-yes, of course tita."
"So, shall we eat?"

Inakay naman ako ni Steve sa dining area.

"You're okay?" bulong nya.
"Oo naman. Bakit?"
"Wala. Akala ko kinukumbulsyon ka na."
"Tss."

Kumain kami ng normal. Without sarcastic remarks okay?

"Come on Yesha, let's go to the garden."

­--------------------------------------------------------------

Kung pwede lang sana syang hindian nun, ginawa ko na.

"Hi Ayesha.." bati ni Louise nang makapasok ako sa room. Sila pa lang ni Vincent ang nandoon at 'yung dalawa naming kaklase.
"Hi."
"What's with the long face?"
"Problem?"
"Wala."

Umupo ako sa upuan ko at yumukyok doon.
I feel so tired kahit wala pa namang ginagawa. Pakiramdam ko ay ang init-init ng hininga ko at pipikit ang mga mata ko anumang oras.

Pumikit ako saglit. Mas naramdaman ko tuloy ang init ng hininga ko.

"Anong problema nyan?" dinig ko ang boses ni Mike.
"Ewan ko nga eh."

Bakit nga ba ako nagkakaganito? Ang alam ko pa naman ay may meeting mamaya sa office dahil 3rd week na ng January. Pag-uusapan na nga yata ang magaganap na Prom.

"Ayeeee---"
"Shh.." saway ni Mike.
"Bakit?"
"May problema yata 'yan."
"Problema?"
"Sino?" boses ni Dennis.
"Si Ayesha."
"What's with the commotion guys?" this time ay ang maarteng boses ni Hestia.
"Uhh, wala."

May naramdaman akong umupo sa kaliwa ko. Si Ethan siguro.

"Hey, you okay?" boses ni.. Heist?

Tinaas ko ang ulo ko at napansin kong ang labo ng paningin ko.

"Okay ka lang?"
"O-oo.."
"Ang putla mo." mahinahon ngunit nag-aalalang sabi nya.
"Normal yata 'yan." halos pabulong ko nang sabi.

Nagulat ako pero bigla na lang nyang hinawakan ang noo ko.

"Ang init mo.."
"A-ayos lang ako."
"Ayesha.."

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon