Thirty Three :
- Ayesha's POV -
Nang matapos ang lunch break, naiwan ako , 'yung kambal at si Kurt dito. May pupuntahan pa daw kasi 'yung iba. Hindi na ako nagtanong kung ano dahil ayokong maramdaman mismo sa sarili ko na nale-left behind na ako.
Tahimik lang akong naglalakad habang kasabay si Kurt, nauuna naman sa amin 'yung kambal.
"Hey, you okay?" sabi ni Kurt.
"Oo naman. Bakit?"
"Mukha ka kasing wala sa sarili."
"Ayos lang ako." nakangiting sabi ko.Hanggang sa magikatlong subject na sa hapon ay wala pa din sila kaya naman nang mag uwian na, nagtext na ako kay Steve.
-- Nasaan kayo?
Five minutes passed pero wala pa din syang reply. Hindi pa din ako umaalis ng room dahil nandoon ang mga gamit nila at isa pa, gusto ko silang hintayin. Naghintay pa ako at nagulat ako nang may kumalabog sa pintuan.
"Sorry. May nakalimutan lang." sabi ni Heist na hinihingal pang bumalik sa upuan nya. Kinuha nya ang isang notebook doon.
"Bakit nandito ka pa?" tanong nya.
"Hinihintay ko sila Ethan."
"Oh! Nakita ko sila sa Gym. Puntahan mo na dahil mukhang naghihintay sila doon." sabi nya atsaka tuluyang lumabas ng room.Gym? Ano namang ginagawa nila doon? Malapit na mag-five ng hapon kaya naman isinara ko na lang ang room, ini-lock 'yun atsaka bumaba papunta ng gym. Pagkarating ko naman doon eh tahimik, walang bakas ng mga tao at madilim dahil nasa may bandang likod na ito ng school.
Niloloko ata ako ng Heist na 'yun ah?
Tatalikod na sana ako nang may tumunog na lang biglang tugtog. Kasabay noon ay ang pagfa-flash ng isang video sa pader na walang anumang harang. Mga picture ko since nung first day. At ewan ko kung saan nakuha.
May hinala ako sa mga nangyayari, kaya naman hindi ko maiwasang kiligin sa loob-loob ko.
"You make me believe that everything is possible..." sabi ng isang pamilyar na tinig. " I lived once in the past, hide my true self behind my mask. But you, you make me understand that I can live in the present time, leaving the past behind as long as you're beside me.." unti-unti ay lumabas si Steve mula sa may hagdanan sa gilid na syang daanan para lockers ng mga players.
"Ayesha Anne Madrigal, mas maangas ka man sa akin nung una, mas magaling ka man sa akin nung una tayong nagkita, mapapayagan mo ba akong ligawan ka?" tanong nya nang makalapit sya bigla sa harapan ko na may dala dalang isang bouquet ng bulaklak. Pink Roses.Hindi ako makapagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kanya. Nakangiti sya at bakas sa mukha nya ang saya, kaba at excitement.
"Ayesha, can I court you?" ulit nya pa. Nakarinig ako ng maraming yapak ng mga tao, nakakadinig ako ng bulungan at tilian pero parang bigla na lang naglaho ang mga 'yun nang hawakan ako ni Steve sa pisngi at ngumiti sya. "Pwede ba?"
Wala sa sariling napatango ako, ilang beses.
"Gusto kong marinig." sabi nya pa.
"O-oo. S-sige, pumapayag ako." sabi ko sa maliit at mahinang boses.Ngumiti sya ng malawak saka ako hinila papalapit sa kanya na ikinabigla ko. Parang nagslow motion ang paligid ko pati na ang paghilang ginawa nya. Imaginin nyo 'yung mga napapanood nyo sa videos na parang inuulit-ulit ang isang scene, ganun mismo ang nararamdaman ko.
At wala na akong narinig lalo kundi ang tibok na lang ng puso ko nang yakapin nya ako nang mahigpit at bumulong.
"Hindi na ako magsasalita dahil ayokong mangako, dahil ayokong mapilitan. Gagawin ko na lang kung ano 'yung sa tingin kong dapat kong gawin." bulong nya sa akin.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Roman pour AdolescentsHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...