Thirty Seven:

11 0 0
                                        

Thirty Seven :

- Ayesha's POV -

"Magpahinga ka na. Good night, Ayesha." sabi nya nang maihatid nya ako sa bahay.
"Yeah. See you tomorrow."

Magsi-6 na ng gabi. Mula umaga ay nasa office lang ako. Hindi din naituloy ang meeting dahil sa akin. Bukas na lang daw dahil hindi din nila magagawa 'yun ng wala ako. What a special girl.

Pumasok naman si Steve sa klase at binalikan lang ako nung break time, lunch at uwian. Ako naman ay magdamag na natulog doon kaya kahit papaano ay bumaba ang lagnat ko.

Hindi pa din ako makapaniwalang sinabi ko ang bagay na 'yun! Parang ngayon ko lang naintindihan at narealize 'yung ginawa ko!

Pero wala naman akong pinagsisisihan doon. Dahil tulad nga ng sinabi ko, iyon din naman talaga ang gusto ko.

Pagpasok ng bahay ay ibinaba ko ang bag ko sa sofa at nagtanggal ng sapatos. Saktong pagkapasok ko ay sya namang baba din ni Dad mula sa taas.

"Ayos ka na ba Ayesha?" sabi nya na nilapitan pa ako at hinawakan ang noo ko.
"Yeah, Dad. Inalagaan naman ako ni Tita Sheena."
"Oh of course, nanay ni Steve?" tumango ako.

Pumunta kami ng kusina at agad namang naghain 'yung isang maid. Hindi ko sila madalas makita dito sa bahay -___- Kung kailan lang may kailangan, automatic silang lumalabas.

"Ayesha, bukas kung makakapasok ka ay itutuloy na ang meeting, okay? Second week of February na ang prom na magaganap at ayokong mamadali tayo."
"Okay."
"And your Mom will be here that exact week." napatingin ako sa kanya.

Bakit pakiramdam ko ay may balak pang maging star of the night nun si Mommy? Oh whatever.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko, nag-ayos ng katawan at gumawa ng assignment. Habang nagsusulat ako ng Take Home activity namin sa Filipino ay tumunog ang cellphone ko.

From Steve:

- Still up?

Napangiti naman ako nun. Parang hindi pa din nagsi-sink in sa isip ko na kami na.. err yeah, officially.

-- Yeah. Doing act.

Itinabi ko na ang mga gamit ko dahil tapos na din naman ako atsaka humiga sa kama.

- Can I call?

-- Yeah? Tapos na din naman ako.

Wala pang isang minuto ay nakita ko na ang pangalan nya sa screen.

[ Ayesha? ]

"Namiss mo ako agad?" pang-aasar ko.

[ Tss. Lumalaki na ang ulo mo. ]

"Just saying."

[ Bakit hindi ka pa matulog? ]

"Kakatapos ko nga lang gumawa ng assignment diba? Ikaw?"

[ Iniisip pa kita eh. ]

SHT.

Napangiti ako pero sinubukan kong pigilan. Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako ng nakangiti ay malalaman nya 'yun. Yeah, what a weirdo. -___-

[ Kinilig ka na? ]

"Duh, Perez? Gasgas na 'yan."

[ Gasgas ka nga pero natuwa ka naman. ]

"Yeah, whatever you say."

[ Ayesha.. ] sumeryoso ang boses nya.

"Oh?"

When A Gangster Fell InloveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon