Fifteen : Inspired?

16 0 0
                                    

Ayesha's POV


  Dumating ako sa bahay nila Vincent 5 minutes before 7. Nagbihis pa kasi ako. Ako na nga lang ang hinihintay nila eh.

  Naka balack fitted jeans ako at hindi ganun ka fit na black shirt na pinatungan ko ng black na jacket. Tapos balack boots at yung black na mask ko. Dala ko din yung motor ko. Mahal ko talaga ang black. Halata naman eh.



"Saan tayo?"  tanong ko na ngiting ngiti pa.
"Sa Crasty Village tayo. Mapuno daw kasi doon."  sabi naman ni Mike.
"Bakit biglaan toh?"
"Nung isang araw pa yan. Pero dahil masyado kang busy, hindi mo alam." sabi ni Vincent atumalis na.


  Tumingin lang ako sa kanya. Anong nangyari dun? Bakit yun badtrip?

Tumingin na lang ako kay Ethan na sya na lang naiwan sa tabi ko.


"Wag mong pansinin yun. Badtrip lang yun."


 Ngumiti na lang ako sa kanya. Tama! Masyadong maganda yung umaga ko para isipin ang topak ni Vincent. I can deal with him tomorrow.

  Pero wait! Maganda? tss.. mali yun.. Masyadong nakakapagod.. yan ang adjective para sa araw ko ngayon. Pinaandar ko na yung motor ko.


"Want to race?" hamon ko kay Ethan. Ngumisi lang sya. At binilisan ang takbo nya. 


  After almost 10 minutes, nakarating din kami doon. Ang Smug Group ang kalaban ngayon. Wag nyo na akong tanungin kung bakit Smug. May problema yatang kinakaharap ang grupong 'to. Hahaha..


"So.. Ayesha, right?"  sabi nung leader nila.
"No Im not. Im Anne. And you?"


  As I speak, I stepped forward. Ganun din naman ang ginawa nila.


"Hmm.. Im mistaken. My bad. Im Carlos."
"So what's the deal?"
"If we win, we can have a part of your school."
"And if not?"
"Your choice."


  Magsasalita pa sana ako na dapat buwagin nila ang grupo nila kung sakali nang mabawasan ang kagunggungan ng tao sa mundo dahil ayun ang lagi kong condition. Pero nagsalita si Vincent sa tabi ko.


"Your group will be a part of our group But in the lower level."
"Hmm.. cool."


  At tumalikod na sya sa amin. Lower levels. Yun yung para bang mga tauhan naman ng grupo namin. Sa grupo kasi namin, kaming lima ang parang mga leader. Pero syempre, ako ang pinaka leader. Meron pa kaming members na nasa almost 15 people. May limang babae dun.

  Tinignan ko si Vincent. Bakit kaya? Kulang na ba ang grupo namin? O baka trip nya lang yun?


"Trip ko lang Ay-- Anne. Besides, malakas ang grupo nila." sabi nya nang makahalata syang nagtataka ako.


  Tumango lang ako. Sabi na eh. Nag form na sila ng isang line. Nasa pinaka gitna si Carlos. Nasa sampu sila at kami, lima lang. Pero kakayanin 'to. Bigla na lang akong sinugod ng suntok ni Carlos. Buti at nakailag ako. Nang mapunta ako sa gilid nya, sisipa sana ako sa sikmura nya kaso nakaiwas din sya. Napansin ko ding may kalaban na din sila Vincent.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon