Twenty Six:

9 0 0
                                    

Twenty Six:

- Steve's POV -

Christmas Break...

Maga-alas otso na ng gabi at nandito ako sa park malapit sa bahay. Malamig ang lamig at napakasarap nun sa pakiramdam. Hindi maalinsangan na nakakapagpagaan ng isipin ko.

Simula nung araw na nangyari iyon sa pagitan namin nila Blake sa bahay nila Dennis, hindi na ulit kami nagkita-kita pa.. O ako lang ang hindi nila pinapakitaan?

Hindi ko pa din makalimutan ang lahat.. 'yung reaksyon nila na hindi mo malaman kung galit ba, nagugulat o naguguluhan. Nakakalito.

--------------------------------------

" Congratulations! Matagal nyo na syang kasama."

Pagkasabi nyan ni Blake, nanlambot ang mga tuhod ko. Kabaklaan mang masasabi pero 'yun talaga ang naramdaman ko eh.

Gulat na napatingin ang lahat sa akin kaya naman tumitig na lang ako sa sahig.

"A-anong sabi mo?" sabi ni Mike sa kanya at ningisian lamang sya ni Blake.
"Bakit hindi na lang sya ang tanungin nyo?"

Naramdaman ko ulit ang tingin nila sa akin pero hindi ako nagsalita. Wala akong balak magsalita dahil hindi pa ako handa. Ayoko pang balikan 'yun.

'Tss. Para akong babae neto'

"Anong sinasabi nya, Perez?" ramdam ko ang diin ng salita doon ni Vincent kaya napilitan akong magsalita at tumingin sa kanila ng isa-isa.
"Matagal na 'yun." napapabuntong-hininga ko na lang na sabi.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko."
"A-ako nga si.. si Eves. Pero simula nang mawala ang pangalan na 'yun, n-nawala na din sa isip ko ang bagay na 'yun" sabi ko naman.

Kaunting katahimikan ulit ang namagitan sa aming lahat hanggang sa basagin 'yun ng nakakainis na tawa ni Blake.

"I'm not here for the drams, Vincent."
"Tss.. sino ba may sabing pumunta ka dito?"

Nawala ang ngiti sa mukha nya at halatang napahiya sya sa sagot na 'yun ni Vincent. Maging ako ay natatawa sa loob-loob ko.

"Tss.. tigilan na 'to. Tsaka na kayo magkuwentuhan."
"Ano bang kailangan mo?" mahinahon, mahina. Pero mababakas ang galit sa salitang yun ni Ethan mula sa may hagdan. Hawak na nya ngayon si Ayesha na nakahiga sa sahig at nakapatong ang ulo sa hita niya.

'Nakakainis ang tanawing 'yun.'

"Let's end this fight, Hemishi Group." pagkasabi ni Blake ng mga salitang 'yan ay bigla na lang ulit nagdilim ang paligid. Nakakainis dahil napakaarte ng dating nun sa akin.

Kailangan ba talaga ng ganyang eksena? Tsh.

Nakadinig kami ng kalabugan sa may hagdan, sa may pwesto nila Ayesha at Ethan kaya agad na tumakbo doon sila Dennis at Vincent samantalang naiwan sa tabi namin sila Mike.

"A-ano bang nangyayari?" nagpipigil ng hikbing sabi ni Kate sa mahinang boses.

Ilang minuto pang tumagal ang mga ingay, ako naman ay natulala na lang dahil sa kung anu-anong isiping pumapasok sa isip ko.

Hanggang sa magliwanag na lang sa loob ng bahay. Nakita namin sila Ethan na nakahiga sa sahig na para bang may iniindang sakit. Hinanap agad ng mga mata ko si Ayesha pero hindi ko sya nakita. Ang tanging nakita ko ay isang papel na parang may mantsa ng dugo na nakadikit sa pader.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon