Ayesha's POV
"Hindi pa din po ba sya lumalabas ng kwarto?"
"Oo. Kahit kumain ayaw. Nag-aalala na ako."Naririnig ko ang ingay nilang lahat na parag nasa malapit lang sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Naririnig ko sila Vincent, Coleen.. Kahit sila Hestia. Tss. May lakas pa ba sila ng loob pumunta dito?
Nakaupo ako sa higaan ko, nakatingin sa makulimlim na langit. Bakit kaya ganun? When I thought everything was in their right places already, atsaka naman may panibagong problemang papasok."Yesha.." Dinig kong katok ni Steve sa pintuan.
Kahit sya, hindi ko muna kayang kaharapin. Baka mapagbuntunan ko pa. It's been a day. Simula nung gabing iyon, dumiretso lang ako sa kwarto. Hindi ko ininda ang gutom. Mas nararamdaman ko pa ang sakit ng ulo kaysa doon.
---------------
"Mrs. Madrigal?" Takang bulong ko.
Tinignan ko ang hawak kong papel. Wala ang pangalan doon. Tumingin ako sa stage at nakita ko sya doon na inaalalayan ni Dad.
My Mom who left me without any word from her, personally.
"May I call on Ms. Ayesha for this?"
Mabigat ang paang umakyat ako ng stage, sinalubong nya ako ng matamis na ngiti pero isang masamang tingn at irap lang ang naibigay ko. Hindi ko kayang makipag-plastikan.
"What's this, Dad?" Nanlilisik ang matang sabi ko.
"Your Mom."
"But why?"
"Tinitignan nya lang sila Heist."Nangibabaw ang sobrang pagkalito sakin.
"Ano namang meron sa kanila?" Napatingin sya sa akin na para bang may imporanteng bagay akong nalimutan.
"Hindi mo pa ba binabasa ang nasa folder?"
"Anong folder?"
"Yung sinabi kong folder ng profile nila Heist at Hestia."Para akong nagising bigla nang maalala ko. How could I forgot that? Pero hindi ko muna inalala 'yun at tinapos ang program. Nang makababa ay sinalubong kami nung kambal.
"Mom."sabay nilang sabi sabay halik sa pisngi ng nanay KO.
Loading...........
Ayan ang nangyari sa akin. Pero nang mag sink-in sa akin lahat.."Ha! What a nice show!"
"Ayesha.." Sabi nya.
"Tsk."
"Yesh.." Tawag naman ni Heist pero sinamaan ko sya ng tingin.Paano nila nagawang ilihim ang ganito sa akin? And how long? Gaano katagal na nilang hindi ipinaalam?!
"Ayesha." Tawag ni Dad mula sa likod ko.
Ningitian ko sila ng mapait at lumakad palayo. I'm tired of all this drama. Hindi na ba titigil? Gusto ko nang makawala sa lungkot na 'to! Ganun ba talaga kapag sumaya ka ng ilang oras, 'yung kapalit na sakit, kailangan sobra-sobra? Is that the rule of this world? Of my freaking story?
"Ayesha..." Pagkahawak nya sa braso ko ay niyakap nya ako.
Doon ako umiyak sa dibdib nya. Kahit alam kong hindi nya ako naiintindihan, gusto ko lang ng makakapagpagaan ng loob ko. Kahit sandali lang. Kahit pampalubag-loob lang. Kahit kumalma lang ako.
"Iuuwi na muna kita."
Tumango ako at naglakad kami papunta sa kotse nila. Pero nang makarating sa tapat ng bahay, dinampian ko lang sya ng halik sa pisngi at lumabas ng walang sinasabi.
Gusto kong mapag-isa.
Agad akong nagpalit at binuklat ang folder na nasa study table ko.

BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Ficção AdolescenteHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...