Thirty Nine:
"B-Blake.."
Nakita ko sya sa may dulo ng hallway sa may hagdanan papuntang first floor. Hindi ko alam kung paano syang nakapasok dito, o kung paano syang nakawala kanila Carlos.
Basta ang alam ko, hindi ko gustong makita ang presensya nya.
"Ayesha.."
Napaatras ako nang tangka syang lalapit sa akin.
"Anong kailangan mo?"
"Gusto ko lang sana humingi ng tawad."
"Tawad?"
"Yes. I want to say sorry for all the troubles I've done."Hindi ako makapagsalita.
Pagkatapos ba ng lahat ng nangyari, dapat ko pa syang patawarin?
"Paano kang nakapasok dito?"
"I talk to your Dad."
"Si Dad?"
"Ikaw na lang ang kakausapin ko. Tapos ko nang kausapin sila Vincent, nung nakaraan pa."At hindi man lang nila sinabi sa akin? Kailan pa ba matatapos ang sikretuhan sa aming lahat?
"Sumama ka muna sa akin."
"Saan?"
"Sa may labas lang."
"Bakit?"
"I want to talk to you."
"Hah! Paano naman akong makakasigurong wala kang gagawin sa akin?"
"I just want you to trust me this time, Yesha."
"Trust is a big word. Hindi ko 'yun basta-bastang naibibigay."Napabuntong-hininga sya. Sign of defeat.
"Sa office ko." sabi ko na lang.
Nauna akong umakyat at bumalik nga kami sa office ko.
"So?"
"Sorry."
"Alam kong may iba ka pang dahilan sa pagpunta dito, Blake."
"Gusto ko sanang maging myembro nyo."
"What?"
"Seryoso ako."
"At sa palagay mo, papayag ako?"
"That's why I'm asking you."Ang sarap nyang tirisin. Parang sya pa ang galit >____<
"Bakit?" napapabuntong-hininga kong sabi.
"Ha?"
"Bakit mo naisipan 'to?"
"Gusto kong mag-aral."
"At kailangan myembro ka namin para makapag-aral?"
"Ang alam nila Papa, kagrupo ko kayo. Kaya nga sila pumayag na iwan ako. At alam nilang sa Hemishi ako nag-aaral, hindi sa Castel."
"Tapos?"
"That's why, I'm asking you this."Muli akong bumuntong hininga at tinitimbang ang sinabi nya. Ayoko namang maging dahilan ng pagka-dissapointment ng mga magulang nya sa kanya.
At kung alam na pala ni Dad at nila Vincent, siguro naman wala nang problema?
"Bukas ka na lang pumasok. Wednesday pa lang naman bukas diba?"
"T-talaga?"
"Ayaw mo ba?"
"Salamat, Ayesha."At niyakap nya pa ako!!
"A-ano b--"
"Ayes--"Pagkabukas ng pinto ay naroon si Steve kasama sila Kurt at Ethan. Nakita nilang yakap-yakap ako ni Blake.
Kaya naman naitulak ko sya!
"S-Steve.."
"Sorry. Nakakaabala yata ako."Tapos umalis na sya.
"Anong problema nun?" tanong ni Blake habang nagkakamot ng ulo.
"Lagot ka, Ayesha!" sabi ni Kurt habang tumatawa at nasa tabi nya si Ethan na nakangisi lang.
"Tsk. Ano ba kasing ginagawa nyo dito?" inis na tanong ko.
"Sabi kasi ni Heist, pababa ka na. Kaya susunduin ka na ni Steve at sumama kami." sagot ni Kurt
"Tsk."Padabog akong umalis doon at dinig ko pa ang ingay ng tawa ni Kurt. Leshe! Isa pang problema 'to! >____<
Bumaba ako sa Canteen, umaasang bumalik doon si Perez kaso wala.
"Magkakasama sila ni Ethan na umakyat ah?" sabi ni Louise.
"Uhh, sige."
"May nangyari ba?"
"W-wala. Baka nagkasalisi lang kami." pagsisinungaling ko.
"Amoy LQ." nangaasar na sabi ni Dennis kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.
"Mag-uusap tayo mamaya." sabi ko naman kay Vincent.
"Sa?"
"Alam mo na 'yun."
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Teen FictionHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...