Twenty Seven:
- Ayesha's POV -
Si Eves. Namamalikmata ba ako o ano? Ang alam ko ay nawala na sya ng tuluyan sa underground two years ago. Paanong..?
Nakaitim na pangbaba sya, itim na longsleeve at may dalang itim na bag sa likuran nya. Meron din syang mask na nagtatago sa kabuuan ng mukha nya maliban sa mata nya.
Pero ang tindig nya ay may ipinapaalala sa aking lalaki.
"Lucas, hindi ko inaasahan." malamig at halatang dismayado nyang sabi.
"Kamusta na Eves? Akala ko ay nakalimutan mo na ako." nanunuya pang tanong ni Lucas.Magkakilala sila? At mukha pa silang close ah?
"Nasaan na sya?" sabi naman ni Eves.
Hindi ko alam kung ako ba ang hinahanap nya kaya naman gumawa ako ng ingay. Binangga ko ulit 'yung cabinet. Nakita kong napatingin silang pareho doon.
"Masyado pang maaga para sa reunion nyong dalawa." pagkatapos 'yan sabihin ni Lucas ay sumugod na lang sya bigla kay Eves.
Naglaban silang dalawa samantalang ako ay nanonood lang. Bakit ba kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon? Nakakairita lang talaga.
"Sya! Sya ang mahal ko! Alam mo 'yan! Pero bakit ganoon? akala ko ay tutulungan mo ako pero ikaw pa pala ang makakatuluyan nya! Anong kalase ka bang kaibigan ha?"
Nalito ako sa sinasabi ni Lucas. Dahil sa akin sya nakaturo habang napakasama ng tingin kay Eves. Nangingilid ang luha habang nakaluhod na dahil sa mga suntok at sipa ni Eves.
"Bakit ikaw pa? Bakit? HA STEVE?!"
Napatigil ako sa pagtulak sa pintuan. Nanlalaki ang matang napatingin sa kanilang dalawa. Nakita kong naluha na lang si Lucas at napatungo na lag si Eves.
Tama ba ang dinig ko? Hindi ba ako nabibingi o nagiimagine lang? S-steve? Tama ba ako ng intindi o sadyang nag-iisip lang ako ng kung ano?
Sa gitna na pagtahimik nilang dalawa, biglang pumasok si Blake. Ewan ko pero mas lalo lang akong natigilan.
"Leave this room, Lucas." sabi ni Blake na nakatingin lang kay Eves.
"Blake.."
"Wag mo kong tawagin sa pangalan ko." sabi nya at tumingin sa akin. Nagkatinginan kami kahit na maliit lang sng siwang sa pintuan.Iba talaga ang pakiramdam mo Blake. Tsk tsk.
"Nasaan si Ayesha?" matigas na sabi ni Eves.
"Ang manhid mo naman. Nasa paligid mo lang hindi mo naramdaman?" nangiinis na sabi ni Blake.Lumakad sya palapit sa kung saan ako naroon. Binuksan ang pinto at dahil nakahilig ako, nahulog ako.
'Ang sakit nun ah? Letse!'
"Ayesha!!"
Agad na napunta sa tabi ko si Eves, at hindi ko alam kung bakit nakahiga na si Blake sa gilid.
"Ayesha?"
"S-Steve?"
"Ayesha.."
"P-Perez?"
"Ayesha.."Hindi siya nagsalita dahil bigla na lang siyang hinila ni Blake at nagsuntukan na sila sa harapan ko.
"Ano?! Wala na syang pake sayo!" sigaw ni Blake sabay suntok kay Steve.. O Eves?
"Wala syang sinabi! And you have no right to treat her this way!" sigaw naman ni Steve sabay suntok ulit.
"And you have the right, ha?! Ayesha, sabihin mong galit ka sa kanya! Sabihin mo!"'Paano ko sasabihin kung may busal pa din ang bibig ko? Tss.. stupid'
Patuloy sila sa suntukan, sipaan at kung anupaman. Hindi ko namalayang nandito na sila Vincent sa tabi ko at tinatanggal ang lahat ng nasa kamay at binti ko. Tinanggal na din nila ang nasa bibig ko.
"Ayesha.." tawag ni Vincent pero hindi ko sya pinansin. Tumayo ako at pumunta sa kanilang dalawa.
Inuna kong puntahan si Blake. Agad ko syang sinuntok at natamaan sya sa panga.
"Stupid. Bastard!" sipa ulit na sinundan ko ng suntok.
"Alam mo bang halos hindi ako makahinga doon sa loob?! *suntok* and do you know na pwede akong himatayin dahil sa katangahan mo? *sipa* You're such a stupid guy! *suntok ulit* "Halos hindi na sya makatayo dahil sa sobrang sakit ng katawan. Ibinuhos ko kasi lahat ng galit, kalituhan at frustration ko sa mga suntok at sipa ko sa kanya.
"Tama na Yesh.." sabi ni Steve na syang humawak sa braso ko.
Tinignan ko sya ng masama. Naiinis ako! Pakiramdam ko kasi, pinagtaguan nila akong lahat! Pakiramdam ko wala akong naging kakampi sa kanilang lahat.
Hindi nya siguro inasahan pero bigla ko na lang syang sinampal kaya napabaling ang ulo nya sa tagiliran.
"A-Ayesha.." sabi nya.
"Y-you! Sino ka ha? SINO KA?! SI EVES? SI STEVE? SINO KA BA?!" sabi ko nang nangingilid na ang luha.Dahil siguro sa sobrang inis, umalis ako doon! Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na sila Vincent na ang umasikaso kay Blake. Ako naman ay umalis at lumabas ng bahay.
"Ayesha.."
'Tama na muna. Hindi ko na alam ang papaniwalaan. Una. 'yung kanila Coleen. At ito naman, sya si Eves?'
lw/fp
![](https://img.wattpad.com/cover/66820850-288-k652172.jpg)
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Dla nastolatkówHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...