Twenty Two :

10 0 0
                                    

Ayesha's POV

Two weeks.. sa loob ng dalawang linggo, punung puno ng tanong ang isip ko.

Kung mali ba yung ginagawa ko? Kung masyado na ba akong nagpapaka superhero? Kung masyado na ba akong OA? At kahit sino, wala man lang makasagot sa akin.

Its hard knowing that you only have yourself to cope up with pain. Ang hirap. Sobrang hirap.

Dumiretso ako ng comfort room. Hindi agad ako sumunod kay Blake. Ganito naman lagi eh. Mag uutos sya, hindi ako susunod. Hindi ako sumali sa kanila para lang sumunod sa mga kagustuhan nya.

Gusto ko nang umalis sa grupo nya. At gagawin ko na yun. Masyado nang mahirap. Masyado nang nasasaktan yung katauhan ko.

"Ayesha?"

Agad kong pinunasan yung luha ko. Tsk.. wrong timing ka kahit kailan,Coleen. Kahit kailan.

"Umiiyak ka ba?" Sabi nya pa habang pilit sinisilip yung mukha ko.
"Tss.. wala kang pakialam."
"Ayesha.."
"Excuse me."

Umalis ako sa harapan nya at naglakad papuntang cafeteria. Tss.. nakakainis.

Bigla na lang may nakabangga ako.

"Aray! Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!" Angil ko.
"Hoy miss! Ikaw kaya itong mukhang ewan dyan na nakatulala!"
"Aba't! Hoy ang lakas naman ng loob mong sumagot sa akin!"

Pinagtitinginan na kami dito ng mga estudyante. Nasa harapan kasi kami ng pinto mismo ng cafeteria. Ang kapal naman kasi ng lalaking 'to! Tsk!

"Teka.. pamilyar ka sa akin!" Sabi nya pa.
"Oh? Eh ano naman?"

Lumakad na ako kaso hinila nya ako sa braso.

"ANO B--"
"Ikaw yung babaeng yun! Yung sumigaw noon kaya napagkamalan akong manyak nung kasama mo!"

Kumunot ang noo ko. Pilit inaalala yung sinasabi nya.

Teka.. sya ba yung??

Sya yung lalaking mukhang tanga nung sinusundan ko noon si Steve. Tsk.

"Oh eh ano naman?" Sabi ko naman.
"Hoy hindi ka pa nakakapagbayad sa ginawa mo!"
"Hindi ako interesado."

At tuluyan ko na syang iniwan. Dumiretso ako sa counter para kumuha ng pagkain ko.

"Isang spaghetti."
"Isang spaghetti."

Napatingin ako. Si Steve.

"Oh Ayesha..." nakangiti sya pero yung mata nya, ang lungkot lungkot.

Inirapan ko na lang sya. At tahimik na nagpunta sa table ko. Hindi ako sumama kanila Blake dahil may babae na naman silang kasama.

"I heard, nakaaway nya daw si Kurt." Dinig kong sabi ng isang estudyante.
"Hindi din kasi marunong gumalang si Kurt. Duh? Si Ayesha yun noh!"

Tss -__- So Kurt pala ang pangalan nung lalaking yun. Tsk. Panira ng umaga.

"Ayesha!"

Lumingon ako sa kaharap na table ko. Sila Vincent. Kasama ang barkada.

Tinignan ko lang sya. At nagpatuloy ako sa pagkain.

Nagulat na lang ako nang umupo si Ethan sa harapan ko. Tinignan ko sya.

"Hi." Sabi nya habang nakangiti.

Hindi ko sya pinansin.

"Kamusta?"
"Good." Kimi kong sagot.
"Wala kang kasabay?"

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon