Ayesha's POV
"Ayesha!" Sigaw nilang lahat. Nakita ko naman ang mukha ni Mom na gulat na gulat na parang natatakot.
Tinignan ko ang kamay ko at nakita ang dugo mula doon. Masakit. Ikaw kaya makabasag ng baso sa kamay mo tapos hinagis mo pa bigla, hindi ka masasaktan?
"Ayesha! Ano ba!" Sigaw ni Dad.
Naipon silang apat nung kambal sa harapan ko habang pumuwesto naman sa tabi ko si Steve. Nag-stay yata ang iba sa labas at walang nalalamang may nangyayari na dito sa loob.
Naiinis ako sa nakikita ko. Pakiramdam ko ay mas ipinagduduldulan pa nila ang katotohanan sa akin. Na mas masaya na sila sa ganitong ayos. 'Yung sila buo, habang ako, habangbuhay nang may sugat dahil sa kanila."H-how could you?" Hindi ko na napigilan ang luha ko nang magsalita ako. Sumasakit ang dibdib ko. Gusto kong sumigaw, magwala. Pero iniisip kong 'yung kahihiyan ko na lang ang maipagmamalaki ko sa kanila. At 'yun na lang ang ititira ko sa sarili ko.
"Ayesha, anak.." Sabi ni Mom.
"Hindi ba ako sapat sayo Mom? Na pinili mo pa akong iwan para sa kanila? Fine! Basagulera ako! Hindi ako matalino katulad nila Coleen, hindi ako kasing-ganda ni Hestia, hindi ako kasing-responsable n Heist! At hindi din ako ganun kadaling i-approach katulad ng iba! Pero kailangan ba ganito? Kailangan mo ba akong iwan nang wala man lang pasabi? Na wala ka man lang idadahilan? Ha?"Naramdaman ko ang paghawak ni Steve sa balikat ko pero kahit iyon, hindi ako nagawang pakalmahin man lang. Pakiramdam ko, kahit na nasa likuran ko sya, mag-isa pa din ako.
"Ayesha.. Hindi naman sa ganun."
"Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo. Gaya na lang nung hindi mo kinailangan 'yung linawin 'yung sarili mo sa akin noon."Hindi ko na hinayaan pang makapag-salita ang kahit isa sa kanila. Dire-diretso akong lumabas ng bahay. Agad naman silang lumapit na nag-aabang na pala sa may gate ng bahay.
"Tara kina Dennis." Yaya ni Vincent. Sumakay kami sa tricycle na nakaabang na din. Mukhang nai-plano na nila ito kanina pa. Akala ko naman ay wala silang alam.
Hanggang sa makapason ng bahay nila ay tahimik pa din kami. Sila Coleen, Louise at Dennis ang napunta sa kusina para maghanda ng kakainin. Si Vincent at Mike naman ay nagsabing magpapahangin lang sa labas.
Tanging si Ethan kang ang natira sa tabi ko na katulad ng nakasanayan ay tahimik lang at parang walang pakialam sa mundo. Sa isip-isip ko ay nagpapasalamat ako sa kanila, dahil naiintindihan nilang gusto kong mapag-isa kahit ilang minuto lang.
"Ayesha?" Dinig ko ang boses ni Steve. Nang lingunin ko siya ay nakita ko sa likuran niya si Kurt, nakangisi pero halata ang pag-aalala sa mukha.
"Steve.. Kurt.." Pilit ang ngiting sabi ko.Pumunta sa harapan ko si Steve na may hawak na bulak at gasa. Nang makita ko 'yun ay noon lang bumalik ang sakit na naramdaman ko kanina. Pero hindi ko ipinakitang nasasaktan ako dahil doon. I need to look strong, even for this one time.
![](https://img.wattpad.com/cover/66820850-288-k652172.jpg)
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Teen FictionHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...