Twenty : Truths

14 0 0
                                    

Ayesha's POV

Malapit nang mag seven ng gabi. Ngayon lang natapos yung School Fest. Pinaka last na nagperform ang Battle of the Bands. At ako? Buong maghapon lang na tumambay sa bleachers. Kung tatayo man ako, lilipat lang din ako ng pwesto.

Wala din syempre akong kasama. Sasamahan dapat ako ni Ethan pero hindi ako pumayag. Alam ko namang gusto nya ding enjoyin ang Festival na 'to. Kung tatabi sya sa akin, baka ugatin pa sya.

Bilang mabait at masunuring anak, at bilang may ari ng school na ito, sinunod ko na lang muna si Dad na i check ko ang buong school kung wala nang tao.

Medyo umuulan pa nga eh kaya alam kong magpapaulan ako mamaya. Pinauna ko na si Dad dahil pagod na sya at halatang may problema.

Naglalakad lakad na ako at chine check ang bawat room. Medyo nakakatakot dahil sa lamig ng hangin tapos madilim pa sa corridors.

Nang may madinig ako sa may Theatre Room.

Papasok na sana ako nang makita kong nandun ang grupo, si Louise, Coleen at Steve.

Nakabukas din ang ilaw sa stage dahil doon sila nakaupo.

"Sigurado ba kayong hindi sya maglilibot?" Tanong ni Louise.
"Hindi yan! Kapag inuutusan sya dati ng Dad nya, ni isang beses, hindi nya yun ginawa." Sagot naman ni Vincent.

Ano pa bang ginagawa nila dito ng ganitong oras? Gusto ko na sanang magpakita pero nanatili ako sa pwesto ko sa likod ng pinto.
Ewan ko ba pero merong nagtutulak sa akin na makinig lang sa kanila.

"So ano na?" Simula ni Coleen.
"Ano pa bang napapansin nyo?" Sabi ni Vincent.
"She's been cold and distant sa akin." Sabi ni Coleen.
"Sa akin din. Since nang matapos yung huling pagkikita nila nung Blake." Sabi naman ni Steve.
"And I think nasasaktan sya dahil sa inyo, Coleen at Steve." Sabi din ni Ethan.

Ano ba talagang plano nila? Ano ba talagabg meron?

"Sa tingin ko may problema sya. At ayaw nya yung sabihin. Alam na ba nya?" Sabi ni Mike.
"Sa palagay ko hindi pa." Sabi naman ni Dennis.
"Kung hindi nya pa alam na may iba nang pamilya ang mama nya kaya hindi na sya kino contact nito, ibig sabihin iba ang dahilan ng pagtataboy nya sa atin." Sabi ni Vincent.

S-si Mom? May iba nang.. pamilya? Kaya ba hindi na nya ako kino contact? Yun ba yung parang problema ni Dad since sabihin nyang na extend si Mom?

  O sinabi lang ni Dad na naextend si Mom para hindi ako masaktan?

"Napansin ko ding.. pilit nya kaming pinaglalapit ni Coleen." Sabi ni Steve.
"Maybe she really have a problem."

Hindi! Hindi nya 'to dapat malaman! Hindi nila dapat malaman ang tungkol kay Blake.

Ilang minuto pa ang itinagal ng usapan nila. At alam kong ako ang pinaguusapan nila.

Nang umalis sila, naiwan sila Coleen at Steve.

"So ano na?" Sabi ni Coleen.
"You heard it. They said na gusto na ako ni Ayesha." Sagot naman ni Steve.
"So panalo ako diba?"
"Yeah. Obviously panalo ka sa pustahan natin."

At umalis na sila.

Napaupo na lang ako. Bakit ba ang dami kong nalaman ngayong araw?

Bakit ganito? Akala ko kino comfort talaga ako ni Ethan? Akala ko lang pala yun. Ginawa nya lang yun para.. para malaman kung anong itinatago ko.

Partly mali ako. Pero gusto ko lang naman na ako na lang yung masaktan eh.

Pero bakit ganun? Sobra sobra naman yata 'to! Bakit ang sakit naman yata masyado?

  Bakit sila, alam nila na may iba na si Mom? Bakit? Kaya ba sinabi ni Steve na pwede kong ituring na nanay yung nanay nya kasi alam na nya? Bakit nila tinago? Nagmumukha akong tanga kapag nagda drama sa kanila tapos malalaman kong alam pala nila yung totoong dahilan?

  At totoo ba.. na pinagpustahan ako ni Coleen at Steve? Ng bestfriend ko at ng taong mahal ko?

Bakit ba sobra sobra?! Ano bang ginawa kong mali?! Pinipilit kong ako yung magsakripisyo sa kanila pero bakit.. bakit kailangan pa nila akong lokohin? Bakit kailangan pa nila akong gaguhin?!

Sa halo halong sama ng loob, galit, inis at tanong, wala akong ginawa buing isang oras kundi umiyak. Umiyak ng umiyak!

Kailan ba 'to titigil?!

Tumayo ako nang makita ko sa cellphone ko na alas otso medya na. Madami na ding missed call si Dad at si Ethan.

Hindi ko na alam ngayon kung sinong papanigan. Hindi ko na alam kung sino pang pwede kong pagkatiwalaan.

Feeling ko, mag isa na lang ako.



Umuwi ako ng basang basa dahil sa ulan.

"Ayesha! Bakit hindi mo sinasagot yung taw--"
"Totoo ba Dad?"
"Ha?"
"Totoo ba?! TOTOO BANG MAY IBA NA SI MOM? HA? TOTOO BA?"

For the nth time this day, tumulo na naman yung luha ko.

"Tama ka. Pero paano mo nalaman? Sinabi ba sayo nila Vince?" Sabi nya nang nakatungo ang ulo.
"All this time Dad, alam mo na pala! All this time, alam mo na alam din nila Vincent! And yet.. you didn't told me?!"
"Sa kanila ko lang sinabi dahil alam kong.. magagawa nila yun ng di ka nasasaktan ng sobra."
"Ikaw?! Ikaw pa ang nagsabi sa kanila?! Bakit?! Sinabi mo sa iba pero sa sarili mong anak hindi mo nagawa! At anong hindi masasaktan Dad?! Sa lagay ba na 'to hindi pa ako nasasaktan?! Ha Dad?"

  Umiiyak pa din ako. At si Dad alam kong nahihirapan na din. Pero ang sakit lang na sya pala mismo ang nagsabi sa ibang tao pero sa akin na anak nya, hindi nya yun sinabi!

"Im sorry Ayesha." Sabi nya pa.
"May magagawa pa ba yung sorry mo Dad? Nasaktan na ako oh! Buti sana kung agad mong sinabi sa akin eh! Para kahit papano, nang malaman ko, may karamay ako. Nagdadamayan tayo. Pero hindi. You chose to be hurt alone. And you choose to hurt me this way."

Umakyat ako ng kwarto ko. Nagpalit muna ako ng damit at kinuha ang phone ko.

To Vince, Dennis, Ethan and Mike.

  --  I dont want to be part of the group anymore. Im quitting as your leader.

Isinend ko yun. Wala pang isang oras naririnig ko na sila sa labas ng pinto ko.

"Ayesha! Ano bang problema?" Tawag ni Vincent.

Tanga ba sya? Grabe! Para namang hindi nya pa alam! Para namang hindi pa sinabi yan ni Dad!

I texted him...

To Blake

--  Meet me tomorrow, 5:00 am at Eastville Park.


Then I sleep. Hinayaan ko sila sa labas. Walang susi sa labas ng kwarto ko dahil kinuha ko kanina.

Gusto ko munang magpahinga. Gusto kong itahimik muna yung utak ko.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon