Thirty Five :

7 0 0
                                    

- Ayesha's POV -

Alas-syete na. Nadidinig ko na sa baba ang ingay nilang lahat.

Nasa harap ako ng salamin, tinitignan ang kabuuan ko.

Nakadress ako na black na may white linings habang ang paa ko naman ay sinuutan ko ng isang simpleng flat doll shoes. Ang buhok ko ay inilugay ko lang at pinatungan ng isang clip sa gilid. Maybe I'm ready?

*Tok tok*

"Ms. Ayesha, bumaba na daw po kayo sabi ng Dad nyo."

Huminga ako ng malalim. Pangalawang beses nang may kumakatok sa pintuan ko. Baka akyatin na ako ni Dad dito kapag hindi pa ako bumaba.

Bakit ba kasi ako kinakabahan? Tsk! Abnormal kasi 'yun si Perez! Kung anu-anong sinabi sa akin kanina -.- Pakiramdam ko tuloy, wala ako sa sarili ko ngayon.

Tumingin pa muna ulit ako sa salamin atsaka lumabas ng pinto. Tsk! Bakit ba kasi naisama pa dito si Hestia?



"Ayesha.."

Nanlaki ang mga mata ko at napako sa tapat ng kwarto ko.

"S-Steve.."
"Para ka namang nakakita ng multo nyan." nang-aasar na sabi nya.
"W-what?"
"Tara na." nakangiting sabi nya habang iniaalok ang kamay nya sa akin.

Nakasimangot ko namang kinuha 'yun at sabay kaming bumaba.

"Wow! Grand entrance pala ang gusto mo Ayesha!" sabi ni Dennis na mukhang bumalik na talaga sa usual self nya. Akala ko kasi nagkapalit na sila ng katauhan ni Mike. -.-

"Manahimik ka at baka palayasin kita ngayon din." pagtataray ko.
"Hi Ayesha.." dinig kong sabi ni Kurt.
"Oh Kurt! Salamat sa pagpunta."
"It's my pleasure." dumiin ang hawak ni Steve sa kamay ko.
"English english pa. Tss." bulong nya.
"Ayesha Anne.."
"Heist." nakangiting bati ko kaya naman hinila ako ng Steve papuntang dining area.
"Bastos ka? Kausap ko pa 'yung tao diba?" kunwaring galit kong sabi.
"Manhid ka? Kita nang nagseselos ako sa tao, ngingitian mo pa?" sabi nya naman at pabatong binitiwan ang kamay ko kaya naman napatigil ako sa paglalakad.
"What the hell?" inis na bulong ko.

Tinotoyo na naman ba sya? Baka sapakin ko sya ng hindi nya inaasahan? Pshh.

"Tara na Ayesha.." tawag ni Heist kaya naman sumunod ako sa kanya. Inalalayan nya pa akong umupo.

Sa kabisera nakaupo si Dad, ako sa kanan nya, sa kaliwa si Vincent. Katabi nya si Louise, Heist, Hestia at Dennis. Nasa tabi ko naman si Steve, Coleen, Ethan at Mike habang nasa isang dulo si Kurt.

"Isang lapit mo pa sa kanya, makakatikim sya sa akin." bulong ni Steve sa akin.
"Sige lang. Mag-inarte ka pa. Makakatikim ka." naiinis ko ding bulong sa kanya.
"Oh so everyone's here? Let's eat. Walang mahihiya." biglang sulpot ni Dad at umupo agad sa upuan.

"Oh kumain ka ng madami. Kaya ka payat dahil ang konti ng kinakain mo." lagay ni Steve sa plato ko ng NAPAKADAMING kanin.
"Ito Ayesha. Good for the health." abot naman ni Heist nang gulay sa akin. Sa glid ng mata ko ay nakita kong sinusundan ni Dad ng tingin ang ginagawa ni Heist na kahit hirap na hirap dahil sa layo ng pwesto nya ay pinipilit akong bigyan ng pagkain. Napapangiti pa sya kaya naman mas lalo akong nagtaka.
"Sa kanya ka na naman nakatingin." bulong na naman ni Perez.
"Pwede ba?"
"Ehem.." si Dad. "So, how's life kids?"
"We're doing good, Tito." sabi ni Vincent.
"How good is that?"
"Wala kaming problema sa school, Tito."
"Mabuti naman kung ganoon. Ang grupo?"

Hindi na ako nagtaka sa tanong na iyon. Alam naman ni Dad ang tungkol doon eh.

"Wala na naman pong nangyari matapos nung huli." sabi pa ni Vincent.
"And what about the two of you?" tinignan nya pa si Louise na agad namula.
"We're t-together, Tito." sabi ni Louise.
"Mabuti naman at natuloy na ang love story nyo, ano?" biro ni Dad kaya nagbungisngisan sila Mike. " Kayo, Coleen?"
"I'm also doing good Tito."
"Alam ko naman 'yun. What's new with that? Ang ibig kong sabihin, wala ka pa bang boyfriend?"
"W-wala po T--"
"Magkakaroon pa lang po." sabat ni Ethan kaya napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon