Nineteen : I dont...

10 0 0
                                    

Ayesha's POV

As expected, nagising kami ng may hang over. Pero syempre, ako ang pinakamalala. Sanay na kasi silang lahat mag inom. Ako kasi minsan lang. At talagang napadami ako.

Nagising ako sa kwarto ni Dennis nang nakabihis na.

No malice. Sure akong si Louise or Coleen ang nagpalit sa akin. 7 na din ng umaga. Wala namang schedule para sa akin. I can go to school anytime I wanted. Pero syempre, School Fest pa ngayon.

Bumaba na ako ng sala at nakita ko silang lima doon nila Louise na nagkakape.

"Gising ka na pala." Sabi ni Mike.
"Hinde. Sleep walk lang 'to."
"Tss. Kumain ka na nga lang doon!" Sabi nya.

Ayaw talaga nya nang nababara sya.

"Anong pagkain?" Sabi ko habang papunta ng kusina. Pero imbis sila ang marinig ko..
"Nagluto ako ng fried rice Yesh."
"Oh nandito ka pala."

Sabi ko kay Coleen.
Ngumiti lang sya at pinaghain ako.

"Wag na. Lalabas na din ako." Sabi ko at lumabas ng kusina.

Masama ba? Sorry.
Dahil yun lang yung naiisip kong paraan para maging masaya lahat. Para wala nang masaktan kundi ako.

Kapag naging sila na, titigilan na ng Black Ace si Steve. At pagkatapos, pwede ko nang labanan sila Blake mag isa. In that way, ako lang yung gagalaw at masasaktan.

Naglalakad na ako papunta ng school nang may umakbay bigla sa akin na syang ikinagulat ko.

"Hi Ayesha."
"Get off me." I said through gritted teeth.
"Ayoko nga."
"Bibitaw ka o ibabalibag kita?"
"Wala."

Bigla ko syang ibinalibag kaya napa aray na lang sya.

"We're not close Steve. So quit pestering me."

Then I walked away.

Paano nga ba dadali ang lahat ng plano ko, kung lagi naman silang nandyan. At kung alam kong kapag ginawa ko yun, hindi ko kakayanin.

Pumasok ako ng room nang nakasimangot. Ang aga aga, binubwisit ako.

Nakita ko ding pumasok si Steve na hinihimas yung ulo nya. Tss. Bagay lang sa kanya yun. Para tigilan na nya ako at para hindi na maging komplikado ang lahat.

Dumiretso sya sa upuan nya sa harapan. Oo, ipinaayos ko kay Ms. Clara yung seating arrangement. At pinatanggal ko ang pesteng buddy system na yun.

Nagulat ako nang biglang may humampas na libro sa lamesa ko. Tumingin ako sa taong yun at tinaasan sya ng kilay.

"Anong problema mo,Perez?" Sabi ko sa kanya.
"Mag usap tayo."
"Para saan? Walang kakwenta kwenta na naman yan." Sabi ko.
"Basta! Mag uusap tayo!" Pasigaw nyang sabi.
"Eh bakit nga?!" Pasigaw ko ding sabi.

Automatic na nawalan ng tao ang room.

Sanay na yan. Sa loob ng two weeks, kapag sumisigaw na ako, bigla akong magwawala. At iyon nga.. lalabas na agad sila dahil isang beses, nang may naiwan sa room nasapak ko.

"Bakit ba ayaw mo?" Pangungulit nya pa.
"Ayoko lang."
"Bakit nga? Please, mag usap naman tayo oh!"
"Tantanan mo ako Perez. Baka gusto mo na namang mabalibag."
"Ohhh?? Kaya mo?"

Nag lean forward sya sa akin.

"Y-yeah. Bakit naman hindi?" Naiilang ako sa pwesto namin.
"Then do it."

Pagkasabi nya nun, bigla akong natulala. Pero after some seconds, ayun.. sinipa ko sya.

"Shut up. And dont go near me again."

Tumayo ako. Pumunta ako ng office ko. Nasalubong ko pa nga sila Vincent pero hindi ko na lang sila pinansin. Tsk! Nakakairita.

*tok tok*

"Sino ba yan?!"

Kakauopo ko lang eh!! Lagi pa namang nakalock ang pintuan kaya kelangan ko pang tumayo >___<

Tatayo na sana ako nang marinig ko yung boses nya.

"Please Ayesha?"

Hindi ko alam pero nang marinig ko na talagang nagmamakaawa na sya, binuksan ko yung pinto at pinapasok sya.

"Ano bang kailangan mo?" Taray ko.
"Ikaw. Bakit na hindi mo ako pinapansin? Bakit ang cold mo na kay Coleen?"

Akala ko pa naman yung tungkol sa akin ang ipinunta nya dito. Si Coleen na naman pala.
Siguro nga hindi totoo yung sinabi niya noong last na nahuli sya nila Blake. Siguro para kay Coleen talaga ang mga salitang yun.

"Wala ka na dun. Besides, ikaw nagsabi diba? Hanggang matapos lang ang play. Tapos na Steve. Wala na ding buddy system kaya hindi mo na kailangang maging mabait."
"Pero hindi ganun ang nangyari!! Simula nung.. nung matapos yung gulong yun, umiwas ka na! Bago pa matapos yun play, lumalayo ka na."
"And so?"
"Damn it! Hindi mo ba narinig yung sinabi ko nung araw na yun?! I want you! I like you so dmn much Ayesha Anne!"

Tinignan ko lang sya. Gustong gusto kong matuwa. Gustong gusto ko ngumiti.

Pero naisip ko si Blake. Bakit ba ganito? Kailangan mag sakripisyo ako. Kailangan ko syang itaboy.

Gagawin ko kung yun lang yung makakapagligtas sa kanya.

"I dont care. Leave me alone. I dont need you. I dont even like you."

Tsaka ako lumabas. Hindi ako mapirmi sa iisang lugar aba!

Pumunta na lang ako sa rooftop at doon umiyak ng umiyak. Bwiset!! Ano namang pakialam ko diba? Crush ko lang sya. And a super crush shouldn't hurt like this. Dapat hindi ganito kasakit!!

Somehow, alam ko naman. Alam ko naman na mas malalim na 'to sa crush. Alam ko naman. And I dont like it.

"Ayesha?"

Agad agad kong pinunasan ang luha ko pero no use, tuloy tuloy pa din yung agos nya. Tuloy tuloy pa din yung pagtulo nya.

"Okay ka lang?"
"Y-yeah."
"Hinahanap ka nila Vincent."

Tumango lang ako. Pero umiiyak pa din ako. Nakakahiya tuloy.

"Tumahan ka na! Pwede mo naman akong gawing comforter mo muna eh."

Nung point na yun, umiyak na lang ako ng parang bata. Niyakap ko sya ng mahigpit at humagulgol.

"Ang hirap lang kasi Ethan eh! Ang sakit din! Mali kasi.. na mahalin ko sya. Mali kasi na .. mas lalo pa kaming magkalapit."

Naalala ko lahat ng nangyari sa amin ni Steve. Ilang buwan pa lang kami magkakilala eh. Isa? O dalawa? Pero sa kaunting panahon na yun, minahal ko sya.

Kung dati naiinis ako kapag inaasar nya ako, kapag binubwisit nya ako at kapag pinaglalapit kami, ngayon naman, naiinis ako kapag nararamdaman kong wala lang ako sa kanya. Kaya nga ang saya ko eh! Ang saya ko nung araw na sinabi nyang gusto nya ako. Nung araw na umamin sya.

Pero kasi hindi pwede. Mas pipiliin ko na lang na maging miserable para maging masaya sila. Para hindi na sya masaktan pa ulit.
Ilang beses na ba syang nasaktan ng dahil sa existence ng grupo namin? Ilang beses na ba?

"Whatever it is Ayesha, I trust your decision. Tumahan ka na at magsasalita ka daw sa stage sabi ni Tito."

Ten minutes pa siguro ang lumipas para kumalma ako. Para matapos ako sa drama scheme ko.

Pagkatapos, bumaba na kami.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon