Thirty Eight:
- Ayesha's POV -
Saktong pagkapasok namin ng gate ay pagdating din nila Mike at Dennis.
"Woah! What's the meaning of that?!" nagugulat pero natutuwang sabi ni Dennis habang nakatingin sa kamay namin ni Steve.
Sa hiya at gulat ay binitiwan ko 'yun bigla kaya naman nilingon ako ni Steve.
"Wag ka nang mahiya, Yesha. Halata namang kayo na." sabi ni Mike na nakangisi.
"Oo nga. Tsaka wala kang dapat ikahiya. We're rooting for this from the very start!" nang-aasar na sabi na naman ni Dennis.Napatungo na lang ako dahil ramdam kong namumula ang mukha ko. Tsk!
Kinuha ulit ni Steve ang kamay ko kaya naman tumingin ako sa kanya. Nakangiti sya."Wag ka mahiya. Wala naman tayong ginagawang masama eh."
Inirapan ko na lang sya at hinayaan ang kamay nya sa kamay ko. Napangiti din naman ako ng palihim.
Habang naglalakad sa hallway ay mapapansin ang tinginan ng mga estudyante. Bubulong sila tapos titingin sa amin. Tsk! Admirers ng mga 'to -____-
Pagkapasok naman ng room ay nandoon na ang grupo maging 'yung kambal.
"So... is there anything we should know?" sabi ni Louise, halatang nang-aasar din.
"Whatever you say." nagmamataray na sabi ko.
"We should celebrate later." maarteng sabi naman ni Hestia.
"Oo nga. Matagal din 'to ah!" sabat ni Vincent.Umupo na lang ako sa upuan ko at tahimik na pinagmasdan ang paligid sa labas ng bintana.
Para bang ang perfect ng mga pangyayari ngayon. Natatakot tuloy ako na may kapalit na naman 'tong hindi maganda.
"May problema ka?" tanong ni Ethan.
"Wala naman."
"How come parang ang lalim ng iniisip mo?"
"Wala 'to."
"Ayesha! Hindi mo ba ako ililipat ng pwesto?" nakangising sabi ni Steve.
"Bakit naman kita ililipat?"
"Para tabi tayo."
"At para landiin mo ako? No thanks." sarkastiko kong sabi.Tama na nasa tabi sya ni Coleen. Ayoko naman na porket kami na eh lagi na kaming magkadikit -___-
"Gusto mo ba lumipat?" tanong ko kay Ethan.
"Naah. Okay na ako dito."Napansin kong hindi sila nagkikibuan ni Coleen pero pasimple syang tumitingin sa babae. Magkaaway ba sila? Pero bakit? Eh alam ko nga medyo nagkakamabutihan na sila.
Nagkibit balikat na lang ako at hindi na nagtanong. Pakiramdam ko kasi ay wala ako sa posisyon para tanungin sila tungkol sa mga bagay na iyon.
Nagsimula ang klase namin at nang mag-alas nuwebe na ay saktong break time din namin.
"Punta na ako sa office." paalam ko sa kanila habang inaayos ang gamit ko.
"May meeting ka nga pala." sabi ni Coleen.
"Yeah. Hintayin nyo ako ng lunch. Sasabay ako."
"Dumiretso ka na lang ng canteen."
"Sige. Mauna na ako." matapos ayusin ang bag ko ay tumayo na ako.Aalis na sana ako nang hawakan ni Steve ang braso ko.
"Ihahatid na kita."
"Err.. sige."Narinig ko ang simpleng pang-aasar nila Louise kaya naman nanguna na akong maglakad. Hindi talaga ako sanay sa pinapakitang affection ni Steve sa akin. Parang hindi totoo eh. -___-
"May problema ba Ayesha?" tanong nya nang nasa may Quadrangle na kami.
"Wala ah."
"Eh bakit parang umiiwas ka?"
"H-hindi ah!"
"Eh bakit hindi ka makatingin sa akin."Huminga ako ng malalim at huminto sa may ilalim ng puno.
"Wala ngang problema." seryoso kong sabi habang nakatingin sa mata nya.
"Eh bakit parang umiiwas ka?" hinawakan ko ang kamay nya.
"Hindi lang talaga ako sanay."
"Tsk. Yeah. Sorry for doing everything fast."
"Hindi naman sa ganun." huminga ulit ako ng malalim. "Adjustment lang. Hindi lang talaga ako sanay dahil.. una kita eh." nadinig ko ang mahinang tawa nya.
"Oo na, oo na. Umalis ka na nga. Anong oras na." tinulak nya pa ako ng mahina.
"Tsk! Bipolar!"
"At least mahal ka."
"Oh whatever."
"Bilisan mo!"
"Eto na nga eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/66820850-288-k652172.jpg)
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Novela JuvenilHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...