Twenty Eight:
- Ayesha's POV -
Nakaupo ako sa may park. 'Yung park lang na malapit sa may subdivision namin. Naguguluhan ako eh. Oo, dapat sa panahong 'to, kasama ko sila Vince. Dapat inaatupag ko ang walanghiyang Blake na 'yun.
Pero parang nawalan ako bigla ng interes kay Blake. Kasi ang gumugulo na lang sa isip ko ay si Steve. Sya na naman.
Can you believe it? Naabala ako dati at muntikan nang mapahamak dahil sa kanya, para mailigtas sya. Wala naman akong balak na isumbat sa kanya 'yun eh. Wala naman akong balak na ipamukha sa kanyang ako 'yung taong nagliligtas sa kanya kapag nasa panganib sya. Wala.
Pero bakit naman sya ganun? All this time, may kaya naman pala syang gawin. All this time, kaya naman pala nya ang sarili nya. Pero bakit hindi man lang nya sinabi?! Nakakainis kasi pakiramdam ko, hindi ko kilala 'yung taong minahal ko.
"Ayesha?" dinig kong sabi ng pamilyar na boses.
Pinunasan ko ang luha kong tumulo na pala atsaka humarap sa kanya.
"Kurt.."
"Kamusta na? Saan ka ba nagpunta? Ang tagal mong nawala ah? Wala ka pa sa Christmas Party."Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang ulit namasa 'yung mata ko. Tsk
'Get your pieces together, Ayesha Anne. Nagmumukha kang lampa.'
"Ah, wala. Wala."
"Pwede bang makiupo?"Tumango na lang ako sa kanya kaya naupo sya sa tabi ko dito sa bench.
"Alam mo bang delikado na nandito ka mag isa kapag madilim na?"
"Malapit na ang sunrise. Wag kang pabida dyan." sabi ko ng nang aasar.
"Tss.. Pasko ngayon. Hindi ba dapat kasama mo ang family mo?"Napangiti ako ng mapait. Oo nga pala, hindi lang si Steve ang buhay ko. Hindi lang si Steve ang dapat na harapin kong problema.
Wala na nga pala akong pamilya dahil wala na si Mom. Maybe she's living like she's in heaven with her new family. Tsk.
"Wala akong pamilya." sabi ko.
"Pwede ba 'yun?" sabi naman nya.
"Oo. Ako nga diba, wala?"
"Paano mo naman nasabing wala?"
"My mom left us. Si Dad na lang ang natitira."
"Eh di meron pa din. Kahit wala na ang nanay mo, pamilya mo pa din ang papa mo."Napatingin ako sa kanya, tapos napabuntong-hininga
"Uuwi na ako." sabi ko atsaka tumayo.
"Ihatid na kita."
"No need. Sige."Lumakad na ako pauwi. Nag-iisip pa din.
Kailan ba ako magiging masaya ulit?
"Dad?" tawag ko nang makapasok ako sa loob ng bahay. Nag-uumpisa na ding lumiwanag ang paligid.
"Ayesha?"Nadinig ko ang mga yapak na para bang tumatakbo mula sa second floor. Nakita ko si Dad na halos liparin na ang sala, mukhang walang tulog at bakas ang stress sa mukha nya.
"Dad.."
"Ayesha, anak.."Napayakap sya sa akin at nararamdaman kong umiiyak sya.
"Dad, sorry."
"No,no. Sorry,anak. Sorry."Umayos sya ng tayo at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Okay ka lang ba? Kamusta ka na? Paano ka nakaalis? Wag mo nang uulitin 'yun please? Please?"
"Yes Dad. Sorry po"
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Teen FictionHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...