Ayesha's POV
"Okay. Dig in!!!!!" Masiglang sabi ni Mike nang makaupo na kaming lahat.
Sa kabisera nakapuwesto si Blake, sa kanan nya ay ako, si Steve, Vincent, Louise, Ethan at Coleen. Sa kanan nya naman nakapuwesto si Heist, Hestia, Dennis, Mike at Vanessa. Habang nasa isang dulo naman si Kurt. Hindi bumaba si Mary dahil gusto pa daw nyang matulog. Nagising lang naman si Vanessa dahil sa ingay ni Kurt.
"Ang ganda ng ayos nyo! Hahahahaha!" Pang-aasar ni Blake ng kumakain na kami.
"Ha?"
"Puro lovers. Syempre, kaming mga nasa dulo ang soloista."
"Hoy! Sino nagsabing soloista ako?" Sabi ni Kurt.
"Bakit? Nasaan ang kapartner mo?"Tumingin si Kurt kay Steve na nakatingin din sa kanya ng pailalim
"Wala! Hinihintay ko pa!"
"Bakit si Heist? Wala din naman syang kapartner ah?" Sabat ni Mike.
"Oo nga ano? Pero halata namang wala syang interes eh."Tahimik lang ako habang kumakain. Nakikitawa paminsan-minsan pero hindi ako nakikisabay sa usapan. Halos sila Kurt, Blake at Mike lang ang nagsasalita na puro naman asaran ang sinasabi.
Nang matapos mag-agahan ay nagligpit kami at sabay sabay lumabas ng bahay.
"Bilisan nyo at male-late na tayo!" Sigaw ni Coleen na hinabol naman ni Ethan.
"Paano kaya nakatagal ang lalaking 'yun kay Coleen?" Angil ni Mike.
"Masyadong grade concious ang isang 'yun! Palibhasa eh Valedictorian!" Natatawang biro ni Louise.
"Speaking of. Almost three weeks away na lang ang graduation. Saan kayo papasok?" Pagsali naman ni Hestia sa usapan.Napaisip din ako sa sinabi nya. Kung tutuusin ay pwedeng sa Hemishi o sa Castel na lang ako mag-aral. Pero hindi ako sigurado. Parang gusto ko pang magpalit ng school na papasukan.
"Dalawa lang ang choice ko. Hemishi o Castel." Proud na sabi ni Mike.
"Makikita mo ulit si Cheska! Hahaha--" naputol ang tawa ni Dennis kaya takang napatingin 'yung apat.
"Bakit?" Si Kurt.
"W-wala.."
"Tss. Matagal na 'yun, Dennis. Wag mo nang gawing issue 'yun."Napatigil kaming apar nila Vincent at nagpaiwan sa paglalakad. Nagtabi-tabi kami at nagtinginan.
"May gusto ba talaga sya kay Nessa para mawala 'yung feelings nya kay Cheska?" Gulantang na tanong ni Dennis.
"Mukha nga. Tsk tsk. Mabuti." Komento ni Ethan.
"Improvement na 'yun. At least nakamove on na sya." Seryososng sabi ni Vincent habang nakatingin sa likod ni Mike.
"Kaya dapat tulungan natin sya!"
"Hahahahahaha!" Tawa namin.
"Anong meron?"tanong naman ni Hestia.Lumingon sila sa amin at magkakaakbay kaming ngumiti sa kanila. Ang magkatabing sila Coleen at Louise naman ay mukhang nakahalata din at parehong nakangiti din ng malawak.
"Anong tingin 'yan, Vincent?" Sigaw ni Mike.
"We're rooting for you!" Sigaw naming apat na nagpatiuna nang pumasok.Dumaan lang ang maghapon nang walang iniisip kundi ang magtawanan at magbiruan. Pero nang uwian na ay saka namin naramdamang lahat ang pagod. Sandamakmak na requirements ang ipinapagawa sa amin para sa graduation kaya nag decide kaming mag-overnight ulit.
"Isama mo na si Shana, Coleen. Para may kasama." Sabi ko.
"Hoy! Ikaw ba may ari ng bahay?" Biro ni Dennis.Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng mga gamit ko. Inihatid ako ni Steve at habang naglalakad ay magkahawak-kamay kaming nag-uusap.
"Hindi mo pa din sila kakausapin?" Tanong nya.
"Hindi na muna. Baka kung ano lang ang masabi ko at pagsisihan ko sa huli."
"Pero sila Heist, kinakausap mo na." Sabi nya.
"Wala naman silang kasalanan. Hindi naman nila pinilit si Mom na gawin 'yun."Pinisil nya ang kamay ko at hindi na muling nagsalita. Nang makapasok ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at kumuha ng isang bag. Nagbalot ako ng mga damit ko at nagbihis lang.
Naudlot lang ang katahimikan nang bumukas ng pabalang ang pintuan ng kwarto ko at humahangos na lumapit si Mom kasama ni Dad na mukhang kagagaling lang din sa school.
"Ayesha! Saan ka galing kagabi?!" Tanong ni Mom.
"Para namang wala kang idea kung saan ako pumupunta." Sagot ko sa tonong nauubusan ng pasensya.
"Ayesha.." Sabi ni Dad.
"Na kanila Dennis lang ako, Dad. You don't have to worry." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Bakit kailangan mo pang umuwi dun kung nandito naman ang bahay mo? Nandito kami?"
"Gusto mo ba talagang sagutin ko 'yan?" Sabi ko at lumabas ng kwarto.
"Hindi kita pinalaking bastos Ayesha Ann!"
"At hindi ko kailanman naisip na posible mo pala akong iwan."
"Ayesha.."
"I'm sorry. Pero mukhang wala nang pag-asang maayos pa tayo." Sabi ko sa boses na sumusuko.Sumakay ako sa motor ko at habang dinadama ang tama ng hangin sa mukha ko, at habang tinitignan ang papalubog na araw ay sumabay ang ilang patak ng luha ko.
May mga bagay talagang hindi na maaayos pa kahit akong gawin mo.
"Tsk! Dapat ay naghelmet ka!" Salubong ni Steve sa tapat nila Dennis pagbaba ko at pagkakuha nya sa gamit ko.
"Sakalin kita eh! Hindi mo na nga binalik 'yung helmet ko!" Kunwaring inis na sabi ko.
"Ah 'yun ba? Remembrance na 'yun!"
"Tsh. Mali bumili ka ng sarili mo."
"Wala nang value kapag ganun."Ningitian nya ako ng matamis kaya naman natahimik ako.
"Kinilig ka?"
"Lul!"
"Hahahahaha!"Sa ngayon, masaya na ako sa ganitong sistema. Sa ganitong ayos.
![](https://img.wattpad.com/cover/66820850-288-k652172.jpg)
BINABASA MO ANG
When A Gangster Fell Inlove
Teen FictionHe is nothing compared to her. She is way stronger than him in many ways.. But is he? Is he really that weak and innocent? Is she really stronger than him? Will they accept each other despite of this truths? Will they accept when a gangster fell inl...