Twenty Five :

13 0 0
                                    

Steve's POV

  Pagkaalis ni Ayesha,mabilis akong naglakad palabas para abutan sya.

'Ang tanga tanga mo nga naman kasi Perez!!'

Muling umulit sa pandinig ko ang binitiwang mga salita kanina ni Ayesha.

"Kahit ano pang dahilan mo Steve, hindi ko maiintindihan 'yan. Dahil naisama 'yung feelings ko. At pinaka ayoko sa lahat? 'Yung ginagawang katuwaan 'yung nararamdaman ko."

Hindi ko sya masisisi. Pinaglaruan nga naman 'yung feelings nya. Pero hindi naman 'yun ang intensyon ko. Wala lang talaga 'yun.

Kalokohan lang 'yun ni Kate. At hindi ko inaasahang ganito ang magiging epekto noon.

Halos malibot ko na ang mall kakahanap sa kanya pero hindi ko na sya makita. Nagpasya na akong umuwi nang mag-8 na. Sana nakauwi na sya.

To Ayesha
   -- Nakauwi ka na ba? Sorry.

Nang makauwi, dumiretso na agad ako sa kwarto at nagpahinga. Pero naalimpungatan ako nang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.
"PEREZ!!"

  Nagising ang diwa ko sa sigaw na iyon. Tinignan ko ang caller name. Si Vincent.

"Vince, ano yun?"
"Pumunta ka kanila Dennis." Maawtoridad na sabi nito. Tumingin ako sa orasan. Ala-una ng madaling araw.
"Per--"
"NGAYON NA!"

  Atsaka nya ibinaba ang linya. Nagtataka man, agad din akong kumilos. Ayokong gisingin ang halimaw sa katauhan ni Vincent. Baka mapatay ako.

Nag iwan lang ako note para kanila Mom atsaka lumabas.

Walang dumadaan na tricycle kaya naman lakad-takbo ang ginawa ko para mas mapadali ang pagpunta ko sa sakayan. Hindi kasi sa Village na 'to sila Dennis.

Hindi ko alam pero nang makaupo sa jeep, doon ako nakaramdam bigla ng kaba.

Nang makadating ako, nandoon silang apat, at tulog sa tabi ni Vincent si Louise at sa tabi ni Ethan si Kate.

"May proble--"

Nagulat ako nang hawakan ako bigla ni Vincent sa kwelyo.

"Vincent, kumalma ka nga." Mahinahong sabi ni Mike.
"How can I calm down?! Ha?"
"Ano bang problema?"
"Ikaw ang huling kasama ni Ayesha, hindi ba?"

  Pagkasabi nya nun, hindi na ako nakapag-salita. Tumango ako pero nandun sa dibdib ko ang matinding takot at kaba.

"May.. may nangyari ba?"
"Tumawag sya kay Mike. Humihingi ng tulong."
"What?"
"Ikaw ang huli nyang kasama. Anong alam mo?"
"Ewan ko. Naghiwalay din agad kami kanina dahil hindi kami nagkaintindihan."
"Anong oras yun?"
"Mga 7 ng gabi."

  Natahimik kaming lahat.

"Pero 9 na sya tumawag." Sabi ni Mike.

  Naupo ako sa sofa. Ibig sabihin, hindi agad sya umuwi kanina? Ano ba? Tsk!! Kasalanan ko 'to! Kung hindi ko sana sya kinausap tungkol doon..

"Mag hintay na lang tayo ng tawag. Dito ka muna magpahinga Steve. Hindi ka pwedeng lumayo." Seryosong sabi ni Vincent. Lumakad sya, binuhat si Louise at iniakyat sa isang kwarto. Ganun din naman ang ginawa ni Ethan kay Kate.

  Pinatuloy din ako ni Dennis sa isang kwarto para matulog. Pero hindi ko yun magawa.













ONE WEEK LATER...

Isang linggo na. Isang linggo na simula nang mawala si Ayesha. Wala pa din sya. Wala pa din kaming idea bukod sa alam naming Black Ace ang may kagagawan nito.

When A Gangster Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon